Chapter 35

1.7K 21 8
                                    

Nasa dining table na kami at isa isa ng pineprepare ng maids namin yung mga pagkain

Lumapit ang isang maid at nilapag sa tapat ni patricia yung isang ulam

HUK!

"Oh anak okay kalang?"tanong ni tito patrick kay pat

"Ah hindi ko lang po gusto yung amoy"sabi ni pat

"Nako sorry pat di ko alam na ayaw mo sa ganyang amoy"sabi ni mommy

"Nako eh diba favorite mo yan nak?"tanong ni tita elaine

HUK!

"Ah sorry po"sabi ni Patricia

"Okay ka lang pat?"tanong naman ni ate kelianne

"Oo nga pansin namin kanina kapa naduduwal"sabi ni chris

Nilingon ko si pat at kita parin sakanya ang kaba

"Ah mom dad tito tita ahm buntis po si patricia"sabi ko

A moment of silence.....

Biglang natahimik at maya maya lang din ay nagsalita na si daddy

"Talaga ba?"tanong ni daddy

"Yes po"sagot ko

"Woah! Congrats!"sabi ni tito patrick na hindi ko inaasahan

"Oh my goshhh totoo ba!?"excited na tanong ni mommy

"Oh magkakaapo nako"sabi naman ni tita elaine

Nilingon ko naman si patricia at nakangiti na siya

"Kelan niyo pa nalaman?"tanong ni ate kelianne

"Kanina kasi napansin ko siya mula umaga hanggang gabi panay suka niya tapos sabi ko baka buntis siya tas ayun sinabi niya na hindi rin siya dinatnan pero mag papacheck up parin kami bukas"sabi ko

"Nako kevin huh magkakaanak kana iwasan mo na pagpupunta ng bar di kana binata"sabi ni mommy

"Opo"sabi ko

"Kamusta naman pakiramdam mo pat?"tanong ni mommy sakanya

"Okay naman po kaso panay po suka ko buong araw halos lahat ata ng kinain ko sinusuka ko"sabi ni pat

"Hala ang selan mo pala buti ako hindi"sabi ni ate kelianne

"Kelan ka pala manganagank kelianne?"tanong ni tita elaine sakanya

"Susunod na buwan na po tita"sabi ni ate

"Lapit na"sabi ni tita

"Opo"sabi ni ate

Natapos na kaming kumain at napagdesisyonan na namin ni pat na umakyat kasi magpapahinga na daw siya

Pumasok na kami sa kwarto at dumiretso si pat sa kama dahil andun yung gamit niya maghahalf bath daw kasi siya

"Sabay nalang kaya tayo"sabi ko at tinignan niya ako ng masama

"No"sabi niya

"Dali na baby"sabi ko

"Tsk alam kong may binabalak ka"sabi niya

"Wala ah promise mag halfbath lang tayo"sabi ko

"Tsk sige na nga lagyan mo na ng tubig yung tub"sabi niya

Hinubad ko muna yung polo ko at pants bale naka boxer nalang ako

Pumasok ako sa cr at nilagyan na ng tubig yung tub magnhahalfbath lang kami dahil masyado ng gabi

SS7: Kevin AguirreWhere stories live. Discover now