Red Moon

6.6K 136 3
                                    

Chichay's POV

HINDI ko alam kung ano ba gusto ni Joaquin pero kasi kanina pa siya nakasunod ng tingin sa akin habang gumagawa ako sa restaurant na minamanage ni mama bear.

Nilapitan ko siya na nakaupo sa isang sulok.

"Ano ba Joaquin? Nagtatrabaho ako." Sabi ko habang nakayakap sa menu na hawak ko.

"Customer ako." Nakangising sabi niya.

Napairap na lang ako at ibinigay ang menu na yakap ko kanina sa kanya. "Ano pong order mo Sir?"

Ibinalik niya kaagad sakin ang menu ng hindi man lang tiningnan. "Iced tea."

Napaungol na lang ako, kasi naman pang ilang baso na niya ng iced tea ito parang may balak yata balisawsawin.

"Glass of iced tea, coming right up Sir!" Nag-bow pa ako habang hawak ang dulo ng apron ko.

Naramdaman ko ang simple pero sinadyang paghawak niya sa kamay ko sabay bulong ng, "Ang sungit naman ng fiancée ko."

Tinalikuran ko na siya para itago ang kinikilig kong ngiti sa itinawag niya sa akin.

"Ano daw gusto?" Tanong ni papa bear na nasa bar at tinitingnan si Joaquin.

"Iced tea." Ibinaba ko ang menu.

"Ang kulit talaga." Napailing na lang si papa bear. "Sige na nga payag na ako."

"Huh? Payag saan papa bear?"

"Kagabi pa ako kinukulit niyan na payagan kayong lumabas. Sige na mag-ayos ka na kami na bahala dito."

Napabalik ang tingin ko kay Joaquin na nakatanga sa painting ko na nakasabit sa pader ng table na inookupa niya.

"Alis na bago pa magbago isip ko."

Para naman akong natauhan mula sa pagtitig ko kay Joaquin bumaling ako sa ama. "Thank you papa bear!" Mabilis ko siyang niyakap at hinubad agad ang suot na apron bago patakbong umakyat sa second floor para magpalit ng damit.

Pagbalik ko ay kumuha ako ng isang glass ng iced tea at naglakad palapit kay Joaquin, hindi pa man ako nakakalapit ay lumingon na siya kaagad sa akin na para bang ramdam na niya kaagad ang presensya ko, ngumiti siya sa akin hanggang makalapit ako at inilapag ang

 iced tea sa table niya at inokupa ko ang upuan sa harap niya.

"Ubusin mo na yan." Tukoy ko sa iced tea niya.

Dahan dahan niya iyong ininom habang nakatingin sa akin.

"Wala ka bang customer na kailangan asikasuhin?" Tanong niya ng mapansin niya sa

wakas na nakaupo lang ako sa tapat niya.

"Customer ka di ba?"

Ngumuso siya, "Customer lang?"

"Pero sa ngayon hindi ka customer, fiancé kita."

Napangiti siya at hinawakan ako sa kamay, nilaro rin niya ang bato ng singsing na suot ko.

"Chichay..."

Nginitian ko lang siya at hindi sumagot, ganyan naman siya lagi niya ako tinatawag dahil lang gusto niya at gusto ko rin na laging naririnig ang pangalan ko mula sa labi niya.

"Ubusin mo na nga yan." Tukoy ko sa iced tea niya.

"Ayoko para dito ka pa muna." Inilapat niya pa ang palad ko sa pisngi niya.

"Dali para makaalis na tayo."

"Huh?"

"Sige ka baka magbago isip ni papa bear." Tinapunan ko ng tingin si papa bear na medyo masama ang tingin sa amin dahil sa paglalambing ni Joaquin.

"Hindi mo naman sinabi agad." Tinungga niya agad ang baso hanggang maubos niya. "Tara na."

Bago pa ako makasagot ay nahila na niya ako patayo, huminto siya sa entrance ng restaurant at lumingon kay Papa Bear na nakasunod ng tingin sa amin.

"Papa bear--" tiningnan siya ng masama nito, "Ahm--Mang Chito salamat po." Itinaas niya pa ang kamay namin na magkahawak.

Nailing lang si papa bear sa amin tsaka tumango.

"Si papa bear talaga pakipot kunwari pa ayaw pero tiwala rin naman siya sa akin." Sabi ni Joaquin habang nagda-drive siya.

"Alam naman niya na aalagaan mo ako, syempre nag-iisang anak niya ako kaya hindi maiwasan na maging protective sa akin." Sani ko habang hawak-hawak ko ang isang kamay niya.

"Pareho ka lang namin mahal kaya pareho kami mag-aalaga sayo." Inilapit niya ang kamay ko sa labi niya at hinalikan iyon.

Umisog ako palapit at ipinatong ang ulo sa balikat niya.

"ANO ba kasi ang gagawin natin dito?"

Dinala ako ni Joaquin sa isang overlooking na mataas na lugar kung saan kitang kita ang buong syudad at ang buong kalangitan na punong puno ng bituin ngayong gabi.

"Pwede ba tayo rito?" Tanong ko habang namamangha sa mga ilaw na nagmumula sa mga bahay na natatanaw mula rito.

"Dadalhin ba kita dito kung hindi?" Iginiya niya ako paupo sa inilatag niya na kumot sa damuhan. "Giniginaw ka ba?"

Napayakap ako sa sarili ng umihip ang hangin. "Medyo maginaw nga."

Naglabas pa siya ng isang blanket na ipinatong niya sa balikat namin at hinila niya ako para yakapin mula sa likuran. "Kunwari ka pa gusto mo lang yata mayakap."

Sumandal lang ako sa kanya at hindi sumagot, tatanggi pa ba ako kung gusto ko rin naman.

"Alam mo ba kung ano meron ngayon?" Tanong niya pagkatapos ng ilang katahimikan.

"Ano meron? Monthsary ba natin? Anniversary?"

Natawa siya ng mahina, "Red moon."

"Red moon?"

"Lunar eclipse, it will start any minute now."

Napatingin ako sa buwan kung saan kitang kita dahil na rin siguro sa nasa mataas na lugar kami. Ngayon alam ko na kung bakit dito niya napili na dalhin ako para panuorin ang moon dahil sa taas namin parang ang lapit at abot kamay namin ang moon.

Nanlaki ang mga mata ko sa pagkamangha ng magumpisa na ang sinasabi ni Joaquin, unti unting natakpan ang moon ng parang shadow at nagturn ito sa color yellow to orange hanggang sa maging pula na ito ng tuluyan.

"Wow... Ang ganda." Hindi ko mapigilan sabihin.

"Maganda nga." Bulong ni Joaquin, nilingon ko siya at nakatitig siya sa akin ng mataman.

Hinawakan ko siya sa pisngi, "Thank you kasi dinala mo ako dito para makita ang red moon."

Ipinatong niya ang kanyang kamay sa akin na nakahawak sa kanya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Kasi para tayong moon and sun, magkaiba man pinagtagpo pa rin tayo ng universe pilit man pinaglayo pero nasa atin pa rin ang best ending ever."

Hindi ko mapigilan na hindi maiyak hindi dahil sa malungkot ako kundi sa sobrang saya na sa dami ng pinagdaan namin ay yun ang naging paraan para mas tumibay ang nararamdaman namin sa isa't isa. "Mahal na mahal kita Joaquin."

Pinunasan niya ang mga luha ko at unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin, eto na ba yun? Sa dami ng pagkakataon na naudlot finally mangyayari na ba ang first kiss namin? Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at siya naman ay nakatingin sa labi ko hanggang sa tuluyan na akong napapikit ng lumapat ang mainit niyang labi sa akin.

Nanginginig pareho ang magkalapat naming mga labi sa unang pagkakaton, ganito pala ang feeling ng first kiss yung ramdam niyo ang init at lambot ng labi ng isa't isa.

Lumayo siya ng bahagya siya akin at sinalubong ko ang titig niya. "Mahal na mahal rin kita Chichay, sobra-sobra." Bulong niya bago muling inangkin ang mga labi ko.

Ang kaninang magaan na halik ay nilagyan niya ng diin at nagumpisang gumalaw ang mga labi niya, ibinuka ko ng bahagya ang mga labi para gayahin siya. Pareho kaming walang alam at karanasan sa paghalik, tanging pagmamahal namin sa isa't isa ang nagtuturo sa amin ng tamang gawin at ang sabay na pagtibok ng puso namin.

Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon