Chapter 4

780 16 2
                                    

JASMINE

Minsan talaga napapaisip na lang ako kung bakit gan'to mga pinaggagawa ko sa buhay eh. Parang wala ata akong guardian angel na kakalabit sa akin para mapaisip ako kung sure na ba talaga ako sa pipiliin ko.

O baka meron naman pero mahina yung kalabit. Kung ganun, please pakilakasan next time. Kahit sampalin na ako.

"Daddy, joke ba 'to?" Tanong ko at tiningnan yung patong-patong na folder na inilapag n'ya mula tuktok hanggang baba.

"Hindi. Kaya nga buti naman naisipan mo na magsimulang mag-review para sa boards mo. Lalo na at busy ka pa dahil last year na ng residency mo."

"Last few months," pagtatama ko.

"It's the same thing. And don't look at the pile of folders like that. That's not even half of what you read when you were in med school."

"Alam ko Daddy, iniisip ko lang paano ko 'to isisingit sa schedule ko," sabi ko.

Kasi naga-assist din ako sa research ng isa sa mga consultant sa Andromeda at nasa finalization na kami ng papers. At ayun nga, everyday may surgery ako. Average ng 4 hours yung time ko sa OR per day.

"But you also need to review the surgeries that you did."

Habang nandito pa si Daddy, tinanong ko s'ya kung anong effective ways to review para sa surgical board exam. Kaso naputol noong may tumawag sa ospital namin. At mukhang pine-prep na for surgery yung pasyente n'ya.

Narinig ko kasing tinatanong ni Daddy yung vitals before and now. Hula ko rin na yung part na sinabi ni Daddy na good job at I'll be there within an hour eh sinabi ng kausap n'ya na ip-prep na for surgery. Saka mabilisang lakad lang din ginagawa ni Daddy, hindi takbo.

Mapapatakbo lang naman kami kapag sobrang urgent na.

Pagkatapos ko kumain, dumiretso ako sa sala na may dalang ice cream at binuksan yung TV saka naghanap ng magandang palabas. Though sa kasuluk-sulukan ng utak ko ay nagdadasal ako na wala sa mga pasyente ko na biglang kailangan ng emergency surgery ngayong araw dahil may kung anong nangyari. Dagdag pa yung sana walang maaksidente. Kasi kapag 'yon nangyari at nagkataong madami yung naaksidente, mapapapunta ako ron.

"Oh?" Tanong ko nang sagutin yung phone ko na nagri-ring.

"Oh ka rin d'yan. Rest day mo ba?" Tanong ni Florence.

"Ano ngayon?"

"Grabe ang aga-aga triggered ka agad. Teka muna, medical drama ba 'yang pinapanood mo? May narinig akong 'push one of epi' eh."

"Oo. Ano nga kailangan mo, istorbo 'to."

"Nagkita kami ni Diana kanina, may orphanage visit ulit tapos medical mission. G ka ba?"

"Kailan ba?"

"Within this month."

"Sige go lang. Babush," sabi ko tas binaba na agad yung tawag.

Tinuloy ko lang yung pinapanood ko pero nung na-bored na ako, nag-play na lang ako ng music sa TV. Kinuha ko rin sa kwarto ko yung planner at laptop ko.

May surgery pala ako bukas na hindi ko pa masyadong nagagawa. Although maga-assist lang naman ako sa lead surgeon bukas, nag-search pa rin ako tungkol doon. F-in-amiliarize ko yung steps at yung possible complications during surgery.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nag-research don, basta ang alam ko, gutom na ako nang tumigil ako. Kaya naman pumunta ako sa kusina pero wala yung gusto kong kainin don.

Maaga tuloy ako napaligo.

Pagkatapos ko, nagbihis lang ako ng tshirt at shorts tas nilagay sa maliit na bag yung phone, wallet, lipstick , at folded reusable bags. Inayos ko lang yung kilay ko saka nag-blush on at lipstick bago kinuha susi ko.

Diallogus Series 02: Have and Will, AlwaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon