Another week came nandito kami ngayon sa boracay para sulitin ang vacation namin.
"Guys may night party mamaya dito punta tayo ahh"excited na sabi ni Hedone
"Lalaki lang naman habol mo" maarteng sabi ni Asteria
"Landian lang naman habol ko sakanila ginagamit para sa panandaliang saya "
"Hedone alam mo ba someday kakarmahin ka sa paglalaro sa mga lalaki" pangaral ko kay Hedone
"Wow Neith coming from you ahh" ngumisi nalang ako sakanya
Pagkatapos namin magpahinga saglit kumain na kami ng lunch at bumalik muna kaming ni pheme sa villa namin para magpahinga ang iba naman ay ibinalandra na ang kanilang mga swimsuit attire para mag swimming.
Nang hindi na gaanong mainit lumabas na ako ng room si pheme ang naiwan sa villa dahil pagod pa daw sya.
Nasa malayo palang ako tanaw ko na ang Malantod kong kaibigan may kausap ng isang grupo ng mga lalaki.
Habang palapit ako ng palapit medyo namumukhaan ko ang isang lalaki na kausap ni Hemera.
That's Yevhen Carter how come they know each other and it seems that they are close
"Hey you are Neith right?" Pansin agad sakin ni Yevhen napatingin naman ang iba ko pang kaibigan.
"Neith magkakilala pala kayo ni Yevhen" tanong naman ni Hemera
"Ahh Oum nung nasa bar tayo don ko sya na meet saka he's living in front of our house"
Halatang gulat si Yevhen ng sinabi ko iyon"So were Neighbours" tatawa tawa nyang sabi
Umupo ako sa tabi ni Asteria nagulat ako sa kaharap ko.
Ang supladong Alas ang nasa harap ko at walang ka emosyon ang kanyang mukha.
Nang lumingon sya sa gawi ko nagiwas agad ako ng tingin. Kasama pa nila ang iba pa nilang mga kaibigan.Nagkaayaan sila na mag swimming na at sila Asteria naman ay nag aaya na mag banana boat.
"Neith sama ka na kasi samin" pamimilit ni Galene sakin ngunit takot talaga ako pag mga water activities dahil hindi ako marunong lumangoy
"Ayoko alam nyo naman na hindi ako mahilig sa water activities" Hindi na nila ako pinilit pa at isinama nalang nila si Yevhen at ang tatlo pa nitong kaibigan.
Si Asteria Hedone Hemera Pheme at Pysche ang magkakasunod sunod salikod ni Hemera ay si Yevhen at ang tatlo pa nitong kaibigan.
Nang mapansin kong may nakatingin sa akin naalaa ko na nasa harapan ko pa pala si Alas.
Parang nahiya ako bigla ng magtama ang mga paningin namin.
"Bat di ka sumama sakanila?" Tumingin lang sya sa may dagat at pinapanood ang mga kaibigan namin.
"Ayoko lang" tipid talaga kahit magsalita
"Tss sabihin mo tamad ka lang talaga" pero pabulong ko lang iyon sinabi dahil baka magalit pag narinig.
"May sinasabi ka?" Lingon nya sa akin
"Wala ahh" sabay pekeng tawa nalang ang isinunod ko. Bigla na syang tumayo at hinubad ang pangtaas nyang damit.
Halos maglaway ako sa nakita ko pero syempre pinigilan ko.
"Hey san ka pupunta" tanong ko sakanya
"Stupid"pabulong nya lang tugon. Minsan talaga ang tanga ko malamang mag swiswimming sya ayy naku Neith.
Tumayo rin ako at tinggal ang cover up ko inilantad ko ang suot kong two piece, hindi naman sa pagmamalaki pero confident ako sa body na meron ako.
Narinig ko naman na may sumipol sa may bandang likod ko isang grupo ng mga lalaki narinig ko din ang mga kaibigan ko n pinupuri ako. Pababa na din kasi sila sa banana boat.
"Sexy ahh" sabay lapit sa akin ni Asteria
Lumapit na din ang iba ko pang kaibigan ayaw muna nilang mag picture ngayon dahil wala pa si Pheme."Nice body" puri ni Yevhen medyo nahiy ako kaya ngumiti nalang ako.
Lumingon naman ako sa katabi nya na si Alas.
"Tsss" at bigla na syang humakbang papuntang dagat.
Sungit talaga. Sumama nalang ako kila Asteria na mag swimming din dumating na din si Pheme at kumuha muna kami ng mga pictures namin at nung napagod na kami nagpasya kaming pumunta na sa Villa.
Bago paman kami makapasok tunawag ni Yevhen si Hemera.
"Join us in dinner" aya naman ni Yevhen
Siniko ako ni Psche "Satingin mo tayong lahat talaga inaaya o gusto nya na si Hemera lang"
"Baka si Hemera lang" tumingin naman si Asteria samin at biglang nagkibit balikat.
"Sige magpapalit lang kami at sabay sabay tayong kakain" pag payag ni Hemera kay Yevhen
May kakaiba sakanilang dalawa close sila agad nang makita ko sila.
Pagkatapos namin magpalit pumunta na kami sa resturant na sinabi ni Yevhen kay Hemera. Kasama na namin ngayon si Pheme
Nasa malayo palang tanaw ko na ang masungit na mukha ni Alas. Umupo ako sa gitna ni Asteria at pheme magkatabi naman si Hemera at Yevhen.
Nagsimula kaming kumain puro kwentuhan lang tungkol sa school hanggang sa mapunta sa mga love life nila.
"Si Alas lang naman ang may karelasyon samin the rest ay mga single na" tatawa tawang sabi ni Yevhen mukhang di yun narinig ni Alas dahil kausap nya ang isa pa nilang kaibigan
Kaya pala masungit sya sa mga babae kasi may girlfriend na.Sayang naman crush ko pa naman sya.
Puro tawanan lang ang nangyari ng gabing iyon hindi na muna kami pumunta sa party dahil pagod din ang iba.
Lumabas ako ng villa ng magpahangin at para antukin umupo ako saglit malapit sa dalampasigan.
Ang ganda ng mga bituin nakatulala lang akong pinagmanasdan ang mga ito ng nay biglang tumabi sa akin.
"Hmm Gabi na bat nandito ka pa" malamig ang boses nya ng sinabi nya iyon
"Di lang ako makatulog ikaw ba? Bakit nandito ka din?" Tanong ko pabalik
"Ganon din" hindi na ako nagsalita at tumulala nalang sa langit pinagmamasadan ang magagandang bituin
Nang tumagal naisip ko na bakit hindi ko sya chikahin tungkol sa love life nya
"In a relationship ka pala nabanggit ni yevhen kanina " napagtanto ko naparang ang chismosa ko naman
"Hmm" iyon lang ang sinagot nya sa akin buti nagkaron pa sya ng girlfriend sa lagay na yan
"Buti di naiinis sayo girlfriend mo" Napalingon naman sya sa akin
"Bakit sya maiinis?" Tumingin ako sa gawi nya
"Kasi ang tipid mo magsalita tapos parang ang cold mo" mahina ang pagkakasabi ko pero sapat lang para marinig.
"Hindi ko naman talaga sya mahal kaya ayos lang kung maiinis sya" nagulat ako sa sinabi nya na yun. Pwede ba yun girlfriend mo pero di mo mahal.
"Di mo pala mahal bakit ginirlfriend mo pa"
"May mga rason ako kung bakit ko ginagawa ang bagay na hindi dapat" ang seryoso nya kausap
"Pero sapat ba ang mga rason na yun para saktan mo yung babae pati sarili mo?" Di ko na napigilan ang bunganga ko ayyy naku neith
Di sya nakasagot at tahimik lang na pinagmamasdan ang dagat.
"Kung di mo mahal sabihin mo na sakanya hindi yung pinapatagal mo pa" pagkatapos ko sabihin iyon ay tumayo na ako.
Bago pa man ako makahakbang palayo muli syang nagsalita.
"Sana ganon lang kadali na sabihin yun" Naglakad na ako palayo para makapunta na sa villa namin