Celebration (SPG)

14.9K 249 1
                                    

"Leche ka talaga kahit kelan,mukha tuloy akong ewan sa harap ng maraming tao"

"Sweetie naman,tama na! Nakakahiya na sa mga nakakakita oh,baka sabihin under mo ko,eh hindi naman"

Kanina ko pa siya sinasabunutan at kinukurot sa bewang niya. Nakakainis kasi siya eh,hindi ako prepared kanina sa surprise niya. Ikinaiinis ko din na siya na naman iyong nag effort ng todo todo para sa araw na ito na dapat ay ako ang gumagawa.

After ng kadramahan kanina sa auditorium ay dumiretso na kami sa bahay nila Paolo.  I was shocked that he is making a big effort for me,for our relationship.  Parang may birthday party lang ang peg ng  celebration tonight.

Nang makapasok kami sa may living room nila ay pinaulanan kami ng party poppers and confetti ng mga kaibigan namin at ilang mga piling bisita.

Andito kami ngayon sa may kitchen at mina murder siya sa ginawa kanina.

"Nakakainis ka kasi eh hindi ako prepared,tapos umiiyak pa ako kanina,tapos ang daming tao,tapos ang pangit ko,tapos akala ko totoong may punishment ako,tap..."

"Tapos end of your childishness ,sweetie,you look gorgeous as ever okay,and I still love you no matter what okay"

Tumango nalang ako,niyakap niya na ako at isinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib niya. Ang bilis ng tibok ng puso niya,parang nakikipagsabayan pa ito sa pagtibok ng puso ko. Umaapaw na ako sa kaligayahan.

"Naiinis kasi ako sa sarili ko kasi di ko naalala na monthsarry na pala natin,I'm sorry Pao ha,wala manlang akong maibigay na gift sayo,samantalang ikaw heto at ang bongga pa ng nagawa mo para isurprise ako"

"Aww"

Nakurot ko na naman siya kasi tinatawanan na naman niya ako.

"Sweetheart,I did this without thinking of anything in return from you okay! Mahal kita kaya ko ito ginagawa,gusto kong ibigay ang lahat ng bagay o pangyayari na special o pwedeng maging special para sayo,kung pwede ko nga lang ibigay ang buong mundo sayo ginawa ko na,that's how much I love you,you're like the air I breath,without you I'll die"

Lalo lang akong naiyak sa mga sinabi niya,ganito ba talaga magmahal ang isang Paolo Sarmiento? Ang swerte naman ng mga naging karelasyon niya noon. Pero mas maswerte ako dahil sa akin na siya ngayon. At kung hihilingin man niya sa akin ngayon na may mamagitan sa amin,hindi ako magdadalawang isip na ibigay iyo sa kanya.

Bumitaw ako sa kanya at tinitigan siya sa mga mata,mababakas doon ang labis na pagmamahal at kasiyahan. Mahal na mahal ko na talaga siya higit pa sa kahit na anong bagay sa mundo.

"I love you too sweetheart"

Walang pasabi na sinungggaban niya ako ng halik sa aking labi. It takes me a second to respond to his kisses that's going deeper. Habol ang paghinga namin ng maghiwalay ang aming mga labi. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya pero mabilis din naman niyang nahuli ang aking mukha dahilan para magkatitigan kami.

"It's so rare!  When you express you love for me,it's so rare"

Namamanghang sabi nito.

Sumulpot sa kinaroroonan namin si Karen,hinahanap na daw kami ng mga bisita namin kaya kahit ayaw ni Paolo ay napilitan din siya dahil sa kadaldalan ni Karen. 

Pareho kaming nakahawak sa bewang ng bawat isa ng lumabas kami galing sa kitchen.  Napuno ng asaran ang buong paligid ng makalabas na kami ng tuluyan. Inaasar nila si Paolo sa ginawa nitong kakornihan daw ayon sa mga ito.

Magkahawak kamay na kaming lumalapit sa mga bisita para pasalamatan sila sa pagadalo at pagtulong na rin kay Paolo para maisakatuparan ang surpresa nito para sa akin.

Unexpected love affairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon