Isang malamig na gabi, nakasakay sa isang pampasaherong jeep si Maxela First o mas kilala ng mga kasama niya bilang Max. Isa ang gabi na ito sa mga hindi pangkaraniwang gabi niya nitong mga nakaraang buwan. Bawat araw na lumipas ay parang isang araw upang magdusa sa mga problemang kanyang kinahaharap.
Napaka dami niya ng dahilan upang tapusin ang kanyang buhay dahil sa bagay na palagi niyang iniisip, ang kanyang mga lihim. Isa siya maituturing sa mga taong mukhang napakasimple sa bawat kilos, pananalita at anyo sa harap ng nakakarami ngunit sa twing sya'y nag iisa tila ba isang madyik (magic) na nagbabago siya sa hindi mo maikakaalang paraan.