CSMOR (One Shot)

1.5K 91 24
                                    

SAVING THE LAST 10 COUNTS

Tears are words that need to be written.

"Ready na ang bulaklak sa sala. Ikaw na lang ang hinihintay, anak."

Napalingon ako sa pinto ng kwarto at doon ko nakita si mama. Napansin ko kaagad ang suot niya na lalong nagpaganda sa kanya.

Ngumiti ako bilang pagsang-ayon.

"Patapos na rin naman po ako."

Nakita kong kuminang ang mga mata ni mama dahilan para maghalo lalo ang emosyon na naramdaman ko.

"Hihintayin kana lang namin sa garahe." sabi ni mama tapos umalis na, pero nahuli kong pumatak ang luha sa mukha niya bago tuluyan sinara ang pinto ng kwarto.

Nung muli kong binalik ang tingin sa salamin dun ko nakitang may luha ng lumandas sa mukha ko.

"Isa-dalawa-" huminto ako sa pagbilang. "dalawa—"

Hindi ko matuloy.

Alam niyo 'yung pakiramdam na aakala mo magiging okay na ang lahat, pero hindi pala.

Akala ko typical na kwento lang ang buhay na magagawa ko. Nagkamali talaga ako. Naging rollercoaster bigla ang takbo ng buhay ko.

Imagine? Honorable nung elementary, highschool, at madiskarte sa buhay magiging tanga dahil sa isang iglap?

Nakakatawa nga dahil sa talino kong 'to? Magiging miserable ang buhay. Sa galing kong 'to, naging failure dahil sa katangahan na nagawa ko.

Sabi nila ang buhay daw ng bawat tao sa mundo may sampung segundong nakalaan para mabago.

Baka sakali lang naman. Baka sakaling magbago ang ikot. Wala namang nasama kung naniniwala ako doon.

Pumikit ako.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Nabingi ang paligid sa pandinig ko at pinakinggan ko nang husto ang tibok ng puso ko. Patuloy lang sa pagtibok hanggang may sakit na akong naramdaman.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin at doon ko nakita ang lungkot sa mukha ko.

"Raven—"

Isang beses kong nilingon si Raven nung una ko siyang makita. Third year highschool kami no'n. Napangiti ako nang makita ko siya dahil siya 'yung tipikal na lalaki na gusto ko.

He's nice and handsome.

Matagal ko na siyang kilala sa totoo lang. Klasmate ko siya no'ng high school pero dahil medyo intimidating ang datingan niya, hindi ko nagawang kilalanin talaga siya. Hindi naman kami ganun ka close para mag-usap.

Isang hapon nung pauwi na ako galing book store hindi ko inasahan na pagkakataon nakita ko siya sa terminal ng jeep. Madami akong pinamili that time dahil may reporting kami.

"Naku isa na lang kasya. Sabit na lang ang isa para makaalis na tayo." deklara nung kundoktor habang nakatingin sakin.

Nagulat ako nung makita ko si Raven na nakaupo na dun sa jeep tapos bigla siyang tumayo at bumaba.

"Sa'yo na lang ang pwesto mukhang di na kakasya kapag ako ang mauuna." sabi niya at bigla akong natuwa sa sinabi niya.

"Sure ka?" pagsisiguro ko tapos naramdaman kong uminit ang pisngi ko habang nakatingin sa kanya.

"Malapit lang naman ako." sagot niya tapos inalalayan niya ang mga dala kong gamit paakyat sa pampasaherong jeep.

"Salamat,"

Hindi ako makapaniwala at dun nga siya sa pinakadulo ng jeep pumwesto at nagmukha tuloy siyang kunduktor na naniningil ng pamasahe at katabi niya ang kunduktor.

Can't Save My Own Romeo (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon