CHAPTER 6: Bad Desire

17 12 3
                                    


Savien Llocy Roosevelt's POV

Abala ako sa aking trabaho nang may maramdaman akong palapit sa aking kinaroroonan. Sinubukan kong mag tago ngunit huli na ang lahat.

"Sino ka? And what are you doing?" isang seryosong boses ang nag mula sa lugar na yun kung saan nanggagaling ang pamilyar na amoy.

Habang naka-yuko ay napatingin ako sa pwestong yun. It's was him. Nahuli nya ako...... na may dalang bilog na bilog na bato. Magaan lang naman ito pero sapat na para gibain ang isang gusali.

"Is that Agatha's magic?" mukhang alam nya ang bitag ni Agatha na siyang isa sa kanyang kagrupo. Sabagay ay ilang taon rin marahil silang nagkasama sa paaralan na ito.

Napangisi ako dahil sa mga ideyang bigla na lamang tumatakbo sa aking mga utak. Bago pa nya ako mahuli ay tumakbo na kaagad ako palayo. Hindi hinahayaang ako'y mahuli ng nakatuklas sa aking ginagawa. Hinubad ko ang akibg sapatos upang hindi ito maglikha ng tunog at upang mas madali rin akong makatakbo. Hindi kasi ako sanay na may suot nito mula bata pa ako.

"Hey! Stop!" Sigaw nito at kasabay nuon ay ang aking pagliko sa isa pang pasilyo. Hindi naman ako makapapayag na nagsisimula pa lamang ako ay mauudlot na ito.

Ramdam kong tinatanggka niya ako sundan ngunit mas pinili niya ang huwag na lamang sa hindi ko alam na eksaktong dahilan. Ilan ngang sandali pa ang lumipas at ngayon ay matiwasay na ang aking paglalakad.

Yung batong ginawa ni Agatha ay inihagis ko sa mula sa may bintana patungo sa harap ng pader na nakapalibot sa academy. Sa pwesto ko ay dinig na dinig ang mga sigawan. May malapit at mayruon din namang malayo. Most screams I am hearing were coming from girls who's throat are probably hurting by now. And then some curse from boys.

Natawa ako bago tumakbo patungo sa hagdan at di mawala ang ngiti sa mga labi saka nag tungo sa fourth floor.

Shanniah Ferreira's POV

Hindi ko alam kung anong nangyari sa amin pero heto kami ngayon sa harap ni kuysan at lahat kami ay naka yuko. Hindi maatim na titigan o tingnan man lang ang ekspresyon at tingin na ibinibigay niya sa bawat isa sa amin.

Tahimik na nakaupo lang at inaabangan ang kanyang sasabihin.

"Sino ang nanalo?" he asked even though he know the result. Walang sumagot dahila ng lahat ay tulala. "Kaninong grupo ang maraming napinsalang kalaban?" sa tanong niyang yun ay nag tinginan ang lahat sa isa't-isa. Matapos nun ay nag sitaasan na sila ng kamay. Maging ako ay nakigaya rin dahil pakiramdam ko ay iyon ang tamang sagot.

"Are you kidding me? Talagang walang nakaligtas sa bitag ng bawat grupo na nakahuli kay Sav-Ms. Roosevelt?" magalit ka man kuysan. Wala talagang nakaligtas.

"Mr. Shaiz? Oh? Wala namang pinsala sa kanya. You looks fine." itinuro niya pa ito.

"Tingin nyo sir?" tanong niya at tumayo saka tumalikod. Malungkot kaming napatingin kay Aurthor pero bakas pa rin sa mga labi namin ang pigil na tawa. Nag hahalo ang awa at katatawanan sa kalooban namin.

Si kuysan ay hindi napigil at itinuro pa rin si Aurthor na ngayoy nakaharap na. Nangungunot ang kaniyang noo at nanginginig ang talukap ng kaniyang mga mata habang bahagyang nakakagat ang ngipin sa kanang ibabang parte ng ngipin.

LIFELESS MISSION! [Under major editing With Missing Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon