"Kung sa susunod ay wala ako sa simula ng 'yong umaga, Halimbawang madaan ka sa amin at maliwanag ang sala, Kung maari, ay 'wag mo na 'kong asaming makita, Sabihin na lang nating, ayos na ako at payapa."
"A-- Alex."
"Kung makita mo man ang mga wasak na damdamin sa amin, Halimbawa mang pumasok ka para sila tanungin, Kung maari ay 'wag mo na 'kong tignang matiim, Sabihin na lang nating, magiging masaya ako kung masaya ka rin."
Hinaplos ni Alex ang mukha ni Brent na titig na titig sa kanya, halos dina ito kumukurap alam nyang natatakot ito na baka biglang maglaho na naman sya't dina muling magpakita pa.
"Kung matapos na silayan mo ako sa huling beses, Ay tumulo ang luha mo't wala na ang aking boses, Pakiusap, lumabas kang minsan at tumingin ka sa langit, Makikita mo, iisang ulap at araw ang pareho sa'ting nakatakip."
"Bakit ganyan ang tono ng pananalita mo? May balak ka na naman bang lumayo sakin, ha Alex?"
Namasa ng mga mata ni Brent, sa totoo lang takot na takot sya. Ayaw nyang mawala sa kanya ang diwatang itinatangi.
"Iisang umaga lang ang sa atin ay sasalubong, Iisang gabi lang ang parehong sa atin ay tatalukbong, Kung wala man ako para ang "mahal kita" ay maibulong, Tandaan mo, ako na ngayon ang hanging iihip sa karagatan mong walang alon."
Pumatak ang luha sa mga mata ni Brent, kaagad syang pumikit para pigilan ang pagtulo nito. Naramdaman nyang pagsuyong yakap at haplos ni Alex sa kanya. Mas lalo tuloy sumikip ang kanyang paghinga.
"Kaya't kung sa susunod ay magmulat kang wala ako sa'yong tabi, Halimbawa mang magsikip ang dibdib mo sa aking pag-alis, Wag mo sanang isipin na ang mag-isa kang lumakad ang aking nais, Dahil kung ako lang, habang buhay ako sa 'yong mananatili."
Niyakap nya ng mahigpit si Alex, di maampat ampat ang luhang umaagos sa kanyang mga mata. Ramdam nya na kapag bumitaw sya sa diwata maglalaho na lang itong bigla.
"Alex, wag ka naman ganyan, wag naman ganito please! Alam mong hindi ako magiging masaya kapag nawala ka sa piling ko, kaya sana pakiusap wag mo akong iwan! Mahal na mahal kita."
Kumalas sa pagkakayakap nya si Alex kaya wala na syang nagawa kundi ang bumitaw dito. Sinapo ni Alex ang kanyang mukha saka ngumiti ito ng may kasiyahan sa kanya.
"Mahal ko, kung karapat dapat ka sa pagmamahal ko sayo, kusang ibabalik ako ni Bathala sa piling mo. Kaya wag kang mabahala, hindi ako mawawala sa piling mo. Magtiwala ka lang Brent!"
Hinalikan ni Alex sa labi si Brent, habang magkalapat ang kanilang mga labi unti unting naglalaho si Alex, tinatangay sya ng hangin hanggang sa tuluyan na syang maglaho. Tumingala sa langit si Brent saka pumikit ito at umusal ng panalangin.
"Maghihintay ako sa muli mong pagbabalik mahal ko, dahil ikaw ang kaligayahan at buhay ko.!"
Mula ng lumisan si Alex sa mundo ng mga tao palagi na sa tagaytay si Brent, nakatambay sa talon na malapit lang sa bahay nila Alex, gaya ngayon nakaupo sya sa isang malaking tipak na bato tumitipa sa kanyang gitara at sinasabayang pagkanta ng "Diwata" . Hindi sya nagsasawang haranahin si Alex, alam nyang nakikita't naririnig sya nito kahit na nasa magkabilang mundo pa silang dalawa.
♪ ♪
Kapag nariyan ka, bumabagal ang ikot ng mundo
Hindi kita dapat ginugusto pero natutukso
Ano man ang sabihin nila, hindi kita ipagkakaila
'Pagka't ikaw lang ang minamahal ko
Oh, aking diwataAking diwata♪ ♪
Ikaw ang pinakamaganda
'Pag pinagmamasdan kita, parang nagmamalikmata (aking diwata)
Tamang hinala, 'di makapaniwala
Na nakita na ang pinakamakinang na tala (talagang hiwaga)
Walang katapat
Bagama't pinagbawalan, ipaglalaban ka sapagka't
Ikaw lang ang minamahal ko
Oh, aking diwata
BINABASA MO ANG
Love Me🗡Assassin Series11✔💯
Horror⚔Brent Red⚔ Dahil sa kagustuhan nyang makatulong sa isang kaibigan, pumayag si Brent na maging espiya. At sa kanyang pagmamanman meron syang lihim na natuklasan. Hindi mga ordinaryong babae kundi mga engkanto pala ang kanyang sinusubaybayan. At ang...