Secret
"Guys oh! Tingnan nyo si Cali, kanina pa nya pinagmamasdan ang balkonahe nila Dash!"-Joanne
Kahit kailan talaga ay napakapakialamera nitong si Joanne.
"Yieee! Ikaw Cali ah!" -Carlo
"Aguy! Si Cali nag dadalaga na!"- Ate Ann
"Kala ko tibo to eh! Hahahaha!" -kevin
"May taste naman pala! Hahahha!" -paulin
At nag tawanan pa silang lahat. Inirapan ko lang silang lahat.
"Heh! Napakapakialamero't alamera nyo talagang lahat eh no?! Lahat nalang ng kilos ko eh nakikita nyo!" singhal ko sa kanila.
"hahhahah! Pikon!"- James
"nilalambing lang eh!"- kevin ulit
At samu't saring tawanan.
._.
Nga pala, nag iinuman sila dito ngayon. Oo, sila lang. Hindi kasi nila ako pinapayagang uminom. Kasi nga bunso nila ako.
Pero hindi rin naman ako umiinom kaya.. Keri lang.
Habang nag-aasaran kami dito ay biglang nag vibrate yung phone kaya tiningnan ko ito.
Dash maylabs:
|Hoy! Babae!|
I chuckled by the thought of the way how he texted me.
Kahit kailan talaga! Hindi marunong maging sweet tong engot nato!
Ako:
|Yes, hun?|
Sigurado akong namumula na si Dash ngayon. Hahahahahha. Ang dali lang kiligin nun eh. Konting salita at galawan lang, nagiging kamatis na.
Dash maylabs:
|hun ka dyan! Pinagtitripan mo na naman ako!|
I chuckled.
Ako:
| Oh! Bakit?! Ikaw na nga 'tong nilalambing eh!|
Dash maylabs:
|Tigilan mo ko! Asan ka ba?|
Eto na namn po sya, palagi nalang tinatanong kung nasa'n ako. Asarin ko kaya to? hm?
Ako:
|Secret.|
Dash maylabs:
|Umayos ka.|
hindi ko na sya nereplyan para mas mainis pa sya sakin. Hahahhaha. Patay ako nito mamaya...
Naramdaman kong sunod-sunod na pag vibrate ng phone ko pero di ko na yun tinignan. Sigurado akong si Dash yun lahat.
Nilagay ko nalang yung phone ko sa lamesang katabi ko at hinayaan na. Lumipas ang tatlong minuto ay bigla nalang itong nag ring.
Sawara senai~~ kimiwa shojo na no~~ bukowa yarichi--
Lahat sila ay biglang tumingin sa'kin ng marinig ang ringtone ko.
"tawag cali oh." nginuso pa ni kuya kenjie ang phone ko.
"Di mo ba sasagutin?"- Josh
"baka importante."- joanne.
