"What should I wear?" Nagpapanic akong pumasok sa closet room ko.
"Will you calm down? Lalo kang hindi makakapamili ng maayos na damit kung nagpapanic ka diyan!" Here goes Mother Abbi, preaching at me.
"Kasi naman! Aaargh! Bakit kasi ngayon lang sinabi ni Kuya na maaga pala kami aalis edi sana nakapagprepare na ako kagabi pa!" Pagrereklamo ko.
" 'Di ka na nasanay. Lagi kayang late mag-abiso pamilya mo." - Amira.
Tiningnan ko lang siya ng masama bago bumalik ulit sa paghahanap. Mabuti na lang at mamaya pang hapon ang lakad ng mga 'to at mayroon pa silabg time para mag-ayos.
"What about this?" Asked Amira bago iniharap sa akin ang hawak niyang isang body fit na mini dress na kulay pink.
"Nope!" Sabay na sagot namin ni Cess.
"No way, Amira. Hindi lang naman date ang pupuntahan niya, Concert din. Concert ng D of Aph. Alam ko naman ang tugtugan no'ng nga yun di ba? Tapos pagdedressin mo si Sasha?" Pagpapaliwanag pa ni Cess. Tumango kami ni Abbi sa sinabing iyon ni Cess.
"Right." Pagsang-ayon ni Amira bago ibinalik sa hanger yung dress.
"How about this?" Tanong ni Abbi habang hawak ang isang skirt.
"Nah!" Biglang sagit ni Cess. "Magmumukha siyang losyang pag iyan ang sinuot niya. It's too out of style and out of place." Sabi ni Cess.
"Aaah! Ang hirap naman nito! Eh kung 'wag na lang kaya akong tumuloy?" Sabi ko naman na sobrang suko na. Kinakabahan pa ako!
"That will never happen especially now that I have seen the perfect outfit for you." Sabi pa ni Cess. Napatingin kami sa kanya bago siya humarap sa amin.
Inilatag niya ang isang mini shorts, loose shirt, tube at isang pair of sneakers sa kama ko. Inilabas din niya ang isang bag at mfa accessories na babagay dito.
Nagkatinginan ang tatlo na para bang nagkakaintindihan sila, "Perfect!" Sabay-sabay nilang sigaw.
"Aargh! Seriously? Hindi kaya maisip niya na I'm too easy to get with those short shorts?" Sabi ko habang minamata iyong mga damit sa kama.
"Nope! He'll drool over you with these on! Now, go to the bathroom and take a bath. Ang baho mo na eh!" Sabi ni Amira bago kunwaring tinakpan ang kanyang ilong habang tinutulak ako papasok ng banyo ko.
"Don't forget to shave your legs and underarm. Hindi mo naman siguro gustong makita ng Mysterious Date mo na may buhok yang leki-leki mo." Sabi ni Abbi.
After an hour in the bathroom ay lumabas na ako with just my towel on.
Nakita ko silang nakatingin sa kama ko habang minamata abg mga damit na nandoon. Tumungo na ako sa cabinet ko ng mga undies at kumuha ng maisusuot. Bumalik ako sa kama para kuhanin ang isusuot kong mga damit ngunit iba na ang nakalagay roon na pares.
"Bakit iba na?" Nagtataka kong tanong.
"Naisip namin na masyadong pambata yung style so, ginawa naming mejo classy pero pwede pa ding pang slam-an. We came up with those." Sabi ni Cess.
Ang ipinalit nilang damit ay isang skater skirt na maroon na hanggang mid thigh, isang scoop back long-sleeve na kulay white, pumps na kulay maroon, bag na may touch of silver at accessories na bumabagay sa outfit ko. Whoo! I guess these will do!
Pagkasuot ko ng damit ay pinaupo na nila ako sa harap ng aking vanity mirror at inayusan. Light make up at big curls para sa buhok. Gumanda tingnan ang buhok ko dahil sa hombre color nito.
Natapos nila ako ayusan ay mag aalas-dos na, i have a little time para manghingi ng payo sa mga kaibigan ko para sa unang date ko.
"Just don't be so maarte. Boys hate those!" Sabi ni Cess.
" 'Wag masyadong tahimik, madali siyang mabobored." Sabi ni Amira.
"Kapag tinanong ka niya kung anong gusto mo sabihin mo, in case na wala kang gusto bigyan mo lang siya ng idea kung anong gusto mo." Sabi naman ni Abbi.
"Smile, never ever do the frown face." Sabi ulit ni Amira.
"Laugh at his jokes kahit pa ang corny non." Abbi said.
"At huwag pakipot." Sabi ni Cess na nagpasang-ayon sa dalawa.
Nakarinig kami ng doorbell sa baba kaya lumabas na ng kwarto ang tatlo para tingnan kung iyon na ba ang date ko na susundo sa akin. Sina Kuya at Ate Czarina ay nauna na sa date nila, sabi kasi ni Kuya ide-date daw muna niya si Ate bago ibalik sa last practice nila para sa concert.
Ang tagal namang bumalik nung mga yun?!
Lumabas na ako para tingnan kung bakit ang tagal nila, pagsilip ko ay nandoon silang tatlo sa harap ng pinto nakatunganga! Literal na tunganga. Nakanganga at bilog na bilog ang mata. Take note: Sa harap ng lalaking nakatalikod sa akin habang nakahawak sa kanyang batok.
Tumikhim ako na nagpabalik sa ulirat ng mga kaibigan ko at nagpaharap sa pinsan ni Ate Czarina.
OH…
MY…
GOSH!
HE IS ONE HELL OF A HOT GUY!
Ba-bakit ganun?
Ang hot na niya!?
![](https://img.wattpad.com/cover/22047172-288-k867324.jpg)
BINABASA MO ANG
Infinity, Lifetime and Forever
Teen FictionNOTE : Former 'The Controversial Twin' We all know that there is a lifetime. It is the time we live until we die. Mathematics introduces us to infinity, it is the endless number and possibilities. And some of us don't believe in Forever, where we c...