December 25

4 1 0
                                    

"GOOD MORNING EZRA!"

Bati ko sa kapitbahay kong crush ko. Alam niya yun pero wala siyang paki. Pero close kami since birth. Three years ang age gap namin....

Pero wapakels! Crush ko talaga siya!

"Morning!" Bati niya rin sakin at sabay na kaming sumakay sa jeep papuntang school. "Susunduin kita mamaya," Sambit niya habang inaabot ang bayad namin. "Hindi na, may practice kami mamaya sa Florante at Laura." Sagot ko.

"hmm? Sge text mo nalang ako." Sambit niya pa. Hindi ko alam pero natawa ako bigla. "ano?" Taka niyang tanong.

ANG SERYOSO NIYA!

"Bakit ba ang seryoso mo?" Natatawa ko parin tanong. "bakit ba?" Tanong niya pa. "Cute mo lang," nakangiti ko nang sagot at umiwas ng tingin.

"Kaya nga crush mo ko eh," buong kumpyansa niyang sambit. "Ang yabang mo!"

Nagdaldalan muna kaming dalawa hanggang sa nasa harap na kami ng classroom ko. "Wag kang magpapagabi Amara." Paalala niya pa tinapik ako sa balikat bago umalis.

Ganun ang nangyayari araw-araw kapag may pasok. Susunduin niya ako o di kaya ako ang pupunta sa kanila, sabay papasok, sabay naglulunch, tas susunduin ulit kapag uwian na.

-

"Okay lang yan wag ka nang malungkot," sambit niya pa habang tinatali buhok ko kasi buhaghag na. "Wala akong kwentang Laura." Iyak ko pa. "Tsk! Sino ba kasing leader niyo?! Siya ang walang kwenta! Hindi tama ang paglead niya kaya ayan nangyari. Hindi ka walang kwenta, Amara. Kaya tahan na." Galit na niyang tugon.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. "Tsk! Tumigil ka na kakaiyak! Pinagtitinginan tayo oh!" Naiinis na niyang sambit. Ang daming chismosa sa jeep! Lahat nakatingin na samin. Pinunasan ko ang luha ko.

Pero nakanguso pa rin ako.

"Alam mo ba? Kapag ngumiti ka..... Yung dila mo napupunta sa left side ng bibig mo."

Napatingin naman ako sa kanya at sinubukang ngumiti pero HINDI NAMAN NAPUNTA SA LEFT SIDE ANG DILA KO!

"Joke lang, gusto lang kitang ngumiti." Sambit niya kaya natawa ako. "sira-ulo..... Thank you." Sambit ko. "Always! Wag ka na umiyak ha? Pumapangit ka kasi." Nawala ang ngiti ko at natawa siya.

Sakto namang nasa babaan na kami. Bumaba kami dala ang kanya-kanyang bag. "Bukas ulit," Sambit ko at niyakap siya. Syempre tyansing na rin kasi nga crush ko siya HAHAHAHAHAHA!

-

Ang bilis ng panahon at December na! December 1 na at marami ng ganap sa school.

Confession day. Tuwing December 1 ay dapat mag confess kami sa kung sino man. Kunwari galit ka sa isang tao, so icoconfess mo sa kanya na galit ka. Ganern. Pero karamihan sa mga crush sila nagcoconfess.

Isusulat namin yun sa maliit na papel tas ibibigay sa mga pagcoconfessan namin ng personal.

Dala-dala ang papel na kulay blue ay pumunta ako sa building ng mga senior high. Kinakabahan ako kasi feeling ko nakakahiya ng mga sinulat ko!

Kumatok ako sa pinto ng classroom nila at napalingon sakin si Oliver, best friend ni Ezra. "Pre! Crush ko!" Tawag ni Oliver kay Ezra sabay turo pa sakin. Natawa nalang ako sa sinabi ni Oliver. Crush niya daw kasi ako pero hindi ako naniniwala.

"Gago!" Sambit ni Ezra sa kanya sabay batok bago naglakad papunta sakin. "Oh," abot ko sa kanya nung papel. "Confession day." Sambit ko nalang at tumakbo na papaalis dahil sa kaba.

"AMARA! SAKIN BA, WALA KANG ICOCONFESS?!" Rinig ko pang sigaw ni Oliver sabay tawa.

Matapos ang araw na yun hindi ko na siya masyadong nakikita. Umiiwas ako, inaamin ko. Nahihiya kasi ako.

DECEMBER 25Where stories live. Discover now