DISCLAIMER: This story is based on the Author's imagination only. All events are fictitious and didn't happen in real life. All names and places that had any resemblance to a living or deceased person is PURELY COINCIDENTAL. Enjoy!
LAW
"And let's all give a round of applause to our rising band, who will be singing 'What Makes you Beautiful' by One Direction , VOOORTEX!!!"
Kasabay ng pagtugtog ng malakas na drums ay ang pagliwanag ng buong stage nang banggitin ng emcee ang pangalan ng banda. Nakisiksik ako sa mga tao na hindi magkamayaw sa pagsigaw habang hindi inaalis ang tingin sa stage na pinagpeperforman ng banda. Ang layo pa ng pinakastage sa pwesto ko.
Bakit ko ba kasi to ginagawa?!
Pinagtutulak ko yung ibang nakaharang sa dinadaanan ko. May ibang mura at reklamo pa akong narinig sa iba pero hindi ko na lang pinansin. Wala akong oras para sa kanila. May kailangan akong gawin.
Mabilis na nagpunta sa gilid ang vocalist ng grupo na may dala dalang microphone. Nakangiti pa itong kumaway kaway sa mga tao na hindi naman magkamaliw sa pagtili ng pangalan ng banda nila. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo.
Tangina! Mukhang hindi pa ata ako aabot.
Teka lang. Siya na ba yun?
"FROSTTTT! WE LOVE YOUUU!!"
"LET'S GO VORTEX!!"
"FROST NOVA! ANG GWAPO MOO!!"
Nakahinga ako ng maluwag nung marinig ko ang sigawan ng mga fangirl nila. Hindi siya ang hinahanap ko. May oras pa ako.
"Ang kantang ito ay para sa lahat ng babae na nandidito ngayon! Always remember na you're all special and beautiful in your own ways!"
Muli na naman akong nakisiksik sa mga tao. Hindi ito ang oras para magpakampante. Dahil sa oras na pumalpak ako, may mamatay.
Kasunod ng pagtugtog ng mga instrumento ay ang paglabas ng isa pa nilang vocalist habang hawak hawak din ang isa pang microphone. Nakikita ko na ang daan papunta sa backstage. Ang problema ko lang ay ang dalawang guard malapit dito.
Napatigil ako sa pagtakbo nang biglang mapatingin sakin yung isa sa mga guard. Hayst pano to?
"KYAHHHH GAVEEE!!"
"GAVEEEEEE!!"
"GAVIEL PHOENIX! MARRY MEEE KYAHHH!!
Agad nanlaki ang mata ko sa taong kalalabas lang ng stage.
Gaviel Phoenix. Shit! Siya na nga yon!
You're insecure
Don't know what for
You're turning heads when you walk through the doorNagsimula nang kumanta si Frost. Ngiting ngiti lang siya sa lahat habang kinakanta yung part niya. Hindi naman matigil ang tilian ng mga tao. May iba pang nakikisabay sa kanta.
Ang saya ng mga tao pero eto ako at kinekwestyon ang mga desisyon ko sa buhay.
Don't need make-up
To cover up
Being the way that you are is enoughBumalik ang tingin ko sa mga guard na nakatingin pa din sa gawi ko. Ano ba naman to? Ako lang ba yung mukhang kahinahinala dito?!
Nagtingin tingin ako sa paligid kung anong pwede kong ipangdistract sa guard pero mukhang napukaw na ng atensyon niya yung isang fan na bigla na lang lumabas sa baricade at pilit na umaakyat sa stage. Nagtakbuhan tuloy sila papunta don at pilit na hinihila pabalik yung babae.
Yes! Thank you ate! Naway mabuhay ka pa ng matagal.
Everyone else in the room can see it
Everyone else but youKinuha ko naman ang oras na yon para tumakbo sa may backstage. Nagulat pa ako sa mga nagkakagulong tao sa loob. May mga di mapakali sa pagtakbo habang dala dala ang isusuot ng artist o banda na siguro ay sunod na magpeperform, at meron ding mga make up artist na todo retouch sa mga nakapila sa likod ng stage na miyembro ng ibang banda. Siguro kung hindi lang ako nagmamadali ngayon, ay namangha na ko sa kakaibang nakikita ko ngayon. Pero dahil nga may kailangan akong gawin, isinantabi ko na lang muna ang pagkaamaze ko at tumakbo patakbo sa gilid ng stage kung saan kita ang mga nagpeperform.
Baby you light up my world like nobody else
The way that you flip your hair gets me overwhelmed
But when you smile at the ground it ain't hard to tell
You don't know
Oh, oh
You don't know you're beautifulKitang kita ko na ngayon sila ng malapitan. Nagsimula na ding kumanta si Gave. At ngayon ay halos lahat na ng tao dito sa loob ay nakikisabay na sa kanya. Tumingin tingin ako sa paligid para hanapin ang isang tao pero walang akong makita ng ayos dahil sa sobrang liwanag. Anak ng!
Aish! Maaga akong masisiraan ng ulo dito!
If only you saw what I can see
You'd understand why I want you so desperatelySa muling pagtingin ko kay Gave ay nanlaki ang mga mata ko nung makita ko ang pulang laser na pilit itinututok sa ulo niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong tumakbo papalapit sa kanya.
Tila nagslowmo ang lahat.
Right now I'm looking at you and I can't believe
You don't know
Oh, oh
You don't know you're beautiful
Oh, ohNang mahagip ng paningin ko ang ibang kabanda niya ay taka lang ang mga itong nakatingin sa tumatakbo kong pigura. Unti unti na ding tumitigil ang tugtog ng mga instrumento at napansin yata iyon ng mga vocalist dahil napatingin din sila sa likod at sabay na tumingin sa mga kabanda nila at sumunod ay sa akin.
"TABI!!"
That's what makes you beautif- ack
Hindi ko na alam ang sunod na nangyari.
Basta ang alam ko lang ay tumalon ako sa harapan ni Gave Pheonix at tila isang tangang isinangga ko ang aking sarili sa isang taong hindi ko naman kakilala.
Kasabay ng pagkarinig ko sa tunog ng baril at pagkakagulo ng mga tao, ay ang pagpikit ko at pagkaramdam ko ng pagkabagsak naming dalawa sa sahig.
Naramdaman ko din ang balang unting unting tumatagos sa likod ko. Tangina ang sakit!
Naririnig ko pa din ang tilian ng mga tao hanggang ngayon. Kung kanina lang ay nagsisigawan sila dahil sa pagkamangha at katuwaan, ngayon ay maririnig mo ang iba't ibang emosyon nila sa mga sigaw nila. Pero nangingibabaw sa mga ito ang matinding takot.
Takot.
Yan din ang nararamdaman ko sa panahong ito.
Ito na ba ang katapusan ko? Napakabata ko pa para mamatay. Hindi ko pa naeexperience pindutin yung fire alarm ng school namin. Lalong lalo naman yung maexperience na makapanaksak ng lapis sa school! Sayang! Dapat pala ginawa ko na yon habang buhay pa ko.
Isang nakakarinding tunog ang umalingawngaw sa tenga ko kasunod ng paglamig ng buong katawan ko pati na ng puso ko.
"MISS! MISS! AMBULANCE! CALL AN AMBULANCE RIGHT NOW!"
Naramdaman ko ang pagbuhat sakin ng isang tao pero maya maya pa ay tila nawawalan na ako ng naririnig at namamanhid na ang buo kong katawan.
Napangiti na lang ako ng mapait. Ang pangit kabonding ng buhay.
I guess this is the end for me.
'LAW ACTIVATED,'
Until it is not.
![](https://img.wattpad.com/cover/248595434-288-k262741.jpg)