>Kinabukasan<

16 0 0
                                    

Hindi ako nakapasok ngayon, baka kasi umiyak lang ako sa klase nmin. Hindi nga alam ni Daddy na nakipagbreak na sakin si Rhacel, kasi baka sugudin yun sa bahay niya. At lalong lalo na hindi alam ni kuya naku mapatay niya lang yun. Hindi naman sa ayaw kong mamatay, sa totoo gusto kong mamatay un. Excuse ko naman eh sobrang sakit ng ulo ko, buti nga naniwala eh ba't hindi naman maniniwala ang pula pula ng mata ko kakaiyak kala nila ganun talaga kasakit yung ulo ko pero hindi yun ung nasasaktan. PUSO ko yung NASASAKTAN!

BEEP!

From: Bestfriend (Reg) 

musta ka na? ok ka lang? dalawin kita mamaya. :) 

Si Reg Bestfriend ko since elementary. Tagal na nming friends. Kala mo nga kambal kami kasi pati pagsasalita namin parehas pati kilos pa nga eh. Pero sa totoo lang we're completely different, she hates a lot of what i like and i hate a lot of what she likes. 

Actually pagtapos ng text ni Reg sunod sunod na yung text. Ang daming nagtext sakin kung ok lang ako. Ano ba to alam ba ng buong school na-na- wag na nga pagod na ko umiyak. 

Mga 5pm dumating si Reg sa bahay. Ako lang magisa sa bahay, kasi may trabaho pa daddy ko tapos si kuya may gimik ng barkada niya. 

"oy girl! I heard what happened. I'm really sorry." 

Hinug niya ako. 

"ok lang, wala na akong paki dun sa lalaking yun" 

"gusto mo resbakan natin bukas? Magtatawag pa ako yung kuya mo pati yung mga kabarkada niya."

Pag kuya ko nga lang sumugod dyan sa lalaking yan patay... winish niya na hindi niya na ako nakilala. 

"hindi ok nako wag mo na alalahanin bukas papasok na ko! Promise!" 

"oh sige girl, basta pag gusto mo ready pa kong manuntok." 

Tumawa kami tapos umalis na din si Reg. Mga 7 pm nakauwi si Kuya. At ang loko parang aatakihin sa puso kung tumakbo. 

"oh, hinahabol ka ulit ng aso?" 

Niloko ko siya. Ang sarap kasi asarin. 

"hindi ako hinahabol ng aso noh.." 

Hinihingal siya. Pumunta siya sa kusina para kumuha ng tubig. 

"Eh bakit ka tumatakbo na parang may nanghahabol sayo?" 

"Walang nanghahabol sakin" 

Uminom siya ng tubig. Tapos nagsalita ulit.

"Totoo ba?" 

Tumingin siya sakin ng seryoso. Nakakatawa siya pag seryoso yung tingin niya kaya naman napatawa lang ako. 

"a-a-anong totoo?" 

Tumatawa ako kaya na utal-utal ung pagsasalita ko. 

"Cristine nman seryoso na nga usapan tapos tawa ka lang diyan." 

"kasi face mo nakakatawa" 

Pinipigilan ko yung tawa ko kasi baka magalit siya. 

"bakit may dumi ba ako sa mukha?" 

Kinapa niya yung mukha niya. 

"Wala, nakakatawa lang talaga yung face mo." 

Tumawa ako. 

"ok seryoso na to.. totoo ba na nakipagbreak sayo si Rhacel ? 

Bakit ba niya pinaalala yun. Kinakalimutan na nga tapis papaalala ulit. Kainis. Wala akong sinabi, umakyat na lang ako papuntang kwarto. Buti na lang nag hapunan na ako. Kung hindi tomguts ako ngayon. 

"Cristine hindi pa kita tapos kausapin." 

Sumisigaw na si Kuya pero nagpatuloy parin akong maglakad paakyat. And at that moment umiiyak ulit ako. 

My First and My Last :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon