I thought I already have the life I've always wished but I was wrong. Kontento na ako sa buhay ko, not until bumalik na naman siya. I don't know pero nung nakita ko siya ulit ay wala naman akong nararamdaman na sa kaniya. I have moved on since he left me hanging. Mula nung sambitin ko ang salitang "I do" sa harap ng pari, sigurado na akong hindi ko na siya mahal.
Sobrang disappointed ko sa kanya kase hindi niya ako pinaglaban man lang. Naalala ko pa na matapos yung pag amin niya sakin ay hindi man lang ako ipinaglaban. Sinaktan niya ako,more than nung time na hiniwalayan ko si Jayven.
Alam mo mayroon talagang mga taong kahit hindi magjowa,mas masakit pa ma reject kesa sa magbreak yung totoong magjowa. Pero bakit ba tayo bumabalik sa kahapon? Okay? Ang importante ay ang kasalukuyan at ang kinabukasan.
One year na mula nung ikasal kami ni Jayven. Mahal na mahal ko tong lalaking ito. Marami na kaming pinagdaanan, naghiwalay kami pero after mga one year ay sinuyo niya ako. Tapos after 3 years nagpakasal kami.
Anyways,nandito kami ngayon ni Jayven sa Payag Restaurant. Nag celebrate kami ng anniversary. Maraming inorder si Jayven na dish. May sizzling hot sisig,fish fillet, ewan ko kung anong tawag dun sa iba. Basta ang dami dami pero kami lang naman dalawa ang uubos.
"Sir, is there anything I can serve you for dessert?"
"Hon, what do you like for dessert?" tanong niya.
Hmmm....dessert my fav!
"Hon, diet lang muna ako ang taba taba ko na,gusto ko ng fruit salad,mango float cream milktea, red ribbon blackforest cake, empanada, leche flan, lasagna and brasso de mercedes."
........
.........
........
"Huy hon! bakit ka natutulala? may dumi ba sa mukha ko? Or na realize mo nang di mo nako mahal kasi mataba na ko."
"HAHAHAHAH ano kaba hon? diet ba yung ang rami mong inorder hon, baka mas tumaba ka diyan at maging jollibee yang baby natin." biro niya pa.
"Hmppp! kainis naman to! may patanong tanong pero kapag sinagot tatawanan ka lang."
"HAHAHAH I'm just concerned about your health hon, and also Xandy's health. But if you really crave to eat those so okay, I'll allow it "
Ngumiti lang ako.
"So nalista mo ba lahat yun?" tanong niya sa waiter.
"Yes sir noted, I'll serve your order in a minute, excuse me" paalam niya samin.
After some time bumalik na ang waiter dala ang order namin at kumain na kami.
"Hon, I'll just go to the cr."paalam ko. Naiihi kasi ako eh.
"Gusto mo samahan na kita baka mapano ka dun, baka basa yung floor nila dun hon."pag aalala niya.
"No, ano kaba Hon...pambabae kaya yun.Bawal ka dun sige na I'll go wait for me here nalang."
"Okay be careful "
Umalis na ako at pumunta sa cr. Pagbalik ko sa table namin ay naka off na lahat ng ilaw atwala na si Jayven, tahimik na rin ang paligid kaya nagtaka ako. Kinuha ko ang phone ko at ini on ko ang flashlight. Sinubukan ko ring tawagan si Jayven pero naka off ang phone niya. Hinanap ko ang pinto para lumabas.
Lalabas na sana ako para pumunta sa car namin baka dun niya ako hinintay pero pagkalabas ko sa door ay biglang bumukas ang ilaw at nahulog ang mga rose petals na nakaipit sa pintuan. Nagsimulang kumanta ang mga tao na normal lang na kumakain dito kanina.May mga balloons din na red at foil balloon na may number one.

YOU ARE READING
IAFB: Let's End This Shit
Novela JuvenilBook 2 of I'm A Fearless Bitch "At sa tingin mo matapang ka na sa pagpapakita mo ng ganyan sa akin? You're weak Bea, mahina ka dahil tinatakasan mo lahat ng problema mo! Why don't you try to face them? Do you think what we are gonna do can bring bac...