Is high school really the best years of our lives?
For some, they find high school years as a struggle with finding solid friendships. Others are pressured by academic activities, family troubles, or other outside problems.
It may be true that high school isn't the best year for many, it can still be an enjoyable season. To be honest, I would be forever grateful to my high school life because it opened doors of opportunities and chances to meet and have memorable moments with my best friends.
"Hoy! Josh! Kanina ka pa tinitignan ng mga grade 7. Hahahaha!" pang-aasar ni Justin. Binaling ko ang tingin sa mga nagkukumpulang freshmen students malapit sa table na kinakainan namin. Napailing ako nang magsimula silang magsigawan matapos ko silang tingnan.
"Hahahahahahaha pota! Alin ba dyan yung nagsabi sayong continent na sya sayo dre?" tanong ni Ken at inakbayan pa ako. "Yung may dora na bag." sagot ko at nagpatuloy na sa pagkain ng sopas. "Continent na pala sa'yo eh. Asia ka gorl?" dagdag pa ni Stell at nagtawanan ulit sila.
"Ikaw ba Paulo? Tahimik ka dyan. Sino nga ulit dyan yung nagtanong sayo kung pumapatol ka sa grade 7?" Napairap si Paulo sa tanong ni Justin at nagpatuloy lang sa pagbabasa ng libro. "Atichona talaga! 'Di ka na magkaka-girlfriend nyan Pau." matapang na sagot ni Stell.
Huminga nang malalim si Paulo at binitawan saglit ang binabasang libro. "Alam mo Stell, I am no longer dating. I am not interested, and if you are, I need a 500-word essay on how you will not waste my time." sagot nito at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. "Hala potangina mo dre, basag ka don! Rebat! Rebat!" pangangantyaw ni Ken at pumipito pa. Napatulala naman si Stell at tila pinoproseso ang sinabi ni Paulo.
"Ha? Ako? Tanga! Hindi ako interesado sayo!" sagot nya nang ma-realize nya ang sagot nito. "Tangina, late reaction." bulong ko kaya nabatukan ako ni Stell. Tahimik na ulit kaming kumakain dahil 20 minutes lang naman ang recess, kailangan sulitin. Isipin mo 'yon, 20 minutes tapos sabay-sabay lahat ng estudyante. Mas matagal pa 'yung ipipila mo kesa sa oras na makakakain ka. Wala lang, nag ra-rant lang naman ako.
"Oy, gala tayo mamayang uwian." pagsasalita ulit ni Ken. 'Di talaga 'to nauubusan ng sasabihin, eh. "Kakasimula pa lang ng pasok, uwian agad nasa isip mo!" sagot ni Justin. "Anong gusto mo, ikaw lang nasa isip ko?" Nasapok naman ni Justin si Ken sa banat nyang 'yon.
"Sama ako. Wala naman masyadong ginagawa eh." pag-agree ni Stell kaya naman pumayag na rin ako. Wala rin naman magawa sa bahay. "Basta ako, pumapasok lang para makinig." Nasamid naman si Justin sa kasinungalinan na 'yon ni Ken. "..makinig sa katabi kasi yon." pagpapatuloy nya.
"Ano ba kasing ginagawa mo sa school Ken kung hindi ka nag-aaral?" masungit na tanong ni Paulo. "Naghihintay ng uwian! Aba, mahirap kaya 'yon. 8 hours din ah?" Umikot muli ang mata ni Paulo kay Ken dahil sa inis. Wala ka talagang makukuhang matinong sagot dyan kay Suson.
Lumipas ang mahaba at boring na class hours. Halos makatulog ako sa Science namin, tamang basa lang si ma'am sa libro nya eh. "Tuloy ba? Saan tayo gagala? Bilisan mo Ken. Maghuhugas ako ng plato pag-uwi para payagan ako." Naglalakad na kaming lima ngayon palabas ng school pero wala pa rin desisyon kung saan kami tatambay. "Eh basta, magpaalam na muna kayo. Text text na lang 'pag nakauwi na kayo." sagot nya.
Nauna na silang apat na umuwi dahil hindi naman kami pare-pareho ng way. Pinagmamasdan ko sila habang naglalakad. Si Stell at Ken ay magkapitbahay lang, si Justin naman ay malapit rin ang bahay kay Paulo kaya naman sabay-sabay silang apat palagi. We've known each other since the start of our high school years. We are already on our 10th grade, which means, we've been friends for 4 strong years.
Justin is the youngest, has the corniest jokes but actually one of the most responsible among us.
Stell serves as the sunshine and energy-booster of the group. He also gives the best advice and hugots.
John Paulo, our class valedictorian since the 7th grade, the genius of the group. The moodiest among us, ang hirap talaga sabayan ng mood nyan.
Ken, the mood-maker. Parang isang tingin mo lang dyan, matatawa ka na. Loko-loko, in a good way. Hindi mauubusan ng punchline.
And I am Josh Cullen, na hindi naman sa pagmamayabang, pero habulin lang talaga ako ng girls. Wow, ang yabang. I honestly don't know how to describe myself. You'll know, soon.
Nakatanggap ako ng chat mula sa GC namin bago ako makauwi.
Ken: Oy, di na tuloy yung gala. Hehe di ako pinayagan. Sorry.
Stell: Ikaw yung nag aya eh!
Justin: Drawing ka talaga! Bwisit!
Paulo: Sigh.
Napailing ako at natawa na lang. "Mga kupal."
BINABASA MO ANG
Would You Rather
Mystery / ThrillerStell, Josh, Paulo, Justin, and Ken are high school best friends who decided to play the WOULD YOU RATHER game. As time passes by, they realize that the choices they made are slowly happening in real life.