Chapter 2

0 0 0
                                    

"I agree ^_^ Let's talk about your relationship status France, malay mo ay may mareto kami sayo di ba?" Psh! Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Bakit nga ba hindi ka pa nagkakaboyfriend ha France?" Tanong ni ate Denice.

"Kasi nga ayoko." Tipid na sagot ko.

"Psh! Eh bakit nga? Di ka nga naman ba lesbian? Pag nagkataon patay ka kay lolo tsk!" Paulit-ulit naman sa kakalesbian tong mga to! Nakakabwisit!

"Hindi nga po kasi. Tsaka ayoko pang magboyfriend dahil sakit lang ang idudulot nyan" naisagot ko na lang. "Iba na nga lang ang pag-usapan natin" dagdag ko pa.

At natigil nga ang usapan namin don ngunit nagpatuloy ang asaran namin at kainan.

Lumalalim na ang gabi at nakaramdam na ako ng pagod pati na rin ang pagkabagot kaya naman tahimik na akong nakaupo. Naghintay pa ako ng ilang sandali bago matapos ang event.

Sa wakas! Papunta na kami ngayon sa room namin dito pa rin sa Hotel dahil bukas na kami magsisiuwian. Tig iisang room ang bawat pamilya hindi kasi kami kasya lahat sa iisang room lang. Kasama ko ngayon si Mommy habang pinapanhik namin ang room namin.

"Mommy where's kuya?" Tanong ko nang mapansing hindi namin kasama si kuya.

"Nauna na sa kwarto natin at may jetlag pa daw siya, kararating niya lang kanina hindi ba."

Napatango na lang ako sa kanya dahil sobrang antok na talaga ako.
Maya-maya lang ay narating na namin ang room at agad naman si Mommy tumungo sa kwarto, habang ako ay naupo muna dito sa sala. Si Kuya naman ay baka natutulog na sa kwarto niya.

Yung room kasi namin ay may dalawang kwarto yung isa malaki dahil may dalawang bed sa loob at may shower room, yun ang room namin ni Mommy. Habang yung isa naman ay yung kay kuya, iisa lang ang bed at may shower room din naman.

Sobrang sakit ng paa ko dahil sa heels na pinasuot ni Mommy sakin, sobrang nakakangalay sa paa kaya naman hinubad ko na yun. Ang lagkit na ng katawan ko gusto ko nang magshower pero hihintayin ko muna si Mommy na makapag-shower. Ilang sandali pa ay nakaidlip na ako sa sofa nang may maramdaman akong naupo sa paanan ko.

"Kuya, I thought you are asleep na?" Napakusot pa ako sa mata ko nang maaninagan si kuya.

"Did I awake you?" Tanong ni kuya na hinaplos pa ang buhok ko.

"No, I am just waiting for Mom nagshoshower pa ata siya." Sagot ko naman na naupo na ng maayos.

"I'm just happy na nakauwi ako after how many years." Nakangiti pang sambit ni kuya kaya nginitian ko rin siya. "By the way magshower ka na don at matulog. Maaga pa tayo bukas."

"Hmm good night." Sabi ko pa at pumasok na ako sa kwarto.

Eksaktong pagpasok ko ay kalalabas lang ni Mommy galing shower room at nagtutuyo ng buhok niya.

"Oh baby magshower ka na dun at matulog pagkatapos." Sabi ni Mommy nang makita ako.

"Yes Mom." Tsaka ako dumiretso sa shower room, natagalan pa ako sa paghuhubad ng formal dress na suot ko!

Matapos ang ilang sandali ay tinutuyo ko na ang buhok ko. Nadatnan ko naman si Mommy na mahimbing nang natutulog, kaya nilapitan ko siya at kinumutan ng maayos. Tinitigan ko pa muna siya at napangiti nang maisip kung gaano ako kaswerte na siya ang naging Mommy ko, saka ako pumanhik sa kama ko.

Nakahiga na ako sa kama ko, kung kanina ay antok na antok na ako ngayon ay parang buhay na buhay ang diwa ko. Kaya naman nilibang ko na lang ang sarili ko, nagbasa na lang ako ng libro na dala ko. Hanggang sa maalala ko kanina ang mga narinig ko.

"Lesbian nga ba ako kaya hindi ako nagkakaboyfriend?" Napaisip naman ako at pinakiramdaman ang sarili ko.
"Wala naman akong maramdaman na senyales na ganun nga ako. Porke ba hindi pa ako nagkakajowa ever lesbian na ako? Kalokohan!"

"Pero bakit nga ba hindi pa ako nagkakajowa? Pero hindi ko naman kasalanan yun." Napanguso pa ako sa naisip ko.

"Wala nga ba talaga? O sadyang hindi ka lang ganun ka-interesado kasi busy ka kakaprotekta sa puso mo na akala mo naman eh dudurugin palagi ng sinuman?" Pagsagot naman ng isip ko, tsk! Pakialamera.

"Ayoko lang naman maulit yung nakaraan, takot na akong maramdaman ulit yun. Hindi ko na hihilingin pang maramdaman pa yun. At ang protektahan ang puso ko lang ang natatanging paraan upang hindi na yun maranasan." Hayssttt. Ewan, nakakaloko ang ganitong isipin.

        ~  9:00 IN THE MORNING  ~

Napatalukbong ako nang unan nang biglang matamaan ang mukha ko ng aninag ng araw, napatadyak pa ako ng paa kasi antok na antok pa ako feeling ko pinikit ko lang ang mga mata ko tapos umaga na agad. Hindi ko na namalayan kagabi na nakatulog na pala ako kakaisip ng kung ano.

Bumangon na ako at maliligo na diretso maya maya kasi uuwi na kami at may work at pasok pa kaming lahat kinabukasan. Binabad ko muna ang katawan ko sa bath tub para magising naman ang diwa ko at hindi magmukhang lutang mamaya.

Habang nakababad ay hindi ko maiwasan kwestyunin ang sarili ko, nalulunod ako sa mga tanong kung ano ba talaga ako. Hindi ko naman kasi masabing lesbian nga ako because I'm also attracted with the opposite gender and hindi pa naman ako naattract with girls. Baka naiisip ko lang 'to kasi yun yung sinasabi nila.
Hayyy bahala na nga.

Pagkalabas ko ng cr ay nagbihis na ako agad at nakita kong nakaayos na ang mga gamit nina Mommy at mukhang nasa lobby na inaantay ako. Pagkatapos magbihis at mag ayos ay bumaba na rin ako, naabutan ko silang nagpapaalam na sa isa't isa.

"Oh ito na pala si France." bungad ni Lolo.

"Yes Grandpa." tugon ko naman.

"We are going home, we'll see you again. Study hard and take care of yourself, okay?" Grandma said while hugging me.

"Yes po, you too take care po and I'll miss you."

Nagbeso beso pa kami bago sumakay sa kani kanilang kotse, kami naman ay kinuha pa ng valet driver ang sasakyan namin.

Medyo mahaba haba ang biyahe namin pabalik ng Manila kaya naman dumaan muna kami sa isang fast food chain para bumili ng makakain dahil hindi rin naman ako nakapag almusal.
Habang nasa biyahe ay natulog muna ako.

Alas kuwatro na ng makarating kami sa bahay kaya naman pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga, naligo lang ako at natulog na.

No Boyfriend Since BirthWhere stories live. Discover now