𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 9

203 19 0
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 9
𝐀𝐃𝐌𝐈𝐑𝐄

Lance's POV
Hindi ko alam kung tadhana ba o kung ano man pero di ko talaga akalain na si Jane ang ipapariha sa akin. O kaya nababasa lang ni Aimee ang nasa isip ko dahil may kapangyarihan sya, hayssss pero napaka saya ko kaya lang hindi naman sya kumikibo hindi ko naman alam kubg bakit hindi sya nag sasalita, baka nahihiya.

"Jane!!" Tawag ko pero lumingon lang sya at agad na binawi. Ano ba puwedeng sabihin sa kanya?? Haysss hindi naman kase ako pala kwento, kaya hindi ko alam ang sasabihin. Isa ako sa tahimik sa amin kaya hindi ko alam kung paano makipag usap ng walang kataposan. Hayssss gusti ko syang kausapin, pero ang tanong!!! Gusto nya ba akong kausap??? Ehh mukang hindi dahil sa kinikilos nya. Haysss bahala na nga, pag kina usap nya ako edi kausapin ko kung hindi bahala na, naka pag survived naman ako nang walang kausap eh.

Sa boung pag lalakbay namin ay talagang hindi nya ako kinausap at nakaka inis lang, hindi ko kayang hindi sya kausapin,  gusto kong marinig ang maganda nyang boses, mababaliw nalang ako dito wala pa syang alam dahil hindi nya alam na may gusto ako sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung paano kunin ang atensyon ng babaeng yan. Bakit kase ito sinama sa akin tuloy para akong tanga kaka isip kung paano sya kausapin, kung tutuusin bakit koba iniisip sya?? Hayssss. Nalintikan na, mababaliw na talaga ako.

"Ayus ka lang ba??" Biglang tanong nya kaya napa harap ako sa kanya

"Hu-huh??" Tangang sagot ko

"Para kang tanga dyan, kinaka usap mo ha sarili mo?? Kanina ka pa dyan, iling ng iling tapos hahampasin ulo mo, may problema ba?" Saad nya at para akong tanga na naka titig sa maganda nyang muka

"ARRRAAAYY" saad ko ng batohin nya ako

"Yan, baka bumalik ka sa wisyo, para kang naka droga kung tumitig, tinatanong kita" saad nya

"Oo ayus lang ako, may iniisip lang" saad ko habang hinihimas ang ulo ko

"Ano bang iniisip mo?? Hahh?? Parang kang tanga" saad nya

"Wala, wag mo nalang akong pansinin" saad ko habang hinihimas parin ang parte na binato nya.

"Tsk, Oo na, baka kase isipin nila na may baliw akong kasama" saad nya

"Sinong sila??" Tanong ko

"Yun oh" turo nya sa harap namin at ngayon ko lang napansin na may kasabay pala kami, may nga dala itong pagkain.

"Pupunta din ba sila sa Heckmous??" Tanong ko

"Oo, ipapadala nila yan sa kaharian" saad nya

"Ahhh" saad ko

"May naisip ako, pero mamaya nalang" saad nya

"Oh sige, mukang pareho naman tayo nang iniisip" saad ko, maganda kung sasama kami sa mga toh, makaka pasok kami sa palasyo bg walang kahirap hirap, at may chance na mahanap namin yun

"Muka nga, pero baka hindi rin kaya mag uusap tayo" saad nya

"Oo na" saad ko.

Pagkatapos ng ilang araw nakarating na din kami sa Kaharian ng Heckmous. Sumunod lang kami sa kanila hanggang sa tumigil sila sa tapat ng palasyo.

"Pwede naman po kaming tumulong sa inyo diba?? Sinabi ko na rin kanina na wala pa kaming matutuluyan, isang gabi lang naman po" saad ni Jane

"Oo naman, basta wag kayong hihiwalay sa amin, baka kami mapagalitan" saad bg matandang babae

"Oh ikaw iho, sasama ka rin ba?" Tanong nito

"Oho, hindi pwedeng magkahiwalay kami" saad ko

"Ay naku napa swerte mo naman sa nobyo, napaka bait, Oh sige halika na" saad ng matanda at agad akong namula, agad akonh tumalikod at ngumiti, shittt kinikilig ako.

