~Chapter 3~
Friday na naman po huhu.Nagaayos ako ng uniform ko. Ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Ate!"bulyaw ni ayan na kinakalampag pa ang pinto ng kwarto ko.
Gaga talaga hays.Lumapit ako sa pinto at pinagbuksan siya.
"Ano?"iritang tanong ko
"Sabay na tayo pumasok"wika niya at ngiting ngiti pa.
Anong nakain ng babaitang toh at gustong sumabay sakin? Siguro naman wala siyang sinisinghot na kung ano! Malalagot talaga siya sakin!
Kunot noong tanong ko "Luhh anong kinain mo Yan-yan?"
"Ate naman,sige na pleasssseeeee.....*pout*" saad niya at nagpout pa
"Susunduin ako ni shayne gagang toh!"singnal ko habang inaayos ang gamit ko.
Kinuha ko yung P.Euniform ko gagamitin ko para bukas ilalagay ko nalang sa locker.
"Edi sasabihin ko nalang kay ate shayne bwhahahaah bye bye ate ampalaya!"Aniya at lumabas na.
Sinarado niya ang pinto. Kayanaman napakamot na lamang ako sa ulo ko
"Gaga!"pahabol ko pa.
Matapos kong ayusin ang gamit ko bumaba ako.
Sakto namang nasa baba narin si shayne.
At kausap si yan-yan.
"Hoyy ano yan ah!"
Nagtataka ako kaya dinalian kong bumaba ng hagdan.
Pagkalapit ko sakanila napatahimik silang dalawa.
Kaya nagpalipat lipat ang tingin ko sakanila kaya naman nagkatinginan sila at...
"BWAHAHAHAH/ HHAHAHAHAAHAHA!"
Tumawa silang dalawa na parang baliw luhh sinapian ba mga toh?
Ano kayang pinagusapan nila?
Bat ba sila tumatawa? At anong nakakatawa? Hay nako baka kung anong tinira ng mga toh!
Kunot noo ko silang tinignang dalawa. Kaya nagiwas sila ng tingin at lumabas ng bahay.
Edi sila na magkasundo! Hindi ko nalang sila papansinin. Tama!
Sumakay ako ng kotse ni shayne pero sa backseat ako umupo.
Hindi ko sila kinibo. Kinuha ko yung phone ko at nag on ng fb...
Habang nasa byahe wala kaming kibuan napatingin naman ako sa labas at nakita kong nagkatinginan silang dalawa.
Pinagkakaisahan talaga nila ako ah.
Naalala ko din nung bumisita sila mitch at kean sa bahay 2 weeks na mula nung bumisita sila.
Hindi ko din pinapansin si ke at mitch. Panginoon patawarin mo po ako kung ganon ko sila itrato.
Nakarating kami sa school kaya agad akong bumaba at hindi ko sila hinintay.
Dumiretso ako sa Room namin.Sa likod ako umupo tutal wala namang proper arrangement ng upuan.
Napatingin ako sa oras ng phone ko.
Antagal naman ni Miss Bayoran. Naiinip na ako huhu. Kinakabahan pa ako sa exam mamaya.
Dumating si Mr. President at innanounce na walang pasok. Kaya naman may mga naghiyawan pa napaka imma.
Niligpit ko anggamit ko at bumaba na ng hagdan mags-stay pa sana ako sa library kaso pupunta sila shayne at mitch don.
YOU ARE READING
I'm just a Fan [ONGOING]
Short StoryIsa lang naman akong die hard fan. Na nangangarap na mapansin ng idolo niya. Na gustong mayakap ng mahigpit ang iniidolo niya. Na nangangarap na maging girlfriend o asawa ng iniidolo niya. Nangangarap ng imposibleng mangyari. She knows that she'll n...