Hindi Ko Pala Kaya~

393 8 0
                                    

Ikaw ay aking nilisan,

Dahil ito lang ang alam na paraan.

Upang ikaw ay makalimutan,

Pati ang aking nararamdaman.


Ngunit sa aking pag-alis,

Sa isipa'y di ka pa rin maalis.

Iniisip kung masaya ka na kaya,

O sinasaktan ka pa rin nya.


Maraming araw ang nagdaan.

Di ka pa rin makalimutan,

Ng puso kong luhaan,

Sa pag mamahal sa'yo kahit nasasaktan.


Pinilit kong magmahal ng iba,

Para lang makalimutan ka,

At ang sakit na aking nadama,

Noong kapiling pa kita.


Pero ako'y nabigo,

Siya'y tuluyang naglaho.

Dahil sa pag-ibig ko sa'yo,

Na hindi ko maitago-tago.


Tuwing siya'y nakakasama,

Ikaw ang nakikita.

Minsan pa'y natawag ko siya,

Sa pangalan mong kay ganda.


Ano ang gagawin ko?

Ngayon ay aking napagtanto.

Sa pag-ibig sa iyo,

Ako ay bilanggo.


Ikaw ay laging nasa isip,

Maging sa panaginip.

Ngayon alam ko na.

Hindi ko pala kaya nang wala ka.

-Blank

Tula 'To, Tula Ko, Tula Ito Para Sa'yo [COMPLETED/UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon