Capítulo 1

14 1 0
                                    


Chapter 1

Devi's PoV

(Dreaming)

Nandito ako ngayon sa kotse at nakawedding gown ako ngayon pero hindi ko alam kung bakit tanong ako ng tanong sa driver pero hindi siya nagsalita. Nagstop ang kotse at tumingin naman ako sa labas, pinagbuksan ako ni manong driver ng pinto, kaya ko naman buksan yun a ano tingin niya saakin tamad, aba!, Bumaba ako at naglakad papunta sa malaking door ng simbahan, para akong ikakasal nito e.

Bumukas iyon at nakita kong wala namang tao, pinagtritripan lang ako ni kuyang driver e,namali yata ng simbahan.

Wala sa sarili akong naglakad ng dahan dahan papalapit sa altar. Papalapit ako ng papalapit at nakita ko ang dalawang lalaking nakatayo malapit sa altar. Nang makarating ako sa harap ng altar hinarap ko siya para tanonging kung sino ba siya pero walang lumabas sa aking bibig. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil color dark blue ang veil nito.

Dahan dahan niyang inangat ang veil ko at nakita ko ang mukha niya, ooooo emmm gyyyy, totoo ba to nanaginip ba ako, omygod hindi ako makapaniwalang nandito sa harapan ko ang pinakagwapong actor sa buong korea!!

And yeah si LEE MINHO nga haha mygash at worst ikakasal ako sakaniya hahaha kung panaginip ito wag niyo na ako gisingin kyaaaaaah------
Kringgggggg! Kringgggggg!

End of the Dream

Zeynaya's PoV

Naghahanda ako ngayon para sa first day of school namin at alam ko na hindi pa gising si Devi kaya tinawagan ko siya pero malakas lang na reklamo ang bumungad sa akin, tanginang yan ba't ko ba naging kaibigan to langya!

"ANO NANAMAN KAILANGAN MO!! NAUDLOT ANG KASAL NAMIN NI LEE MINHO DAHIL SA IYO, PAG HINDI AKO PINAKASALAN ULIT NI LEE MINHO LAGOT KA TALGA SA AKIN BUWISET!!" Malakas na bungad niya sa akin para ilayo ko ang cellphone ko sa tainga ko.

Pagkatapos niyang sumigaw ako naman ang sumigaw.

"SENORITA HINDI KA PAPATULAN NI LEE MINHO DAHIL HINDI KA NAMAN NIYA KILALA AT BUMANGON KA NA DIYAN DAHIL MALELATE KA NA SA SCHOOL BUWISET KA!!" Sigaw ko rin sa kaniya ang ingay nito pati sa phone sisigawan ako. Pinutol ko na ang linya.

Devi's PoV

Hehehe siguro galit nanaman si Naya dahil siya pa ang sinigawan ko magsosorry na lang ako mamaya dahil pinutol niya na ang linya.

Naligo, nagbihis , nagtoothbrush etc. Lahat ginawa ko ng mabilisan nakalimutan ko na nga magbreakfast dahil nandoon na sa labas si Naya dahil sabay daw kami papasok. Nagtinapay nalang ako at nagapple. Kulang pa saakin yun huhu.

"Hoy babae bilisan mo nga ang bagal mo!" Sigaw ni Naya kaya masbinilisan ko ang paglakad patungo sa kinaroroonan niya.

Nakaupo ako ngayon sa front seat kasama si Naya habang nakikinig sa sermon niya.

"Devi you know dapat mga gwapo pinaguusapan natin para may interes ka." E bakit sermon siya ng sermon sa akin? Tss.

"Buti alam mo magkwento ka nga dali."

"May good news ako sa iyo." Ang tagal magkwento may paintrointro pa e.

"Oh anong good news na yan siguradohin mong maganda ang balitang iyan a." Pagbabanta ko dahil hindi ako nakikinig sa mga walang kwentang usapan madalang lang ako magsalita pero malakas bunganga ko hehe.

"May nagtext saakin may available na daw na warehouse kaya mamaya pupunta tayo doon para linisin iyon at doon na tayo makakapagpractice kyaaaa I'm so excited na." Hindi pa lang nagiistart yong klase pero kitang kita ko kay Naya na atat na atat na siyang umalis para linisin ang play ground namin. Yeah malaki na kami pero dapat may play ground kami dahil maytrip kami ni Naya.

My Home TownWhere stories live. Discover now