*FLASHBACK*

186 3 0
                                    

Paparating na ang Christmas! Yey! Excited na excited na talaga ako. I can't wait my ninongs and ninangs' gifts and surprises. Haha! As if naman meron.

"Ate, may gift kana ba para kina mommy at daddy?" tanong ko kay ate na busy sa paglalaro ng cellphone niya.

Napalingon siya sakin at parang lumiwanag ang mukha.

"Wala pa nga eh at alam kong wala ka rin. Tara! Let's go and shop lil sis ^_^"

Aba! Di halatang excited sya ha. Haha!

"Anong shop? Wala akong pera ate eh" saad ko. Sinamaan naman nya ako ng tingin. Geeez! Ayan na naman ang pagiging amazona nya.

"Ang kuripot mo talagang bata ka! Ang dami mo ngang savings. Tss. Lika na nga!"

Hahaha! Nakakatuwa talaga si ate kapag ganyan yan. Nagbibiro lang naman ako eh.

********

Phew! Nakakapagod palang kasama si ate sa pagsho-shoping. Buti at may energy pa ako haha.

Tumakbo ako papuntang room and started to wrap my gifts. Necklace ang naisipan kong ibigay for mom and watch naman para kay dad.

"Yan! Tapos na ^_^ Sana magustuhan nila ito" nasabi ko bigla sa self ko. Mahal na mahal ko talaga ang parents ko.

********

"MERRY CHRISTMAS!" masayang bati ni mommy sa lahat.

"HAPPY HOLIDAY EVERYONE" sigaw naman ni ate. Haha! Gaya-gaya talaga ito kahit kelan.

Masaya kaming nagcelebrate ng Christmas sa labas ng bahay. Ang dami-dami ngang handa. Kala mo may fiesta eh. Haha! Kami lang naman ng family ang masayang nagsalo-salo. Nagbigayan na rin kami ng gifts. As usual, pera lang ang natanggap ko galing sa mga ninang at ninong ko. Sanay na ako dyan. Okay lang naman sakin eh.

Pero ang pinakafavorite ko sa lahat, ang teddy bear na bigay sakin ng parents ko. Ang cute nga eh :D Parehong-pareho kami ni ate. Black yong sakin, White naman sa kanya. Iingatan ko talaga ito ng sobra!

"Ella!" biglang tawag sakin ni ate. Nilagay ko muna ang mga gifts ko sa mesa at lumapit sakanya. Ano namang kelangan nito?

"Ahm, bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Eto oh, para sayo" nahihiyang sambit ni ate.

May inilahad syang maliit na box na nakabalot sa isang cute na hello kitty wrapper. Ang ganda! Kahit di ko pa nabubuksan hihi.

"Para ba talaga sakin to ate? Salamat ah" sabi ko at ngumiti sa kanya. Di talaga ako makapaniwala! First time kasi ako binigyan ni ate ng gift. Yong gift nya sakin ay isang bracelet na nakalagay yong name ko. Ang swerte ko talaga at naging ate ko sya.

"Wui, di mo ba nagustuhan? wag nala----"

Di ko sya pinatapos sa sasabihin nya. Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Di ko tuloy mapigilan na umiyak. Ang saya ko lang talaga.

"Uyy, Ella naman.."

"Ahm, ilalagay ko muna ito sa loob ate ah" umawat ako sa hug at tumakbo papalayo sa kanya. Ayaw ko kasing makita ni ate na nagiging emotional ako. Aasarin ako nun panigurado.

Kinuha ko muna ang iba kong gifts na nasa mesa at pumasok na sa loob. Tumakbo ako ulit papuntang room ko at nilagay ang mga gifts sa loob ng closet ko. Haaay! Ang saya-saya ko ngayon.

Tumakbo ako ulit palabas nang..

*Blag*

Nalaglag at nabasag ang isang picture frame na nakasabit sa room ko. Dumanggil ang siko ko rito. Bigla akong kinabahan nang makita ko ang larawan.

"Anak, halika na! Hinahanap ka na ng ate mo sa labas" tawag ni mommy sakin na nasa labas ng pintuan ng room ko.

"O-opo. Susunod a-ako"

Niligpit ko ito agad at sumunod kay mommy. Naaalala ko pa rin ang frame. Hay! Wala lang yun. Na-daplis ko lang yun.

"Ella! Laro tayo! Habulin mo ko" paghahamon ni ate nang makalabas na ako. Ahh, yan pala gusto niya ha.

Hinabol ko sya ng mabilis kaso ang bilis nya talaga.

"Ate! Suko na ako" sigaw ko sakanya habang tumatakbo pa rin.

"Bleeeh! Ang sabihin mo, talo ka! Hahaha" pang-aasar naman nya sakin. Hindi ah! No Way!

"Mahahabol rin kita" sigaw ko ulit.

Enjoy na enjoy ang lahat. Naudlot lang ito nang may malakas na ingay kaming narinig.

*Beeeeeeeeeep*

*Booggssshhh*

May nabanggang kotse sa gate namin. Pumunta naman agad kami ni ate sa area nila mommy.

"Tingnan ko lang. Dyan lang kayo" saad ni daddy. May masama akong naramdaman.

Kumalma naman ang lahat. Makalipas ang ilang minuto, may narinig kaming hindi kaaya-aya. Mas lalo akong kinabahan. Di ko alam, may kung anong tubig ang tumulo sa gilid ng mga mata ko. Naalala ko bigla ang frame.

Isang putok ng baril..

My Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon