I was standing and staring at the dining table.
7am na bakit wala pa ring pagkain? Usually kapag ganitong oras may nakahain na.
Narinig ko ang pagbukas ng front door kaya pumunta ako dun. Nakasalubong ko si Mama.
"Ma bat walang pang pagkain?"
"Oh gising ka na pala! Meron na, nasa garden. Naisipan kasi namin ng Tita mo na magsalo na sa breakfast. Matagal tagal na din kasi natin hindi nagagawa iyon." dumiretso siya sa kusina at sinundan ko siya.
"Kaya ikaw mag-ayos ka na at sumunod na dun at ng makakain na." may kinuha siyang mga gamit at lumabas sa backdoor.
Pumunta na ako sa garden sa likod ng bahay. Walang ng ayos ayos gutom na ako eh!
Nakita ko nakaset up na table sa gitna ng lugar.
Ang garden namin saka nung sa kabila ay ginawa na nilang iisa. Nung bata pa kami ni Hailey ay madalas kaming magsabay nina Tita sa breakfast. Lalo na nung nawala si Papa. Kahit na wala na siya andyan sina Tita para samahan kami ni Mama. Aaminin ko masaya ako nun kasi feeling ko buo pa rin ang pamilya ko.
"Good Morning Erin." bati ni Tita ng nakangiti.
"Hi Tita! Good Morning din." lumapit ako sa kanya at humalik sa pisngi
Inaayos niya ang mga gamit sa table ng dumating si Mama dala ang pagkain.
"Erin, gisingin mo na si Hailey." utos sakin ni Mama.
Nagnod lang ako. Pumasok ako sa bahay nila at dumiresto sa kwarto niya.
Kumatok ako pero walang sumasagot. Pinihit ko ang knob at nagpasyang pumasok na.
I saw her sleeping soundly. Hair scattered all over. Other pillows are on the floor.
Napailing ako. Malikot pa rin siya matulog hanggang ngayon. Maswerte siya hindi ko pa siya nakikitang tulo laway.
Lumakad ako palapit sa kanya at bago ko pa man siya mahawakan ay nagmulat na ang mata.
BINABASA MO ANG
Love Thy Neighbor
Novela JuvenilShe's not a friend but definitely not just the girl next door. (Revised and Edited)