1. Gagambang Sakit

80 13 0
                                    

Justin's POV.

One month since June, wala namang nagbabago lalo na sa bond naming lima. Dahil nga July na, Nutrition Month na rin and as expected, may gaganapin na namang Jingle Making Contest sa bawat section.

"Kayang kaya na ni Paulo 'yan." pangunguna ni Josh na kasalukuyang busy sa pagdutdot ng cellphone nya. Napailing na lang ang nabanggit na si Paulo.

"Bakit ako na naman?" sagot nito habang nag sstrum ng gitara.

"Oy, basta ako kakanta lang. Wala akong alam sa pag susulat ng ganyan. Willing din naman ako mag choreograph." Suggestion ni Stell habang kumakain.

Anong ambag ko dito? Kailangan may kasama akong walang ambag. "Nasan si Ken?" Tama yan Jah, maghanap ka ng karamay.

"Text mo nga, Jah. Sabihin mong pumunta na dito sa GS. May pinag uusapan kamo."

GS ang tawag namin dito sa maliit na kubong itinayo namin sa likod ng canteen bilang tambayan kapag may vacant hours. Si Ken at ang ka weirduhan nya ang nagsimula sa GS o Gagambang Sakit. Nakakita raw kasi sya ng gagamba dito sa kubo at pakiramdam nya ay may sakit ito dahil matamlay at hindi makagawa ng sapot. Alam kong weird, pero seryoso 'yan.

"Oh speaking of the devil. Saan ka galing boi?" Bungad ni Josh nang dumating si Ken. Yes! May kasama na akong walang ambag dito.

"Oo nga, kanina ka pa namin hinihintay." pag gatong ko para kunwari, may ambag talaga.

"Sorry na! Bumili lang naman ako ng kikiam. Miss naman agad ako nito ni Justin. Anong usapan?" Sagot ni Ken at dumiretso ng upo sa tabi ko, umakbay pa habang kumakain ng kikiam.

"Yun nga, may jingle making competition at tayong lima yung na assign bilang representatives." pagpapaliwanag ni Stell. Halos masamid pa si Ken nang marinig nya 'yon.

"Ano? Bakit tayo? Porket crush ako ni ma'am, ako agad?" pagyayabang nya kaya naman binatukan ko na lang sya. Bwisit, eh.

"Tanga ka ba? Kung may crush si ma'am dito, ako 'yon." sagot ng isa pang mahangin na si Josh. Napailing na lang kami nila Paulo sa kayabangan ng dalawang 'to.

"So paano nga? Sino magsusulat ng lyrics?" pagbalik ko sa topic. Patuloy na nag sstrum si Paulo at tila walang pakialam sa nangyayari.

"Si Paulo na lang nga. Ayan oh, musically inclined." sagot ni Stell kaya nairapan ulit sya ni Paulo.

"Oo nga tapos sayaw sayaw na lang tayo. Mananalo naman tayo kasi kasama nyo ako, eh." This time nilayuan ko na si Ken dahil nakakabwisit na 'yung kayabangan. Sumunod naman sya sa'kin at nag akto pang zinizip ang bibig nya.

"Ano ba magandang theme ng mismong jingle?" tanong ko para may maidulot naman ako sa meeting na 'to. Malay mo makatulong ako kahit sa conceptualization lang.

"KPop?" sagot ni Josh na nagkibit balikat pagkatapos. Napatango naman kami dahil lahat naman sa amin ay nakikinig sa Kpop genre.

"Pwede rin. Tapos girl group." dugtong ni Stell. Lahat kami ay napatingin sa sinabi nya.

"Bakit? Mas madali aralin choreography ng girl groups! Blackpink ayaw nyo?" depensa pa nya.

"Fine. Kpop na kung kpop. Blackpink na kung Blackpink. I'll write the lyrics, but you have to help me." Sa wakas at pumayag na rin si Paulo.

"Anong maitutulong namin, master?" tanong ni Josh nang pumayag si Paulo.

"Anything. Like, suggest kayo ng mga gulay na pwedeng gamitin."

"Blue. Red. Yellow. Violet. Pili ka na lang, Pau." masiglang sagot ni Ken kaya naman nahampas ko sya sa ka cornyhan nya.

"Bakit ba kita tropa?" Sabi ko sa kanya.

"Oo nga, Jah. Bakit di na lang jowa?" sagot nya pero di ko na pinansin dahil napaka epal talaga. I just rolled my eyes at him and he laughed.

"Okay, settled na 'yan ha. Pwede pag-usapan naman natin yung exam natin sa math kanina? Anong sagot nyo sa number 7?" Pag iiba ko ng usapan. Kanina ko pa rin gustong itanong 'to.

"Sa'kin 433. Diba iaadd pa kasi yon?" Mabilis na sagot ni Paulo.

"Oy same! 433 din sa'kin." sabi ni Josh at nakipag apir pa kay Pau.

"Sa'min ni Jah, 430 lang. Ganon din sa iba nating kaklase." sagot ni Stell. Nag thumbs up na lang ako. Tumingin kami kay Ken na ngayon ay nakikinig lang sa amin.

"Tangina mga dre, kala ko multiple choice 'yon. Letter b ang sagot ko. Pasensya na kayo ha? God bless." sagot nya at humiga na. Napailing na lang kaming lahat sa kanya.

This is GS - Gagambang Sakit. A place where almost everything happens. Seryosong usapan, bardagulan, iyakan, tulugan, takutan. A place of memories.

"Oo nga pala, birthday na ni Josh sa 27. Anong plano?"

--
Follow me on twitter @sb19nizm / @CULLENGENDARY.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Would You RatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon