A Friend needs a Friend Too

7 3 0
                                    


"what are you doing here, sheila?" I asked her

"Nagpapahangin habang tinitingnan ang buwan." Sagot siya habang nakasalampak ng upo.

"I still don't get it," I said

"Ang ano?" She asked while staring straight at my eyes.

"Ikaw, at ang mga nakikita kong galaw mo. Parang hindi ka apektado."

"Bakit kailangan ba ipakita kong apektado ako, jelo?" Kibit balikat niyang sagot atsaka tumitig muli sa buwan.

Sumalampak ako ng upo sa tabi niya habang tinititigan ang hindi mapangalanang reaksyon nakikita ko sa kaniyang mukha. Until now, hindi ko maintindihan lahat ng kilos niya hindi ko mabasa. Reaksyon niyang 'di ko mapangalanan at ang kaniyang galaw na hindi mo lubos maisip kung ano ang kahulugan.

"Your best friend did that to you. Bakit wala ka man lang reaksyon sa nangyari. Sa nakikita ko parang wala ka namang pakialam. Nakikisalamuha ka sa iba na para bang wala kang narinig na masasakit na salita galing sa matalik mong kaibigan. At yun ang 'di ko maintindihan. Ano manhid ka na ba?" Sinabi ko ang mga 'yon habang pinag-aaralan ang reaksyon nakikita ko sa kaniyang mukha. Hindi ko man lubusang makita ang kabuoan niyon' ay nakikita ko naman ang reaksyong matagal niyang pilit tinatago.


"Bakit kailangan bang ipakita ko? Wala namang mangyayari ah. Wala namang pinagkaiba. Sinaktan ako ng best friend ko, Pinagtaksilan, pinagmumura."


"Kapag kasi pinakita mong apektado ka ang daming magtatanong, makikisawsaw sa kwento, aalamin lahat Ng detalye at magpapakalat ng mali. At alam mo ba kung anong nakakapanglumo do'n, may magpapakita na may pakialam sa nangyari sa'min pero sa pagtalikod mo sangkatirbang mali-maling kwento ang mabubuo. Lalala lang ang gulo." Isang buntong hininga ang kanyang binitawan atsaka tumayo. Humakbang siya ng ilang beses tsaka mas tinitigan ang buwan bago dugtungan ang sagot sa'kin.

"People act like they care, but the truth is they are just curious about what happened. Mangingialam, magtatanong at kapag nalaman nila na ikakalat at dudugtungan ang kwento. Palalabasing masama ka. I chose to stay quiet kasi pagod nakong magpaliwanag at dahil alam ko rin na hindi rin naman nila maiintindihan. Pero andito ka at nagtatanong tungkol sa nangyari."

"Nag-aalala ako sayo kasi sa nakikita ko parang okey kalang. Nakangite minsan pa nga ang lakas ng tawa. Nakikipagkwentuhan ka pa tungkol sa mga palabas na pina nood niyo. Pumapasok ka sa school na para bang wala lang ang nangyari. Sumama ka pa sa outing nating magbarkada."


"Are you really okay or you just trying your best to be?" I asked her again hoping that I get the right answer.


"Sana nga gano'n kadali 'yon. Sana nga nakakatulog ako sa gabi at hindi iniisip lahat ng sinabi ni Delia. Sana nga hindi peke lahat ng tawa ko at ngite. Sana nga totoong wala akong naramdaman sakit. Sana nga kahit paulit-ulit na nangyayari sa'kin 'to hindi ako pinapatay sa sakit at tanong kung bakit at saan ako nagkulang." sa isang kalabit na tanong kong iyon bumuhos ang mga sakit sa mata niya. Nakita ko ang mga reaksyon at naramdaman niyang hinahanap ko sa nagdaang araw at linggo.

Nanghihina siyang naupo ulit habang nakatulalang nakatitig sa kawalan. Ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata ay nasaksihan ko. Ang mga sakit na pilit kong hinahanap sa mata niya ay nakita ko. Kung anong ginawa niya sa nagdaang araw para matago ang lahat ng ito ay hindi ko mahagilap. Isa siya sa mga taong nagpapanggap maiwasan lang ang sakit.

Gulat akong napalingon sa kanya nang marinig ang bigla niyang tawa. Tawa na parang hindi makapaniwala habang nando'n parin ang sakit at ang mga luhang hindi matapos tapos sa pag-agos.

A Friend needs a Friend TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon