YOU
Omg! Grabe, so kanina may nakita akong cutie na kaklase ko.
Gagawin ko na lang 'tong diary, para once na maging kami omg, ipapakita ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal.
Char, mahal agad?
Ayun na nga.
Dahil nga first day of class, edi isa isa nga kaming pumunta sa harap para magpakilala. Nauna pang tinawag yung cutie na lalaking kaklase ko.
Pangalan niya is Finn, naalala ko tuloy yung favorite kong cartoon, yung finn and jake haha.
Kaya siguro fave ko rin siya, char maharot ka self.
So ayun, feeling ko tumingin siya sa akin e, feeling ko lang naman, walang masamang mangarap.
Hindi nga ako masyado nakikinig sa klase dahil sa kakatingin sa kaniya, at ito namang si mr. cutie nagaaral ng mabuti.
Proud girlfriend here hehe.
Jokey lang.
Chat ko nga yung bestfriend ko.