Ikaw ang siyang laging inaabangan,
inaasam at mithiin ng bawat mga mata.
Ikaw na laging hinahangad at maging pag-asa. Ikaw na walang kapantay kahit kanino man.
Ikaw na siyang nagbibigay saya
at lungkot sa bawat puso namin.
Ikaw ang siyang susi at kadena ng mga
pighating dulot ng nakaraan, mga nakaraang
naging saksi sa aming kinatatayuan.
Isa lamang ang hangad ng bawat isa sa amin;
ang maging isa at bumuo ng alaalang hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano.
Tatlong 'P' na nakatatak sa bawat isa sa amin kapag ika'y sumapit: (1)Pagbibigayan, (2)Pagkakaisa at (3)Pagmamahalan.Sa tuwing ikaw'y dadaan,
kalampag ng mga kampana't kasangkapan,
singkislap ng mga butuing gumuhit sa kanilang
mga mata, sing ingay ng mga pipi kung ika'y batiin
at kasing sigla ng mga may sakit kapag ika'y sambahin, yan ang mga bagay na nagpapahiwatig
na walang kahit anong dyamante o ginto ang hihigit sa isang katulad mo.
Ang katulad mo na kung saan
nagbibigay liwanag sa puso ng marami.
Hanggang sa huli, pagbalik mo ang tanging inaasam.Akala ko kasiyahan lang ang dulot mo,
ngunit ako'y nagkamali dahil
nabulag ako sa mga nakikita ko.
Hindi ko lubos malunok ang mga matang
halos pasan ang kalungkutang dulot mo.
Makikita mo ang kalungkutan sa kanilang
mga mata, kalungkutang galing sa pagkasawi,
pagkauhaw at pagka-abandona.
Hindi mo ba naisip na ang iba sa ami'y tiniis ka!
Tiniis ang araw na ika'y sasapit,
sapagkat kay hirap kang kalimutan.
Ikaw! oo ikaw na nakatatak sa sanlibutan.
Hindi mo rin ba naisip na ang iba ay
nakamukmok sa madilim na kulungan.
Na kahit anong gawin nila kailanma'y
di na babalik ang liwanag sa mga buhay nila.
Marahil masaya ang iba at ipinagdiriwang ka.
Pero sana naman lubos nating isipin
ang mga nangangailangan ng kalinga, pansin,
pagmamahal ng isang pamilya.Minsan iniisip lang nila kung anong matatanggap
nila sayo o yung mga masasarap na handaan.
Tanging sarili lang nila ang kanilang iniisip.
Oo, dahil karamihan sa ati'y makasarili.
Oo, mga makasarili!! Hindi ba nila nauunawaan
ang tunay mong kahulugan?
Pwes, ngayo'y magising sila sa katutuhanang...
IKAW at tanging ikaw lang ang PASKONG may
kaakibat na saya. Ikaw dapat ang siyang naging
daan nila upang maibalik at maipadama ang pagmamahalan. Dahil ikaw ang siyang naging
tulay ng mga bawat pusong kinain na ng pagkapuot. Tulay na nagkokonekta sa bawat isa.
At tulay na sintatag na walang KOPAS na PASKO.
————————————————————————————
KiD: Written on Dec. 21, 2017 (PSF)
BINABASA MO ANG
Frame of Mind
PoetryIdioms: Frame of Mind Meaning: someone's mood or the particular way someone thinks or feels about something A work of Author which implies different emotions in different aspects of life. Enjoy Reading and looking forward to your feedbacks. ~KiD