Mahal Kita, Mahal Mo Siya~

985 15 9
                                    

Mahal kita,

Mahal mo siya.

Nakakainis ka!

Ang manhid mo talaga!


Nandun sya sa iba,

Habang nagpapakasaya.

Pero nandirito ka,

Habang lumuluha.


Mahal kita, Mahal mo sya.

Nakakainis bakit ikaw pa?!

Ikaw pang nambabalewala,

Sa pagmamahal ko sa'yong pinadarama.


Ano bang meron sya,

Na sa ki'y di mo makita?

Ano naman bang meron ka,

At sa'yo ito'y nadarama?


Mahal kita, mahal mo sya.

Naiinis ako kapag sinasaktan kanya.

Bakit ba kasi sya pa ang napili mo?

Bakit ba hindi na lang ako? 


Hindi mo pinansin ang pagmamahal ko,

Na laging tunay at tapat sa'yo.

Sa halip sya pa ang ginusto mo,

Kaya ngayo'y sugatan ang iyong puso.


Mahal kita, mahal mo sya.

Patawad pero hindi ko na kaya.

Mahal ko paalam na,

Pero laging tatandaan na mahal kita.


MAHAL KITA, MAHAL MO SYA.

SANA AKO NA LANG SYA:((

-Blank

Tula 'To, Tula Ko, Tula Ito Para Sa'yo [COMPLETED/UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon