One-Shot :)

45 4 1
                                    


Matagal nang nanliligaw si Renz sa akin. 1st year high school pa lang kami nanliligaw na siya hanggang mag 1st year college na kami. Ewan ko ba kung anong nakain niya at ganun siya katiyaga sa panliligaw sa katulad ko. Ni hindi ako maganda at sexy tulad ng tipuhan ng mga lalaki ngayon. Pero sa tingin ko ay dahil ito sa pagiging mabait at matalino ko. Sinundan niya din ako sa university na pinapasukan ko noon. 

Pati nga kurso ay gusto niya magkapareho kami pero kinausap ko na lang siya na wag niyang gawin yun dahil lang sakin, alam kong engineering ang gusto niya noon pa man at hindi ang pagiging nurse. Hindi niya ako kinukulit kung sasagutin ko na ba siya sa tuwing nagkikita kami, basta ang usapan lang namin ay sasabihin ko na lang sa kanya kung ready na ako na sagutin siya. Ang role lang niya ngayon ay maghintay sa akin.   

Gusto ko naman din talaga si Renz nung una pa lang, gwapo at matalino. May pagka-nerd nga siya pero madaming nagkakagusto sa kanyang magagandang babae. Minsan ay nagtanong ako sa kanya kung bakit ako pa din ang gusto niya, e ang dami naming ibang nagkakandarapa sa kanya, ang sagot niya lang, mas rare daw kasi ang katulad ko, ni hindi daw ako kilala ng mga kapitbahay naming dahil di ako lumalabas ng bahay maliban na lang pagpapasok.  

Sa totoo lang ay gustong-gusto ko nang sagutin si Renz. Ayoko ko lang na lumabag sa rules ng mga magulang ko, hindi ko pa man sinusubukan sumuway sa aking mga magulang, alam ko na masama ang kahihinatnan ko. Sana nga at makapaghintay pa siya ng tatlong taon. Sabi kasi ni mama at papa, pag nakagraduate na daw ako ng college ako pwedeng magkaboyfriend. Kilala naman ng parents ko  si Renz at mukang malapit na din bumigay si mama na payagan ako dahil sa pagiging matiyaga ni Renz sa paghintay sa akin.   

Minsan, kinamusta ni papa si Renz. 

“Anak, kamusta ang masugid mong manliligaw?” tanong ni papa. 

“Okay naman po pa.” tipid kong sagot. 

“Lagi naming okay ang batang iyon e, sabihin mo, nambabae na no?” pagbibiro niya. 

“Pa kung mambabae man yun, wala na siguro akong pakialam, isa pa hindi ko naman po boyfriend yun.” 

“Grabe ka naman anak! Sayang naman at papayagan na sana kita na makipagrelasyon sa batang iyon kaso mukang masasaktan lang siya sayo.” 

Nag-walk-out na si papa.

Talaga? Papayag daw? Weeeeeh? 

Hinabol ko si papa hanggang sa sala. 

“Pa? Totoo pa?” 

Nagpipigil ng tawa si papa. Halata naman sa mukha niya. 

“Eeee kaso nga wala kang pakialam sa kanya.” Nagkibit-balikat lang siya.

“Pa, gustong-gusto ko si Renz. Joke lang yun.” Lungkot-lungkutan face. “Matulog ka na anak.” Sabi ni papa. 

Aray.. jino-joke lang din ako pala ako ni papa. 

“Sige po. Night pa, ma.” Matamlay kong pagbati.

“Asuuus! Matulog ka na at maaga mo pang sasagutin si Renz bukas!” sabay yakap ni mama. 

Yeeeeeeeeeeey! Ansaya naman! Di ako makakatulog nito dahil sa pagpayag nila sa amin ni Renz! 

“GOODNIGHT POOOOO!” bati ko. Hahahaha! Masaya e :P   

Kinabukasan… 

Nandito ako sa school.

Excited na kong makita si Renz. Bago ako pumasok sa university bumili muna ako ng candy na may dedication sa likod ng packaging, sinadya kong pumili ng candy na may nakasulat na “YES” Alam kong naghihintay na sya sa labas ng classroom namin para hatiran ng baon. 

Oo. Baon, baon naming dalawa. Share kami dito. Parakaming magkapatid na ewan ni Renz dahil sa pag-aalaga niya sa akin. 

“Oh? Bakit parang iba ang aura mo ngayon? Masaya pero parang pagod?” tanong ni Renz.

Masaya kasi pwede na tayong dalawa.. Pagod kasi hindi ako nakatulog kakaisip sayo kagabi! 

Agad kong nilabas ang candy na binili ko. 

Nagtataka ang itsura niya habang kinaklaro ang isip kung para saan ba ang candy na yun. 

“Lara, mabaho ba hininga ko?” kunot-noo niyang tanong sa akin. Napakaseryoso ng mukha niya habang nakatingin sa akin. 

“Hindi ah. Baliw to.” Sabay ngiti sa kanya. 

“Eh para saan to?” tanong na naman niya. 

Akala ko, matalino ang lalaking ito, yung tipong mabilis maka-pick-up pero parang naiwan niya yata yung katalinuhan niya sa kanila. Sayang, naiwan niya.. Ininspeksiyon niya yung candy. 

“Yes?” tanong niya sa akin. Nalilito pa din siya. 

Juice-colored -_- natatanga si Renz.. eto ba epekto ng paghihintay ng matagal? 

“OO! YES! SINASAGOT NA KITA!” excited na inis kong sagot sa kanya. Biglang ngiti niya hanggang tenga.. 

“Ang slow mo…..”

  ---- 

The End :) 

Vote naman diyan :)


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Slow Mo...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon