I

67 5 0
                                    

Last

Andito kami ngayon sa covered court Habang nag tatawanan ay may biglang dumating na motor na napakapamilyar na tunog. At dahil sa halos kada araw naman namin yung naririnig ay agad rin naman namin itong nakilala.

Sabay sabay namain itong nilingon.

"Oy Ads!"

"Addie!"

"Hoy! Nandito ka na naman!"

"Sana all!"

"Yiee! Edi ikaw na ken!"

At marami pang asaran ang namutawi samin. Ngunit ang ipinagtaka ko ay si kenjie. Tahimik sya habang pinag mamasdan si Addie na nakikipagtawan sa mga kasamahan namin. Para kasing may mali eh.

Lagi naman kasing ganyan si Addie tuwing pupunta sya dito sa gym. Makikipagtawanan at asaran samin. Tas mamaya ay pupunta kay kenjie para yakapin ito. Tapos makikipag asaran ulit.

Inobserbahan ko lang si Addie habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan namin at hinihintay ko lang ang pagkakataon na pupunta na sya kay kenjie para yakapin ito.

At hindi nga ako nag kamali. Bumagsak ang mga tingin ni Addie kay kenjie at tsaka ito nginitian ng ngiti na nakasanayan namin. Pero may mali eh. Something's really off right now. And I can't even tell why.

Unti-unting lumalapit si Addie kay kenjie habang si kenjie naman ay pinagmamasdan lang sya. Ang sakit sa matang pag masdan si kenjie habang tinitignan nya si Addie. Makikita mo talaga ang emosyon nito. Sakit. Sobrang sakit. Nasasaktan si kenjie habang pinagmamasdan si Addie na lumalapit sa kanya.

I unintentionally gasped when Addie hugged kenjie. Normal lang ang yakap na iyon. Palagi nya itong ginagawa sa tuwing mgakikita sila.

Magkapantay lang ang lebel ng kanilang mga mukha dahil nakaupo lang si kenjie sa medyo may pagkataasang upuan sa gym.

Nung niyakap na ni Addie si kenjie ay para bang natulala si kenjie at napunta sa kawalan. Nakatingin lang ito sa malayo ngunit ang kamay nito ay unti-unting ng pumulupot sa bewang ni Addie.

Hindi ako si kenjie para maramdaman ang nararamdaman nya pero nakikita ko ang sakit sa mga mata nya. Parang wala sya sa sarili nya habang kayakap si Addie.

Unti-unting inilapit ni Kenjie ang ulo nya at sinuksok sa leeg ni Addie habang kayakap parin ito.

Tiningnan ko ang mga kaibigan namin kung nakikita ba nila ang kalagayan nila Addie at Kenjie ngunit Ako lang pala ang nakakapansin sa kanilang dalawa dahil nagalalaro silang lahat ng online game.

"Hoy! Napakadaya nyo Mark! Pinagkakaisahan nyo ko!"

"Bakit!? Nagreklamo ba ako kanina ng pinag kaisahan nyo rin ako!? Hindi diba!"

"Handa nyo na mga 10 pesos nyo dahil mananalo na kami!"

"Hahahaha ang duduga nyo!"

"putspa kayo! Hahahah"

"Mga hangal! Mga walang ibina't bat sa aking angking kahusayan!"

"Wooh! Hangin pre!"

Iling- iling nalang ako inalis ang paningin sa kanila't ibinalik ulit ang akin pansin kina Ads at ken.

Alam ko naman hindi dapat ako nakikisali o nakikiintriga sa kanila pero ewan ko ba kasi sa sarili ko't hindi ko maiwasang tingnan silang dalawa.

Nacu-curios ako sa kung ano ang reaksyon ni Addie ngayon.

May gusto ako kay Addie noon. Ay hindi! Hanggang ngayon pa pala. Hindi ko inamin kasi matagal ng sila nila Kenjie. Nagulat nalang ako nung sinabi ni Kenjie na girlfriend nya si Addie. 2 years ago na yun pero hindi ko parin yun nalilimutan. Kasi yun yung araw na sobrang na saktan ako. I liked Addie for 4 years now. And those 4 years are like torture to me. I've suffered almost everyday just by seeing them together. But I've also suffered everyday knowing that the woman I like--wait, no-- the woman I Love is owned by someone else. And the worst part is that, the man that owns the woman I love is my bestfriend. Cruel right? Yeah. But that's life. Sometimes there are just people who aren't meant for you, and will never be for you. Tanggap ko, noon pa. Pero nasasaktan parin ako kada araw. Pilit ko itong inilalabas sa sistema ko pero tila bang ayaw nitong lumabas sa loob ko. Para bang gusto nito akong sirain at ipadama kung gaano ka sama ang mundo. But despite all the pain I am suffering right now, I still want Love to be with me. Even if its just me. Even if I'm alone. Even if its just a one-sided. As long as its Addie. I'm satisfied.

One shot storiesWhere stories live. Discover now