CHAPTER ONE

15 3 0
                                    



*phone ringing*

*phone ringing*

*phone ringing*

"HELLO?!"

"Umuwi ka na raw oi! anong oras na!"

Hala!

Napabangon ako sa kama at tinignan ang oras, sheet alas onse na!

dali dali kong tinupi ang kumot ko at nagsuklay, kasalanan ko to e. nag alarm ako kanina mga 5:00 kaso pinatay ko kasi inaantok pa ako, hay nako naman!

Ano bang kasing meron sa araw na to? well, may project lang naman kami by group at ang masaklap pa ako ang leader ng group namin at ako pa talaga mismo ang nagsabi na ang mala-late hindi na kasali!

"sabi mo may groupings kayo?" tanong ni ate pagkapasok ko sa bahay. sa bahay ng lola ko ako natutulog at hindi sa bahay namin para mabantayan siya, minsan kasi sumusumpong ang sakit niya. Ang pinsan kong si Ate Cassy naman talaga dapat ang natutulog dun  kaya lang nasa T.O siya ngayon." Oo, pinatay ko kasi ang alarm ko kaninang 5:00, napasarap yata tulog ko, patay!"

pagkatapos kong kumain agad akong naligo, since late na ako, mga 7 minutes lang ako nagtagal sa banyo.

"Pa, alis na ho ako." bahagya kong nilakasan ang boses ko para marinig ni papa sa loob." O sige ingat, kumuha ka na lang ng baon diyan." hindi ko pinansin ang sinabi niya at sa halip ay umalis nalang.

Ng marating ko ang kanto ng barangay namin ay nahirapan pa ako sa pag hanap ng masasakyang trycicle.

"Mormons po?" medyo inis kong sabi. kanina pa ako pumapara ng trycicle at niisa walang pumapayag.

Ang aarte naman kasi ng mga driver na 'to, ayaw sa malalalayo e magbabayad naman yung tao, sana hindi nalang nag trycicle driver diba.

Last na talaga to, pag di ako pinasakay hindi magkakatuluyan si Hyunsuk at si Roxie.

Si hyunsuk ay nagmula sa isang kpop group na TREASURE.

palagi kong inaasar si Roxie na pag ito hindi tama, hindi talaga kayo magkakatuluyan. sige lang manong, wag kang pumayag.

"Mormons  po?" tanong ko pa sa humintong trycicle. napaisip muna si kuyang driver.

"Tara." sagot ni kuya. mabilis akong pumasok sa trycicle ng marinig ang sagot ni kuya. hayst buti nalang pumayag si kuya. hulog talaga siya ng heaven.

sa susunod talaga mag aalarm ako ng 3:00 ng madaling araw para magising talaga ako.

"salamat po." sabi ko at inabot ko ang 6 pesos kay kuya at saka bumaba. pagkababa ko bumungad agad sa akin ang nakabusangot na mukha ng mga ka grupo ko.well, alam ko namang ako ang may mali pero duh, dapat sinimula na nila para naman agad kaming matapos.

"Pasensya na kayo ah? hindi ko kasi namalayan ang alarm eh."

hindi sila umimik kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita, "So! halina kayo para maaga tayo makauwi!"

lumipas ang ilang oras natapos rin kami sa project namin, hindi naman sila nagalit sakin kasi naglaro pala sila ng Among Us habang hinihintay ako.

Ang project na sinasabi ko ay gagawa kami ng props para sa reporting namin.

"ugh! hindi na naman ako makakauwi neto!" napatingin ako kay Mica na kanina pa pumapara ng trycicle.

"Same dai, kanina nga muntikan na akong hindi makapunta rito kasi walang pumapayag na driver."

STATUTORY Where stories live. Discover now