Part 21

1.3K 82 1
                                    

HALOS mabilukan si Ria sa naulinigan. Dali-dali niyang kinuha ang baso ng tubig at tinungga. "Are you being serious right now?" gulantang na tanong niya matapos ibagsak ng malakas ang baso sa mesa.

"I'm being casual and you're acting weird." Iniumang nito ang hawak na kubyertos sa kanya. "You lost your virginity in highschool, right?"

Ramdam na ramdam ni Ria ang pag-iinit ng mga pisngi niya. Pinakayuko niya ang ulo. "B-bakit ko kailangang sabihin sa'yo ang isang napaka-pribadong bagay?" 

Gaano ba kabastos ang isang 'to? Ano bang klaseng laro ang nilalaro n'yo ng fiancé mo, Rio?

Hiro snickered. "Sex was never been a private thing to you, Rio. Remember how I made you groaned and made your body curled? How our sex made you wild like a tiger and made you purred like a cat?" Suwabe at may lambing ang boses ngayon ng binata. Naghahatid iyon ng kilabot sa buong katawan ni Ria. Para siyang kinuryente nang abutin siya ni Hiro at iangat ang kanyang baba. Nagtama ang paningin nila at na-blanko ang utak niya dahil sa malamlam na mga mata nito.

She would never address a man as beautiful until she saw the image of this guy. Perpekto ang bawat angulo. Wala siyang nakikita ni isa mang flaw sa makinis na mukha nito. She could compare Hiro to a sword without a sheath. The blade was gleaming with light because of its sharpness—so delineate and so mysteriously attractive. Dangerous as it may seem, anyone would still want to touch it. Maging siya ay hindi ligtas sa pang-akit na taglay ng lalaki. Kahit alam niyang masusugatan siya sa hatid na talim nito. Di niya magawang ialis ang mga mata sa kakisigang nakahantad sa harap niya.

"Why are you fidgeting, Rio?" The smile plastered on his lips was taunting her. Still, she was mesmerized by this man. She couldn't look away. "Do you want it?" paanas ang tanong na iyon ng binata. Dama niya ang panginginig ng laman at ang bahagyang pangangaligkig ng baba. "Do you want us to have sex?"

Doon na nalatid ang pasensiya niya. Malakas na tinabig niya ang kamay nito. "I'm not a cheap woman," may panggigil at humihingal na wika niya. 

Hiro was slowly and softly killing her with his words. Sa kanyang balintataw ay pumuno ang mga senaryo ng mga malalaswang imahe nito at ng kakambal niya. How could she feel romantic over this jerk with even a second? Kailanman ay hindi siya nito makikita sa puro at malinis na paraan. Nahahati ang inis niya dito at sa kapatid niyang si Rio. Tila siya bato na napapagitnaan ng dalawang rumaragasang alon. Ano mang oras ay bibigay 'yon at madudurog sa lakas ng puwersa.

"Yes, you are cheap, Rio," malupit na pahayag ng lalaki na ngayon ay nakapalumbabang nakatingin sa kanya. "You are the cheapest woman I've ever met." Tumuhog ang tinidor na hawak nito sa counter. Matapos sairin ang tubig sa baso ay walang seremonyas na tumayo ito. "You're going to sleep with me tonight. Maghihintay ako sa kuwarto. Kapag hindi ka dumating, humarap kang mag-isa sa dambana." Nang-uuyam ang ngiting iniwan nito sa kanya bago nito nilisan ang kusina.

Samantalang mahigpit na naikuyom na lang ni Ria ang mga kamay habang namamasa ang mga mata. "How could he do this to me?" Mabilis na kinusot niya ang paningin bago pa magsibagsak ang mga nag-aambang luha. The asshole wasn't worth a single tear. Basura talaga ang tingin nito sa kanya—o kay Rio. Pero bakit siya ang nasasaktan sa mga masasakit na salita nito? Bakit siya ang kailangang sumalo sa lahat ng mga paninisi nito? "Di 'to patas, Rio. Ang sama-sama talaga ng fiance mo!"

Ilang beses siyang lumunok at huminga ng malalim upang payapain ang sarili. Pagkatapos ay walang ano mang inimis niya ang pinag-kainan. She took her time washing the dishes. Then she went to her room and sorted out her things. Pumasok siya sa banyo—nag-toothbrush at naligo. Bawat bagsak ng tubig mula sa dutsa ay nagdudulot ng ginhawa sa kanyang sistema. Ngunit hindi nawala sa isip niya ang naging pag-uusap nila ni Hiro. Napapatalon siya sa gigil at nahahampas ang tiles na dingding sa sobrang inis sa tuwing naalala niya ang pang-aalipusta nito.

All of Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon