NOON NA UNTI UNTI NA NATING NAKAKALIMUTAN AT NGAYON NA ATING NAKAKASANAYAN

1 0 0
                                    

So ayun po ano wazzup sainyo mga kapwa ko kabataan halinat pag usapan ang Noon n aunti unti na nating nakakalimutan at ang Ngayon na ating nakagawain.

Ating umpisahan sa pananamit noon, Noon balot sa kasuotan ang mga tao na karaniwang kulay itim at puti na napaka simpleng tignan subalit Ngayon sa kasalukuyan madalas pabago pabago ang uso lalo na sa mga kadamitan umiigsi ang kasutan dahil nadin sa impluwensya ng mga dayuhan. At ang susunod nating pag uusapan ang paraan ng panliligaw na ating ng nakakalimutan, noon ang panliligaw tinutuing na tradisyon at gumawa ng paraan ang lalake upang makuha nito ang atensyon ng kanyang mahal na babae isang halimbawa nito ang pag haharana, ngunit sa panahon ngayon hindi lang teknolohiya ang sumulong kundi pati nadin ang pagiging corny upang makakuha lang ng atensyon ganun paman di padin mapipigilang mahulog ang loob ng kababaihan, kung noon ay pagiging matiyaga ngayon ay pagiging malikhian. At ang susunod nating pag uusapan ang teknolohiya, Kung noon, mahalagang bagay sa isang indibidwal ang tinatawag na pribadong buhay. Ngayon, Halos lahat na ng mga tao, lalo na ang mga kabataan ay ibinabahagi ang bawat kilos, galaw at lugar na pinupuntahan nila sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at iba pa. Noon, silid-aklatan at Encyclopedia ang nagsisilbing gabay ng mga estudyante sa paggawa ng kanilang mga takdang-aralin at iba pang dokumento na kailangan sa eskwelahan. Ngayon, isang pindot lamang sa kompyuter ay marami ng impormasyon na lalabas na maaari mong pagpilian. Hindi ba't ang layo ng pagkakaiba ng Noon at Ngayon pagdating sa teknolohiya? Sa panahon ngayon, naging madali ang paghahanap ng impormasyon na kailangan sa ating pang-araw-araw na buhay. Hindi rin maikakaila na malayo na ang narating ng ating teknolohiya sa larangan ng komunikasyon. Kung dati ay kailangan pang magpadala ng sulat na aabutin ng ilang araw upang maihatid ang mensahe na nais sabihin sa isang tao ngayon, ilang segundo lang ang kailangan upang mabasa o malaman ng isang tao ang nais mong sabihin sa kanya sa pamamagitan ng cellphones at kompyuter. lamang sa mga kabataan. Ngayon, ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lamang sa mga kabataan. Kailangan pang sabihan ng mga magulang upang maalala nila na dapat nila itong gawin sa lahat ng pagkakataon. Noon, malaki ang respeto ng mga anak sa kanitang mga magulang na isang sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak. Pero ngayon, halos wala ng galang ang mga anak sa magulang dahil kahit anong gawing saway ng magulang sa anak ay hindi pa rin ito sumusunod. lamang ay naglaladlad na. Ang mga Pilipino noon ay ipinagmamalaki ang likas at taglay nitang kulay kayumanggi. Ngunit ngayon, maraming Pilipino ang nais pumuti kaya kahit gaano pa kamahal ang mga produkto na pampaputi ay tinatangkilik pa rin ang mga ito. Sa bawat oras, araw o taon na lumilipas onti onting dumadami ang mga kabataang nalululong sa mga bagay na ikasasama nila. Minsan ako'y napaupo sa isang silid at napaisip sa kalagayan ng mga kabataan ngayon at tintanong ko ang aking sarili "bakit ba halos lahat ng kabataan ngayon ay pabaya na sa sarili, sa pagaaral at sa iba pa". Hindi ba dapat mas maging mabuti at madali ang buhay ng mga kabataan ngayon dahil sa pagunlad ng teknolohiya ngunit ginamit ng mga kabataan ito sa maling pamamaraan. Napapaaway sa social media, nakakakuha ng mali maling impormasyon at iba pa. Malaki ang tulong ng teknolohiya kung ginamit lang ito sa mabuti at tamang pamamaraan. Marami parin naman ang mga natitirang kabataan ngayon heneresayon na may tinatahak sa buhay. Naway sana sila ang magbigay daan sa ibang mga kabataan na maging katulad nila at hindi maging pabaya sa mga bagay bagay. Upang ito'y magiging paraan para maging mabuti, makabayan, mapagmahal at matulungin sa lipunan. At itong mga maling hinaharap ng nga kabataan ngayon ay maging tulong para sakanila upang matuto at magbago. At ituwid ang kanilang kinagisnan at sarili para sa bayan. Ang kabataan parin ang pag-asa ng bayan. Tunay ngang marami na ang nagbago sa Pilipinas sa mga nakalipas na panahon. Patunay lamang ito na totoo ang kasabihan na "Walang permanente sa mundo, kundi ang pagbabago." Ang mga pagbabagong ito ay may maganda at hindi magandang naidulot sa mga Pilipino Halimbawa na lamang sa teknolohiya, ang magandang dulot nito ay mas napapadali ang pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Mas mabilis na ang pakikipagkomunikasyon sa mahal mo sa buhay na nasa malayo. Mas mabilis na rin humanap ng impormasyon na makakatulong sa pag-aaral ng mga kabataan. Ngunit sa kabila ng mga magagandang dulot nito ay mayroon din itong hindi magandang epekto. Unang-una na rito ay sa pangkalusugan, dahil sa lubos na pagkahumaling sa paggamit ng kompyuter, hindi na nasusunod ang tamang oras ng pagkain, hindi na rin nakakapaglaro ng mga larong kalye ang mga kabataan kung kaya't sila ay hindi pinagpapawisan, hindi na rin sila naaarawan dahil sa lagi na lang sila nasa loob ng bahay at nagkokompyuter. Ang mga bagay na ito ang nagiging dahilan ng paghina ng resistensya ng mga kabataan na nagiging dahilan ng pagkakasakit. Dahil rin sa palaging nakatutok ang mata sa kompyuter nagiging dahilan ito ng unti-unting paglabo ng mata kahit na bata pa lamang. O diba! Dahil sa ang pagbabago ay hindi mawawala, dapat lamang na marunong, magkontrol ang bawat isa, dapat nating alamin ang ating mga limitasyon ng sa gayon ay hindi maabuso ang mga pagbabago na nagaganap sa ating paligid. Sapagkat hindi ang sitwasyon ang magbabago para sa atin, kundi tayo ang magbabago ng sitwasyon.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

NOON NA UNTI UNTI NA NATING NAKAKALIMUTAN AT NGAYON NA ATING NAKAKASANAYANWhere stories live. Discover now