It's still quarter to 3 ngunit madilim na ang kalangitan. I heard the sky roared like a lion as lightning flashed before my eyes. Sandali akong napapitlag sa gulat subalit hindi ako umalis sa aking kinatatayuan. Nanatili akong nakahilig sa bintana ng aking kwarto habang pinagmamasdan ang nagbabantang mga ulap.
I smiled as I continued to look above. Ilang buwan na rin kasing namihasa ang tagtuyot kaya maligaya akong nagpadala na rin ng ulan si God at makakainom na ang mga halaman at puno na hindi nadidiligan ng tao. Wow. Iyon talaga ang unang naisip ko? Siguro kasi iyon naman ang madalas na napapansin ng mga taga-probinsya na tulad ko. We're living at the heart of nature and I have seen how people and nature struggle whenever dry season comes. And even if nature can't speak, ramdam ko, na tulad ko, masaya sila na sa wakas ay uulan na rin.
At sa pagdaan ulit ng kidlat, dumaan din sa isip ko ang tunay na dahilan kung bakit masaya ako kahit tila nagagalit ang kalangitan. Kahit baha at perwisyo ang dulot ng ulan sa iba, panalangin ito kung ituring ng nakararami. At kung sa akin? Dala nito ang mga alaalang madalas kong binabalik-balikan.
"M--Mat--than..." nanginginig kong sambit sa pangalan ng lalaking tumatakbo patungo sa akin. Agad niyang binitawan ang hawak na payong at niyakap ako.
"I'm sorry, Rayne. I'm sorry..." paulit-ulit niyang paghingi ng tawad sa akin habang hinahagod niya ang likod ko.
Ang lamig na nararamdaman ay biglang napalitan ng init at kaba. Hindi ko maipaliwanag kung bakit tila lalagnatin ako. Dahil ba naulanan ako? That could be the most probable cause. Ngunit kakaiba ang init na aking nararamdaman. Tila apoy na siya ang nagsindi. Hindi ko mapatay. Hindi ko mapigilan ang paglaganap nito sa aking buong katawan.
"I'm sorry, too. Kasalanan ko rin naman," sagot ko as I remembered what happened earlier.
We're supposed to be walking home together ngunit nauna na ako. I saw him with his classmates at napansin ko kung gaano kaseryoso 'yung usapan nila kaya hindi ko na siya hinintay. I thought they were discussing school stuffs and I didn't want to interrupt. Baka magmadali pa siya nang dahil lang sa akin. I didn't want him to treat me like I'm someone special or it's just me who thinks that I'm special to him?
BINABASA MO ANG
What Never Fails
Teen FictionDo we fall in love only when the circumstances are right? Or do we fall in love even when there's no sense of right or wrong? Well, the truth is, love often finds us in unexpected places. No matter what the universe unfolds in front of you, you woul...