Chapter 5

188 19 2
                                    

Gulf's PoV

Sa mga araw na lagi kung nakakasabay si Mew ay mas lalo ko siyang nakilala kung ano hilig niyang panoorin, paborito niyang pagkain at iba pa. Nalaman ko rin na mahilig pala siyang kumanta at magaling rin tumugtog ng mga instrumento at dahil dito ay mas lalo akong nahulog sa kanya , aminin ko man na kulang parin ang paginging kaibigan pero hindi ko maikakailang may mahal siyang iba masakit man pero tatanggapin ko nalang ang katotohanang iyon sabi nga nila acceptance ay ang mabisang paraan pero mahirap parin kasi sa para sa puso mo meron paring natitirang pagasa.

Kaming tatlo ni Kao at Coo ay napagkasunduan na iheld yong birthday ni Mew sa resort nila ni Kao pero di parin mawala sa isip ko yong sinabi ni Coo tungkol kay Art pero ipagpaliban ko muna yon at isipin lang muna ang birthday ni Mew . Alam kung special ito para sa kanya kaya ginawa talaga namin itong bongga at buti nalang din pumayag si Mew na sumama ang palusot lang namin ay mag vacation, seambreak din kasi kaya mga  5 days kami don pumayag din naman sina Mamita Jacobo,Ate Pamela at Tita Laarnie na sumama ako kasi pinaalam ko sa kanila ang mga dahilan nagulat din sila na naging close ko si Mew at nagkaroon din ako ng mga kaibigan.

"Gulf" napalingon ako sa tumawag it's him Coo may dala narin itong maleta . " nandito kana pala taykalang wala pa ba si Kao?"

"Wala pa umupo lang muna tayo " umupo na ako sa isang bench sumunod din si Coo, dito kasi sa school yong pagaabutan namin at van nila Kao ang gagamitin.

"Kanina ka pa ba?" Tanong nito nakasoot ito ng summer shorts at big size black t-shirt with pa shades pa.

"Bago lang din, nga pala nasan si P'Mew?"Tanong ko akala ko kasi magkakasama silang pupunta dito.

"Hmm nauna na ako may gusto kasi akong sabihin sayo" nagtaka naman ako sa sinabi nito.

"Huh? Ano naman yon?"

"Hmm Gulf if dumating ang araw na masasaktan ang kapatid ko willing kabang saluhin siya at tulungan siyang bumangon ulit" mas lalo akong nagulat sa sinabi nito ,aba syempre naman kahit for richer or for poorer pa aagapay talaga ako kay Mew.

"Ang weird mo"

"Sure ako Gulf ano willing ka ba?" Napabuntong hininga naman ako alam kung may kahulugan ang sinasabi ni Coo pero sa tanong niya willing ako na saluhin at tulungan si Mew na bumangon ulit kahit hindi man niya ako mahalin pabalik.

Tumingin ako sa malayo at bumuntong hininga ulit ako bago sumagot.

"Hmm oo Coo willing ako kahit hindi man niya ako kayang mahalin pabalik tutulungan ko parin siyang bumangon at maging masaya" tumingin ako kay Coo kita ko sa mukha niya ang lungkot.

"You know what Gulf I'm so glad and proud of the same time na ikaw naging kaibigan ko I don't know how you handle the pain"

"Hmm acceptance is the key Coo alam kung mahirap at masakit pero yon ang katotohanan"

"I hope I am just like you matapang ,palaban at kayang tanggapin ang sakit"

"Hindi rin naman madali Coo eh iwan ko pero dahil siguro sa pagkamatay ng mga magulang ko ay mas naging matatag na ako at handang lumaban magisa" alam kung mahirap maiwan ng magulang pero dahil sa nangyari ay mas lalo akong naging matatag kasi sabi ni Mom at Dad sa akin na kahit anong hirap sa buhay ang kinakaharap ko ay dapat mananatili parin akong matatag kahit papaano.

"Sorry to hear that"

"There's nothing to be sorry Coo at tanong ko lang ba't di mo sinubukan na magconfess kay Kao" nagulat naman ito sa tinanong ko alam kung hindi niya alam na alam ko yong pagkagusto niya kay Kao.

"H-how d-did y-you know?" Utal na tanong nito. Kita sa mukha niya yong lungkot at pagkagulat.

"Don't worry Coo sabi mo nga di ba mahahalata talaga ang isang tao paginlove"

PaubayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon