Napapikit na lang ako nang marinig na naman ang ingay sa labas. Nag aaway na naman sila nanay at tatay. Napabuntong hininga na lang ako. Walang araw na hindi sila nag-aaway. Palagi na lang kasing umuuwi ng lasing si tatay.
Hindi kami mayaman. Namamasukan si nanay bilang kasambahay at labandera sa tiyahin namin na si Tita Belen para may makain lang kami. Si tatay naman kasi ang raming bisyo at nagsasabong pa. Mas mahal pa yata ang mga manok niya kaysa sa amin na pamilya niya. Naiingit nga ako sa mga alaga niya dahil may vitamins pa. Habang kami ay halos hindi na makakain. Masaya na kami kung makakain ng isang beses sa isang araw.
Nagkakilala sina nanay at tatay dahil sa tita ko. Nanliligaw pa kasi noon si tatay sa nakakatandang kapatid ni mama na si Tita Belen. Pero dahil sa isang pagkakamali ay nabuntis si nanay. Kaya pinakasal na lang sila ni lolo. Labis ang galit ni Tita Belen kay nanay hanggang ngayon.
Sapagkat anak rin sa labas ni lolo si nanay kaya grabe ang pang-aapi sa kanya nila lola at ng mga kapatid niya. Baby pa lang siya ng iniwan siya ng totoo niyang ina sa labas ng pintuan nila lolo habang umuulan.
Bata pa lang ay mulat na ako sa katotohanan na hindi mahal ni tatay si nanay. Pinakasalan niya lang ito para saaming mga anak nila. Grabe na ang sakripisyong ginawa ni nanay. Para na siyang lantang-gulay sa edad na 35. Baluktot na at ang mga kamay ay halos mabulok na dahil sa pagtatrabaho buong araw. Ayoko nang makita si nanay na nahihirapan pa.
Kaya pagbubutihin ko ang pag-aaral ko para maiahon sa kahirapan ang pamilya ko. Kapag yumaman ako ay aalis na kami dito at isasama ko si nanay at ang dalawa kong kapatid. Napatingin ako sa librong hawak ko na may nakasulat na Araling Panlipunan Grade 8. Nabuntong hininga na naman ako.
Medyo matagal pa yata bago ko matulungan si nanay.
Sinimulan ko na ang pagbasa at pag-higlight. Di bale na magsisikap ako para sa kainabukasan namin.
"Antherese pinatawag ka ni Ma'am Abanalo," nilingon ko ang kaklase kong si Joyce nang tinawag niya ako.
"Bakit daw?" tanong ko habang pinupusod ang mahaba kong buhok at naghahanda nang lumabas. Nagkibit balikat lamang ito at kumandong sa bago niyang jowa na si Miguel. Napairap na lang ako at lumabas na sa classroom.
Nung unang pasok ko pa lang sa paaralang ito ay palagi pa akong binubully ni Joyce dahil daw yung mga manililigaw niya ay nanliligaw sa akin. Inis na inis siya kasi daw mang-aagaw daw ako. Sabi ko naman na hindi ako interesado sa mga manliligaw dahil pag-aaral muna ang inaatupag ko. Di ko nga alam kung bakit may nanliligaw sa akin eh. Hindi naman ako maganda. Matangkad lang tapos ang payat ko pa.
Pero ngayon naging best friend na kami ni Joyce. Magkaibang magkaiba kami ng personality at kilos. Kung ako ay mahinhin at parang Maria Clara siya naman ay sobrang liberated iba-iba ang jowa every week at lakas maka-PDA. Buti na lang talaga at hindi ako na impluwensiyahan sa pagiging playgirl niya.
Pumasok ako sa faculty at nagtungo sa table ni Ma'am Algarme - homeroom adviser namin. Nakaupo siya sa swivel chair habang may hawak na puting folder.
"Good afternoon ma'am pinapatawag niyo po daw ako?" magalang kong sabi habang nakatayo sa gilid ng table niya. Napatingin siya saakin.
"College ka na next school year. Isa ka sa mga government scholars since Grade 7 ka pa. If you want you can apply for CHED Scholarship." tumango ako at tinulungan niya ako kung paano mag apply.
"Maghanap na kayo ng trabaho." sabi ni tatay habang kumakain kami. Nagkatinginan kami ng kapatid ko na si kuya Allan. Mas matanda siya ng 1 year saakin pero parehas kami ng grade level dahil hindi siya nag kinder habang ako ay dumeritso ng grade 1.

YOU ARE READING
Wish on the Horizon
RomansaI wish for the sunset to linger a little longer so I can hold you a bit tighter. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.