Nakaharap ako sa kanya at na sa bandang likuran kami kaya di ko na malayan na nasa harapan na pala ng klase si sir at yung kasama niyang babae.Parehas nanlaki ang mga mata namin ni Zach nung nakita namin siya...
"Hindi siya mistisa...Hindi rin naman ganon katangos ang ilong niya, Hindi rin siya kulot, pero mapungay din ang mata, Itim naman ang mga buhok at mga mata niya. Simple rin naman siya at maitsura naman rin, hindi sila Esaktong magkapareho pero pagdating sa hulma ng muka magkapareho sila"
Nagkatinginan kami ni Zach, at parehas pa rin kaming hindi makapaniwala sa nangyayari, sabay rin kaming napatingin sa drawing ko. Kamukang-kamuka niya yung dinidescribe ko!
"Pri pamilyar ka naman siguro sa final destination diba? Ano ready ka na ba mama--" di niya na natuloy ang sasabihin niya dahil siniko ko siya "Okay class settle down gusto kong ipakilala sa inyo ang bago nating transferee. Sigeh na Hija magpakilala ka na"
"Aray ko ang sakit ikaw alam mo--" di niya na naman na tuloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bibig niya.
"Shushhh!! wag kang maingay, magsasalita na siya" suway ko sa kanya."Hi everyone. My name is Vivien Dale Ortega I'm 18 years old and I live in 2021 Leveriza street Pasay City. Galing ako sa Lakan dula Highschool sa Tondo, Manila. Bagong lipat lang kami ng tita ko dito....."
Habang nagsasalita siya pinagmamasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Grabe hindi parin talaga ako makapaniwala na magkamukha sila.
Dahil ako ang grade 12 representative dito sa Pasay West, for sure mai-isipan ni Sir Gomez na ako ang magtour sa kanya dito sa school.
"Okay hija thank you for that.."
Di ko na namalayan na tapos na pala siya magsalita.
"Okay na saan si Luke?... Mr. De Guzman??" Ugh hell no..please don't. PleaseE!!... Sabi na eh.
Agad naman akong yumuko para di ako makita ni Sir Gomez. Bigla namang tumingin sa akin ang kaklase kong si Pathrick. Nasa likuran ako ng upuan niya, sinesenyasan ko siya na wag siyang maingay at wag niya kong ituturo kay Sir Gomez "Shiish wag kang maingay ha". Subukan mo akong ituro Path tatadyakan kita.. tatadyakan talaga kitaaA.
"Sir nandito si Luke." Wat da pak. "Baket ba nagtatago ka?" Dagdag niya pa."Che Ewan ko sayo" Kaya nga nagtago yung tao eh tukmol talaga to.
"Mr. De guzman?"
"Ugh.. eh... Yes Sir?" (Wala na..Finish na...)
Hindi naman sa gusto ko siyang layuan pero ang ang creepy lang talaga, At isa pa baka mamaya magkatototoo yung nasa panaginip ko AYOKO PANG MAMATAY!!
"Samahan mo mamayang resses si Ms. Ortega at i-tour mo siya dito sa school" Sa unang pagkakataon ay nagkatitigan kami ni Vivien at nginitian niya ako, infernes maitsura naman talaga siya. Ngumiti na lang rin ako sa kaniya pabalik kahit pilit.
Wala na akong nagawa kung di um-Oo na lang sa sinabi ni Sir Gomez. Haayyss kahit kaylan pahamak talaga to sir. Agad ko namang kinalabit si Zach
"Uyy Zach I need to get out of this situation!"
"Huh?baket? Ano bang plano mo?"
"Tulungan mo ko gumawa ng rason...Ah Alam ko naaA!"
Si Zach ang class president namin kaya naman sigurado ako matutulungan niya ako sa nai-isip kong alliby at isa pa ako rin ang Vice president sa room kaya feel ko naman magiging madali lang to.
"Anong masakit sayo anak?" Tanong ng nurse sa akin. "Ugh...eh..M-masakit po ang tiyan ko sa ka medyo hilo rin ho ako" sabay hawak sa noo with matching pikit-pikit ng onte yung mata "Oh sige anak mahiga ka muna dito" sabay alalay sa akin papuntang kama.
BINABASA MO ANG
AzrielTheGrim (A Love Story Untold)
RomanceHow well do you know the Grim? This story is about a guy named Lucas. Isang normal na graduating student na ginuguhol ang oras niya para ihanda ang sarili sa future na kakaharapin niya. Little does he know that while his to busy chasing his future...