OSSS

47 2 2
                                    

Girl POV.
-------------------

Nung iniwan mo ako, syempre umiyak ako. Syempre naging miserable ako. Syempre nagalit ako at syempre ginusto ko'ng mamatay ka nalang. Pero bakit ganun? Bakit mahal parin kita? Bakit hinahanap hanap padin kita? Bakit gusto ko padin makita pangalan mo sa inbox ko? Fuck you! Yun lang ang masasabi ko para sayo.

Masakit. Masakit maiwan sa ere. Ereng puno ng pagtataka at mga tanong. Mga tanong na di nasasagot dahil di ko gets kung ano talaga yung trip mo. Ano nga ba talaga yung trip mo, ha? Siguro gago ka lang talaga at ako'y gagang gaga naman sa mga kagagohan mo. Shit! Ang gaga ko ngang talaga.

Naalala ko pa noon, habang nasa bus ako pa-uwi sa lugar kung saan ako kasalukuyang nakatira dahil sa pag-aaral. Nagmumuni-muni at biglang pumasok ka sa utak ko. Ano ka ba? Sabi ko nga diba, wag na! Wag ka nang papasok-pasok lang sa utak ko? Shit ka talaga.

"Iha, okay ka lang ba?" Tanong nung matandang babae na katabi ko.

"Po, opo." Sininghot ko lahat ng uhog ko para maging normal yung boses ko. "Nagpa-praktis lang po akong umiyak kasi kasali po ako sa theater sa school, lola eh. Ako po yung lead actress. Drama po yung theme namin. Magaling po ba akong mag drama?" Ngumiti ako ng konti.

Habang nasa kalsada ako, mag-isang tatawid ay bigla na naman kitang naalala at walang hiyang mga luha, tumulo na naman. Bumukas yung bibig ko. Sa inis ko sayo, napasigaw ako ng, "Dao Ming Su! Dao Ming Su! Dao Ming Su!" Humagulhol ako at muntik na akong mapaluhod dahil sa sobrang emosyon na naramdaman. Di ko maatim na ibulalas yung pangalan mo kaya pangalan nalang ng karakter sa isa sa paborito ko'ng Taiwanese Drama ang isinigaw ko.

"Nabaliw na ata yang girl na yan, babe oh!" Narinig ko'ng bulong ng isang kasing edad ko'ng babae na trying hard yung make up na di bagay sa kanyang kutis na maitim. Nakahawak ng mahigpit sa braso ng isang lalaking medyo tsinito at nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin. Ef you, two! Lalo ka nang babae ka, bubulong bulong pero rinig na rinig ko naman yung binubulong. Hindi niyo ako kilala kaya wag kayong mange-alam! Broken hearted ako at ang makakita ng lovers na naka holding hands while walking o yung nag de-date sa tabi-tabi ay mas lalong nagpapahabag sa akin.

Inirapan ko sila. "Walang forever!" Halos isigaw ko sa mukha nilang dalawa dahil sa bitterness na nararamdam ko. Ampalaya ata yung ulam ko mula nung iniwan mo ako, gago ka.

Sa school habang nagmamadali ako at patakbo na ako kung makalakad ay may nakita akong lalakeng pamilyar ang taas at kisig. Pati yung damit pang itaas ay pamilyar din.
"Fuck! Bakit nandito siya?" Bulong ko sa sarili. Humina yung lakad ko at mas sinuri yung lalake. Parang may mali eh. Parang....

"Hoy classmate! Male-late na tayo! Bakit ka parang tulala diyan?" Tinapik ako ng ka-klase kong may tigyawat na malaki sa ilong. Medyo napatalon ako sa bigla-bigla niyang sulpot.
"Ah wala. Sige, mauna ka na. Medyo sumakit bigla yung tiyan ko eh. May LBM kasi ako." Sabi ko at umalis din siya. Takot atang ma-late dahil terror yung prof namin sa subject ngayon.

Totoo yung sinabi ko'ng may LBM ako, pero hindi dahil sa LBM ko ang inasta ko ngayon kundi dahil sa lalaking kapareha mo ng tinding, kisig, pati damit, pareho din. Shit! Yun yung t-shirt na natanggap mo nung Christmas Party niyo. At yun yung suot mo nung huli nating kita. Akala ko ikaw. Akala ko pinuntahan mo ako ngayon sa school. Akala ko talaga. Akala ko lang pala.

Muntikan na akong madapa habang nagbabasa ng handouts dahil exam namin mamaya.
"Cramming?" Bigla sabi ng janitor. Shit! Cramming? English? Seriously? Janitor na nag-e-english? Siguro kahit janitor marunong ng mag-english ngayon.

"Um, yeah! Um, i gotta go. Exams! Hehehehe." Medyo nosebleed ako sa english ko. Di ako nakapagready eh. Putspa! Dahil dun naalala na naman kita. Janitor yung tawag ko sayo dati eh, ikaw kasi ang hilig-hilig mong maglinis, magluto at maglaba. Diba parang janitor o maid lang? Isa sa mga nagustuhan ko sayo na ngayon ay ayaw kong maalala.

Hanggang kailan kaya kita iisipin? Hanggang kailan ka kaya sa puso ko? Asdfghjkl >///<

---------------

May susunod pa. Abangan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot Short StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon