Chapter 1

100 4 1
                                    

Ako nga pala si Ella Luell Toralba.
Gabriella Laine Toralba naman ang ate ko.

Lumaki akong malapit sa daddy ko. Akala ko nga perfect na ang lahat eh! Mayaman, nakukuha ang lahat ng gusto at masaya. Nag-iba lang ang lahat nang nawala ang daddy ko. Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam sa tunay na nangyari.

  

I was 4 years old nang mamatay si dad. 7 years old naman ang ate ko.

My dad is a successful business man before while my mom works and manages our restaurants day and night. Ang swerte ko nuh?

Pero nung namatay si dad, tila nawala sakin lahat.. lahat-lahat..

FLASHBACK

"Magpakabait kayo mga anak ha. *sniff* Grabriella, wag m-mong papabayaan ang ka-kapatid mo.. I love you both" sabi ni mommy na umiiyak.

Halos mamatay na ako sa kakaiyak nang malaman ko ang totoo..

Andito kami ngayon sa private room ni mommy sa hospital. Di naman inaasahang aabot sa ganitong punto ang lagay ni mommy. Sabi ng doktor, malaking epekto kay mommy ang pagkawala ni dad. Akala namin, simpleng sakit lang ng ulo ang nararanasan niya. Tinago nya samin ang lahat. Ayaw nya kaming mabahala sa kalagayan nya dahil alam nyang masasaktan kami ng sobra, ganun raw nya kami kamahal. Ngayon, nahihirapan na tuloy kami. Di ko na alam ang pweding gawin namin.

"Mommy *sobs* pati ba naman ikaw iiwan rin kami? *sniff*"

Puro iyak at hagulhol lang ang naririnig mo sa kwarto. Bakit ganito? Wala pa ngang one year ang pagkamatay ni daddy, nagpapaalam naman samin si mommy. Ano bang mabigat na kasalanan ang nagawa namin para mangyari ang lahat ng ito? Ano bang kamalasan ang meron kami para ipagkait samin ang maging masaya?

"Shhhh" pinunasan ni mommy Elizabeth ang luha sa mga mata ko.

Kahit anong pilit kong maging masaya nalang, di ko pa rin kaya. Ang bigat-bigat ng nararamdaman ko ngayon. Oo, bata pa ako ngunit may bait narin ako para maintindihan ang lahat. Lalo na ngayong malapit na ring mawala ang mommy ko. Sino nalang ang mag-aalaga samin? Si ate? Wala pa rin syang alam sa mga bagay. Nasanay na kami na nandyan lahat kapag kailangan namin. Di namin inaasahang isang araw, maghihirap kami ng ganito.

Lumipas ang ilang araw, iniwan na rin kami ni mommy. Masayang lumisan ang mommy ko dahil tanggap na namin ito pero may halong pag-aalala ang naramdaman nya. Alam nyang maiiwanan kami. Alam nyang mahihirapan kami lalo na't mga bata pa kami.

End of Flashback

********

Namatay ang mommy ko dahil sa brain tumor. Di ito naagapan agad kaya lumala. Kaya pala nalulugi na ang negosyo namin dati dahil baka di na kinaya ni mommy. Hanggang ngayon, nasasaktan parin ako kapag naaalala ko ang lahat.

Naubos ang pera namin sa pagkamatay ni mommy. Nabaon rin kami sa utang. Di rin namin nabayaran ang mga bill sa hospital kung saan na-confine si mommy dati. Nagsi-alisan na rin ang mga workers namin. Ang hirap! Wala na akong maintindihan! Iiyak na nga lang ako minsan. Ba't wala man lang akong nagawa??

Napag-isipan narin namin ni ate na i-benta ang bahay at lupa namin upang mabayaran lahat ng utang namin. Binili na rin ng isang intsik ang restaurant namin. Ginamit namin ang pera upang bayaran ang bills ng hospital at mga walang-awang workers namin dati. Ang hirap ng dinaranas namin dati. Sobrang hirap! Mabuti at nandyan ang ate ko na mahal na mahal ako. Ni minsan, di niya naisipang sumuko. Inalagaan niya ako ng sobra sobra. Pinakain niya ako ng mabuti. Palagi syang nandyan sa tabi ko. Panu nalang kung mawala sya? Di ko na ata kaya.

Naulila kami ni ate noon. Naghirap, natuto at lumaban. Lagi nyang sinasabi sakin..

"Kailanma'y di kita iiwan Ella. Kasama mo si ate sa lahat ng bagay. Karamay mo sa lahat ng problema. Mahal na mahal kita"

[A/N: Hi guys! Newbie po ako rito. Sana magustuhan nyo ang story ko. Kasisimula ko


pa lang. Vote and comment narin kayo. Salamat :')]

My Lost SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon