INTERNET TROLL

6 1 0
                                    

“MGA TAGA-UP, PURO NPA!! MGA KOMUNISTANG SALOT!!”

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“MGA TAGA-UP, PURO NPA!! MGA KOMUNISTANG SALOT!!”

Pinindot niya ang Enter at rumehistro ang comment na yun sa pangalang Ed Manlapaz. Pang-isang daang beses na niyang tinype ang pangungusap na yun ngayong araw. Iba’t ibang pangalan ang gamit niya. May Ben De Dios, Emerlinda Cruz, at Timothy Olarte. Meron pa ngang Kurumpong Kukurulu. Di niya alam kung san nila kinuha yung panghuli.

Tapos na siya sa shift niya ngayong araw kaya dali-dali siyang lumabas sa mainit at maliit na kuwartong yun. Mahina ang aircon sa opisina nila kaya kanina pa siya naaalibadbaran. Sa pagtahak niya sa makipot na pasilyo palabas ay nakasalubong niya ang katrabahong si Topex.

“O, sahod mo this week.” bungad nito sa kanya sabay abot ng isang sobre. Sinilip niya ang laman. Tantya niya ay mga sampung libo ng piso ang laman nun. “Natuwa daw ang kilyente sa performance natin, sabi ni TL. Kaya me bonus daw tayo.”

“Asus, kukupitan na naman niya yun,” nakangisi niyang sagot. Nagtawanan sila bago naghiwalay.

Pagdating niya sa bahay ay naabutan niya ang kapatid na si Rina. Katatapos lang marahil nito sa online classes niya. Kaya ayun, nanonood na naman nga mga paborito nitong K-pop singers gamit ang laptop nilang pinaglumaan na ng mga taon.

“Sus, ang papangit naman ng mga yan,” pambating asar niya. “Heh, wag ka magulo. Di ko pinapakialaman mga idol mo,” ganting hirit nito.

Nginisian niya ang kapatid at sinimulang ilapag ang mga grocery sa kusina.

“Nga pala kuya,” tawag ng kapatid niya. “Hindi na daw tuloy ang UPCAT tong taon na to.”

“Hamo, next year mag-oopen ulit yan. Malapit naman na atang matapos ang pandemic na to,” sagot niya.

“Basta siguraduhin mo lang na makakapasa ka ha.”

Matagal nang pangarap ng kapatid na makapasok sa unibersidad na yun. At mabigat ang kursong gusto nitong kunin: Mechanical engineering. Pero alam niyang petiks lang kay Rina iyon dahil ito ang pinakamatalino sa kanila.

Bigla niyang naalala ang pangako nito na siya naman ang pagtatapusin pag naka-graduate ito. Tinawanan niya lang ang sinabi nito.

Sinilip niya muli ang kapatid. Kinikilig pa ito habang sumasabay sa saliw ng awiting Koreano na pinapanood nito. Napangiti siya. Kakayanin niyang sikmurain ang trabahong iyon, matupad lang ang pangarap ng kapatid.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

INTERNET TROLLWhere stories live. Discover now