"Mali po----" rinig ko at hinampas nya ako

"Hoyyu bakit hindi mo sinabi na hindi naman tayo mag kasintahan" saad nya at nginitian ko lang sya at umuna.

"Akin na po yan, ako nalang mag dadala" saad ko sa matanda at tinulobgan na ipasok ang mga kahon ng iba't ibang klaseng pagkain. Nakita ko na mag bubuhat na rin sya nang inagaw ko ito.

"Wag ka nang mag buhat, pumasok ka na roon at tumulong sa pag aayus, ako nalang nito" saad ko

"Grabe ah, akala mo ba hindi ko kaya yan" saad nya

"Hindi naman sa ganun, ayaw ko lang mapagod ang mahal ko" saad ko at umalis.

Jane's POV

Napa nganga ako sa saad nya.

"Napaka bait naman talaga, hayy naku, ngayon wala ng ganyan, napaka swerte mo iha" saad ng matanda at ngumiti lang ako ng peke. Tskk lagot talaga sa akin ang lalaking yun.

Natapos ang pag aayos namin at marami pa kaming ginawa hanggang sa sumapit ang gabi. Agad ko naman syang hinila para kausapin.

"Hoyyy, ngayong gabi tayo mismo gagalaw para mahanap ang gloves na tinutukoy ni Aimee" saad ko

"Oh sige, kaghihiwalay ba tayo o magkasama" saad nya

"Magkahiwalay para mas mabilis, balik nalang tayo dito kapag walang nahanap at nahanap" saad ko

"Oh sige, mahal ko" asar nyang saad at kinindatan ako sabay alis.  Tsk nakaka inis na talaga sya.

Agad naman akong nag sout ng maskara at nagpalit ng damit. Sabay alis at hinanap na kung saan ito. Habang nag hahanap ako ay may nakita akong liwanag sa isang kwarto kaya agad naman akong sumilip at agad akong nagulat ng may isang ahas doon na napaka laki, at naging tao, mukang pamilyar sya. Teka sya si, hallaaaaa yan ang prinsesa di ba?? Akala ko nawawala sya. Ibig sabihin tinatago sya ng hari't reyna, sya rin ata ang kumakain ng mga taong nawawala. Haysss bahala na nga, problema naman ng kaharian nila yan, hindi sa amin. Agad naman akong naghanap pa sa ibang kwatro hanggang sa naka pasok ako sa isang magulonh kwarto. Naghalungkat ako dito at may nakita akong pinto sa ilalim ng upuan. Agad ko itong binuksan at pumasok. Kinuha ko ang ilaw at sinundan ang daanan. Hanggang sa naka abot ako sa isang pinto, agad akong pumasok at nakita ko ang sinasabi ni Aimee. Kinuha ko ito at nilagay sa box na dala. Agad akong nakarinig ng yapak at ginamit abg binigay sa akin ni Aimee. Naka balik ako sa lugar na pinagbihisan ko. Agad akong nagbihis at lumabas. Bumalik ako sa may kusina. Mukang di pa nakaka balik si Lance. Hinintay ko lang sya at nakita ko syang nagmamadali agad nya akong hinila at may ginamit yung binigay ni Aimee at napunta kami sa gubat sakay sa kabayo namin. Agad ko na itong pinaandar.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko

"Muntik akong mahuli Hehe" saad nya

"Tsk, di kase nag iingat" saad ko

"Di ko pala nakuha, sabmga pinuntahan ko, wala" saad nya

"Ako naman" sabay labas ng kahon

"Nakuha mo?? Galing ah" saad nya

"Kailangan natin makalayo at agad na maka punta sa Dark Alley" saad ko

"Oo na" saad nya

Tᴏ Bᴇ Cᴏɴᴛɪɴᴜᴇᴅ

𝑬𝒏𝒄𝒉𝒂𝒏𝒕𝒆𝒅 𝑨𝒄𝒂𝒅𝒆𝒎𝒚 𝑺2: 𝑵𝒆𝒘 𝑾𝒐𝒓𝒍𝒅 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon