"Love"Nagiisang salita na nadadama ng lahat ng tao dahil dito mas lalo tayong ginanahan mabuhay. Pagmamahal ang dahilan kung bakit din tayo nasasaktan,sakit na kailanmay walang kapantay. Pero kung tayo ay magmamahal pagpapaubaya ang ating unang ginagawa . Marami tayong nabubulag ng dahil sa pagibig kaya't kahit katawan,puso pati kaluluwa ay naipauubaya na natin. Pero paano kung ang taong pinagkatiwalaan at pinagubayaan natin ay siya ring wawasak sa atin?? Anong gagawin mo kung darating ang panahon na yong taong mahal mo ay unting unting mawawalay sayo? Makakaya mo kayang tanggapin at bigyan siya ng kalayaang kanyang ninanais??
Ito ang kwento ng dalawang lalaking parehong nagmahal. Pagmamahal na kailan may hangad ng ibang wasak sa pagibig pero paano kung namulat siya sa pagibig na kailanmay akala niyang pareho nilang mahal ang isa't isa pero akala lang pala.
Gulf Algie Nattarin
Gulf Algie Nattarin isang gwapo,mabait at mapagmahal na lalaki para sa kanya ang pagmamahal ay walang pinipili ma pa babae man o lalaki Basta kung sino yong magpapatibok ng puso ang ibig sabihin siya nayong taong nais mong bubuo sa puso mo. Matagal niya ng alam sa sarili niya na bakla siya pero Hindi niya ikinakahiya yon masakit mang isipin na nawalay na ang kanyang mga magulang nong 15 years old lang siya pero meron parin siyang karamay at yon ay ang Lola niya. Pero hindi rin mawalay sa puso't isipan niya ang taong matagal niya ng pinapangarap pero sa kasawiang palad may mahal narin itong iba,masakit man para sa kanya pero tanggap niya kasi kapag makikita niya lang itong masaya nagiging masaya narin siya.
Mew Clifford Suppasit
Mew Clifford Suppasit matipono,gwapo at attractive, hindi mo maikakaila na sa awra niya lahat nahuhumaling sa kanya kaya hindi niyo masisisi si Gulf na mafall sa kanya,at tama kayo si Mew ang lalaking pinapangarap niya. Pero meron ng nagpapatibok ng puso niya at wala na siyang hinahangad na iba pa kundi ang nagiisang boyfriend niya ,pareho kay Gulf wala ring pinipiling kasarian si Mew.
Pero paano kung pagtatagpuin sila ng landas at sa parehong panahon ay wasak ang puso ni Mew at hindi na niya ipagkakatiwala sa iba ang durog niyang puso. Makakaya kayang buhayin at buoin ulit ni Gulf ang broken hearted na binata at ipaubaya pa kaya ni Mew ang puso niya??
BINABASA MO ANG
Paubaya
Fanfiction"Love" Nagiisang salita na nadadama ng lahat ng tao dahil dito mas lalo tayong ginanahan mabuhay. Pagmamahal ang dahilan kung bakit din tayo nasasaktan,sakit na kailanmay walang kapantay. Pero kung tayo ay magmamahal pagpapaubaya ang ating unang gin...