14th Century. Ang Medieval Period. Panahon kung kaylan sumibol ang iba'-ibang kwento, misteryo, alamat, at mga pahina na siyang nakaukit na sa kasaysayan at siyang bitbit-bitbit ng nakararaming indibidwal sa kasalukuyang panahon.Jack n jill...
Hansel and Gretel...
Romeo and Juliet...
Beauty and the Beast...
Prinsipe't mga prinsesa...
"The Age of Happily ever after" ika nga. Pero ang di alam ng karamihan, sa likod ng mga umuusbong na pahina mula sa mga libro, mga kwadrado't pasilyo, mga pantasya sa mga nagsipag usbungang kastilyo, panahon rin ito kung kaylan sumibol ang kadiliman na siyang bumalot sa malaking persyento ng kalupaan nung ika-14 na siglo. Mga usap-usapang misteryong hindi maipaliwanag. Mga baryo't sibilisasyong bigla na lamang naglaho ng parang bula sa mapa. Mga hindi mawaring nilalang, at pangyayari na nakaukit na sa bawat kasaysayan, libro, kwento, at kultura sa bawat sulok ng mundo. Halimaw, dwende, bampira, bakunawa, lobo...
demonyo.. at iba pa.
Saan nga ba ang lahat ng ito nagsimula?
Ang panahon ng ika-14 na siglo. Ang panahong tinawag ding "Dark Ages"
Sa panahong ito, habang ang malaking persyento ng mundo ay nababalot ng dilim, may liwanag na darating mula sa mga alapaap, habang ang lahat ay nababalot ng takot, sinong mag-aakala na may pagmamahalan na sisibol sa gitna na lahat ng ito?
Isang pagmamahalan na pinagbuklod ng lupat kalangitan.
Dalawang puso na pinagtagpo....
At muling pagtatagpuin.
----------------------Present------------------------
*Paggising mula sa isang kakaibang panaginip*
"Ugh....W-what was that? ughh.. ah.. Si-sino yun??"
Agad akong napatayo sa higaan mula sa isang kakaibang panaginip. At sa dimalamang dahilan gumising rin ako ng may luha sa mga mata. Tumingin ako sa orasan at 5:30 pa lang ng umaga.
Matagal-tagal na rin akong di nanaginip at binabangungot. Actually nung bata pa ako lagi akong nanaginip tungkol sa mga digmaan, labanan at patayan, sa totoo lang it's kind weird kase never ko namang pinangarap maging si cardo. Never rin akong naging enterisado sa pagsusundalo o sa pagpupulis. But this time it was different..
"Weird.."
"Uuuyyyy!! Kuya bumangon ka na daw"
Bungad sa akin ng kapatid kong si Keepfier. Ang aga-aga nangbubulabog nanaman siya. Siguro kahit hindi ako binangungot, magigising rin ako ng maaga dahil sa ingay ng bunganga niya.
Agad siyang pumasok at di ko pa napupunasan ang luha sa mga mata ko kaya naman na kita niya na may luha pa ako sa mata "Oh kuya gising kana pala ..uh.. umiiyak kaba?" Tanong niya. "Huh?...Hindi no, na puwing lang ako" Di ko na sinabi sa kanya na kaya ako na-luha kase binangungot ako.
Sigurado ako na pagnalaman niya ang tungkol dun aasarin niya lang ako. Mahirap na, kulang ako sa tulog at wala pa ako sa mood, baka matadyakan ko lang siya tsk.
"Bat ba ang aga-aga ang ingay mo? saka isa pa, why did you enter my room without knocking ?¿?"
"First of all this is not your room, guestroom to nila tito Ben. And second tawag ka na ni nanay, kumain ka na daw sa baba at pagkatapos tulungan mo na daw si tatay magkarga ng mga gamit sa sasakyan" bigla kong naalala ngayon nga pala ang alis namin pabalik ng Manila. Maaga nga pala kami pinapagising ni nanay dahil may importante din silang aayusin mamayang hapon
BINABASA MO ANG
AzrielTheGrim (A Love Story Untold)
RomanceHow well do you know the Grim? This story is about a guy named Lucas. Isang normal na graduating student na ginuguhol ang oras niya para ihanda ang sarili sa future na kakaharapin niya. Little does he know that while his to busy chasing his future...