Chapter 6

9 1 2
                                    

Nagising ako sa tunog na nagmumula sa cellphone ko kaya kinuha ko 'to at tinignan, the screen says it's 3am and Sawyer is calling

Sinagot ko ang tawag ng nakahiga pa rin

"Hello" so this is my hoarse voice at 3am

"Hey love," nagmulat ako ng mata dahil sa narinig ko. It's been a while since he called me "love"

"Hey? Are you still sleepy?" gan'to ba boses nito kapag bagong gising?  Ang lambing akala mo naman pasyente kausap

"I'm listening" I said

"You get up and get ready you have thirthy minutes to do that baka malate tayo sa misa traffic na naman yata" he said

tumango ako as if he's just in front of me. Naupo ako at sinuklay ang buhok ko pataas na nagbabagsakan na sa mukha ko

Silence filled us and then I heard him laugh

What's funny ??

"Okay,  you get ready na parang tulog ka pa yata e, sabaw ka?"

ang sarap talaga sapakin ng lalakeng 'to

"Okay" tipid kong sagot and then I was about to end the call when he said something again

"And don't forget to wear maroon" and then the call ended

Huh?  Are we gonna wear same color of shirts para magmukha kaming nakacouple shirt?

Well,  wala naman yatang masama kung susundin ko ang sinabi ni Sawyer, ang masama ay itong si Cali hindi pa rin gising!  May pa alarm pa syang nalalaman kagabi hah! Kung makayakap nga sa unan ko, parang tarsier! 

Gisingin ko na kaya 'to ? O mas maganda yatang takip ng kaldero gigising sa kanya

I went to the kitchen tiptoeing and came back hawak ang dalawang takip ng kaldero.  Ang sarap ng tulog ni Callista, I wonder kung anong gagawin nya sa akin after kong ipalakpak itong mga hawak ko

"bnggggggg"

Napabangon sya kaagad, gulat na gulat

"NASAAN ANG SUNOG? NASAN?" I burst into laugh looking at her priceless reaction nakahawak pa ako sa tyan ko sa sobrang tawa ko I almost cry

Sinamaan nya ako ng tingin kaya napaayos ako ng tayo

"Baka lang kasi ito 'yong alarm na sinasabi mo kagabi" I immediately run to the bathroom at naligo na. 

"Callista, ano ba? ang tagal mo naman! magsisimba tayo hindi gagala!" I shouted.

Buti nalang kulob itong kwarto at hindi rinig ang ingay namin baka magising si Tita sa ingay namin ni Cali

"Teka lang naman-"

Hindi ko na hinintay na matapos sya sa sinasabi niya lumabas na ako ng marinig ko ang katok sa labas, I think it's Sawyer

Binuksan ko ang pinto, bumungad sa akin ang mukha ni Sawyer

Bakit ba palagi siyang fresh?! Bakit mukha siyang mabango? Ang sarap amuyin

As usual brushed up ang style ng buhok nya,  he's wearing a maong pants and maroon polo shirt and also his sweetest smile

Should I get a hold of my heart? Parang kailangan pigilan dahil nahuhulog na or pipigilan pa ba o hahayaan nalang? 

"Naks!  may pa couple outfit sila!" tapos na palang mag-ayos si Cali and she's wearing a maong pants and 'yong color baby blue na medyo malaking sweater sa kanya at may print na doreamon

I look back at Sawyer para sana alokin na siya but I felt shy ng makita kong tinititigan niya ako. I'm wearing a maroon off shoulder dress and nakabun ang buhok ko but I left few strands on my face

"Hey,  don't be shy you're beautiful"

Napayuko ako sa sinabi niya,  nararamdaman ko ang pag-init ng pisngi ko

"Sus.  Lumayas kayo couple kupal dyan sa daan tara na!  Magsisimba diba? Magsisimba?" iritang saad ni Cali saka lumabas

Hindi masyadong traffic kaya medyo mabilis kaming nakarating sa simbahan

"Ba't di nyo sinabing may color coding dito?" bulong ni Cali sa akin

"Taga dito ka, akala ko alam mo" Sawyer said

"Di siya pala simba" siniko ako ni Cali dahil sa sinabi ko

Lumabas kami just when the mass ended, diretso kami sa labas ng gate at doon tumayo para mag-abang ng jeep pauwi

"Di ka ba nagugutom?" tanong niya

Pinadausdos niya ang palad niya sa bewang ko, tipid na ngiti lang ang sinagot ko dahil hindi naman ako gutom at hindi rin ako busog

"Tara may nagtitinda ng goto doon sa gilid o" tinuro niya kung nasaan ang nagtitinda ng goto nakapwesto pagkatapos ay inakay niya ako habang si Cali naman ay nakasunod lang sa amin

Tinanong niya ako kung anong ihahalo sa goto ng makarating kami sa tapat ng nagtitinda at bumili na nga siya. Inabot niya sa akin pati kay Cali and pagkain saka kumain

Naidura ko ang pagkain ng maramdaman ang init sa dila ko,  napaso ako.

"Ba't di mo hinipan?" natatawang sabi ni Sawyer sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin habang nakalabas ang dila ko.

Mukha akong aso.  Tumalikod ako sa kanila at pinapaypayan ang dila ko gamit ang kamay

"Hey, mainit kasi dapat hinipan mo" masuyong saad ni Sawyer

"E hindi ko nga nahipan! nangyare na e!"

"Awee, nagtatantrums ang baby" kantyaw ni Cali saka tumawa,  I just gave her a sharp look

"Okay lang daw, may susuyo naman e" ibinalik niya ang kamay sa bewang ko saka ngumiti

Pagkatapos namin kumain ay nag-abang kami ng jeep saka umuwi

Maliwanag ng makababa kami ng jeep at dahil alas singko palang ng umaga naglakad na kami pataas.

Naaagaw na ng liwanag ang dilim sa kalangitan, matatanaw din ang mga mailaw na bahay isang subdivision.

"Gustong-gusto mo talaga ang liwanag no?" tanong niya, tumango ako saka tinignan ang nilalakaran

"Gustuhin mo din ako, bibigyan ko ng liwanag buhay mo"

My heart beats faster than the usual, it's annoying but yeah is this love?

AN: THIS IS A SABAW UPDATE.  LUTANG AKO HABANG SINUSULAT KO 'TO!!! SORNA.

The City Lights In MetroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon