Devan's point of view
Nasa loob kami ng campus. Hindi ko mawari ang mga pinaggawa ng mga kaklase ko. Sabagay, kalagitnaan na rin naman na ng school year kaya hindi na rin nakakapagtakang akala mo, eh may fiesta. Mga kaklase ko talaga.
"Deeeeeeev!" tawag sa'kin ng kaklase ko.
Hindi ako mapakali sa mga nangyayari sa loob ng campus. Ano ba kasing meron? Hinahanap ko din kasi 'yung bespren ko na si Kristoff.
"Nasan na ba 'yon?" sa isip-isip ko.
Tumingin ako sa kaklase ko na kanina pa pala tumatawag sa'kin. Akala mo, eh nagtatawag ng pasahero pa-Baclaran. May pataas-taas pa ng kamay.
Lumapit ako dito at tinitigan siya ng seryoso.
"Dev, hindi mo ba siya lalapitan?" nguso nito sa babae na nasa harapan namin.
Tinaasan ko siya ng kilay at akma na sana akong aalis pero napatigil ako nang may humawak sa'kin. Malamig ang kamay nito at ngayon lang uli may humawak sa'kin ng ganito sa kamay.
Tumingin ako sa likod at napamura na lang ako sa inis. Ang humahawak pala sa'kin, eh ang kaibigan kong si Kristoff. Akala ko si ano. Charot.
"Top, ba't anlamig ng kamay mo?' tanong ko dito.
Kita ko sa mukha niya na nagpipigil ng tawa bago ito sumagot sa tanong ko. Parang ewan lang.
"Ah. Humawak kasi ako ng yelo kanina."
Napangisi na lang ako sa kaniya. Ano namang ginawa niya sa yelo?
Mula sa kinatatayuan ko ay napansin kong umalis sa puwesto yung babae na inaasar sa'kin ng kaklase ko kanina. And who care? —Di naman ako interesado sa kahit ano pa. Pare-parehas lang naman sila.
"Gusto mo yelo?"
Napatawa ako sa sinabi ni Kristoff. Seryoso ba siya? Minsan na nga lang mag-alok, eh yelo pa. Whutda?!
"Ayaw mo tol? Masarap 'to. Kanina ko pa nga pinapapak 'to eh." sagot nito at kinuha niya ang yelo na nasa plastik pa.
Baliw na Kristoff. Kung hindi ko lang 'to kaibigan eh sinapak ko na 'to.
"No thanks, Top. Ikaw na lang."
Ngumiti ito at tumingin sa mata ko.
"Ayaw mo, ano bang gusto mo?" malambing na tanong nito sa akin.
Kinuha ko ang kamay nito at tinitigan siya sa mata niya. Tumagal ito ng sampung segundo at napansin kong tumitili 'yung ilan sa mga kaklase namin.
Alam kong mali ang nasa isip nila. Hindi naman ako bakla para sabihing natitipuhan ko si Kristoff. No! No, no, no, way. I'm livin' with you. Chos.
"Ano?" tanong sa'kin ni Kristoff.
Tumingin ako sa direksyon na kung saan nandoon kanina ang babae. Ngumiti ako at binitiwan ko na rin ang kamay ni Top.
"Get it. Siya gusto mo? Edi want mo help ko? Ikaw ha." sambit nito sa'kin na may halong pang-aasar.
Ito talagang si Kristoff eh seryoso. Pero ang gusto ko sa kaniya ay talagang maaasahan mo siya sa mga bagay na gusto mo. Supportive friend ika nga.
Sa totoo lang, wala talaga akong pake sa babae na 'yon. Hindi ako interesado. Hindi talaga. Hindi naman sa pagiging bitter pero ayaw ko sa mga babae. Kung meron man eh, siguro nanay ko na lang.
Ewan ko.
"Ano bang ginagawa mo, Dev?" singit ni Kristoff.
Inaayos ko na kasi ang sarili ko. Uwian na rin naman kasi. Nakakawalang gana, lalo na yung Physics. Kinuha ko na ang bag ko at aalis na sana ako nang hinawakan ako uli ni Kristoff sa braso ko.
YOU ARE READING
SHE IS A GHOST (On Process)
Short StorySHE IS A GHOST. She is a ghost that nobody else wants. She's a girl who wearing all white. She's always there besides you. Wherever you go, you feel you're not alone. She is a ghost, who fall in love with me. She is the most weird that I had ever me...