"Kaibigan"

1 1 0
                                    

Dumating na naman ang gabi
Nakatanggap na naman ng isang mensahe
Unti unting binubuksan
Kinakabahan
Kung ano ang laman ng papel na
Aking hawak hawak
Nakatatak ang mga salitang
Mahal kita
Isang napakagandang salita
Salitang napakasimple
Pero nagbibigay ng kakaibang saya

Pero bakit?
Bakit Iba ang aking nararamdam?
Pilit Kong sinasabi sa  aking sarili Kung bakit
Ilang buwan mong hinintay ang sagot
Ilang buwan ko ring itong iniiwasan
Dahil Hindi ko Alam ang aking sasabihin
Napaka simple Lang naman ng iyong mensahe
Alam ko na gusto mong marinig ang salitang Mahal Rin kita
Ngunit
Pasenya na

Pasenya na, tao lang rin naman ako
Nangguguluhan
Nagkakamali
Hindi alam kung gusto mo bang marinig ang sasabihin ko
Pasenya na
Pasenya na talaga
Pasenya na kung hindi ko masasabi sa'yo na
Mahal kita

Dapat kang mahalin
Oo, totoo ang sinasabi ko
Karapat dapat ka
Pero hindi ako ang para sa'yo
Salamat sa mga rosas at tsokolate
Na iyong ibinigay
Salamat rin sa mga liham na iyong ipinapadala
Ako ay nasiyahan sa mga araw na Tayo ay magkasama
Dahil Itinuring mo akong isang prinsesa

Sinubukan kong ikaw ay mahalin
Na higit pa sa isang kaibigan
Hindi ka man marihap mahalin
Sadyang hindi tumitibok ang puso ko
Para sa'yo

Ikaw na isang napakaguwapo at napakabait na  binata
Ay hindi mahihirapang humanap ng bagong mapupusuan
Maraming mga dalaga ay naghihintay na iyong lingunin
At ngitian
Sabik sila na iyong mapansin
Sabik sila na iyong mahalin

Inuulit ko
Pasenya na, tao lang rin naman ako
Nangguguluhan
Nagkakamali
Hindi alam kung gusto mo bang marinig ang aking sasabihin ko
Pasenya na
Pasenya na talaga
Pasenya na kung hindi ko masasabi sa'yo na
Mahal kita

Sinubukan kong ikaw ay mahalin
Na higit pa sa isang kaibigan
Hindi ka man marihap mahalin
Sadyang indi talaga tumitibok ang puso ko
Para sa'yo

Huwag kang mag-alala
Hindi ko malilimutan ang ating pinagsamahan
Mahal kong kaibigan 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Poems For Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon