"Huling tula na para sa'yo"

2 0 0
                                    

Hindi ikaw, hindi ako,
kundi tayo.
Tayong bumuo ng isang tala,
isang talang puno ng mga imahe.
Imahe nating dalawa,
lalo na noong bago pa.
Ano ba ang bago?
Dapat ba hanggang dulo?
Ano ang pag babago?
Dala ba para lumago?
O baka, wala naman talaga?

Tapos na 'yon,
wag nang balikan.
Mga salitang mula sa iyo.
Teka, tama ba 'yon?
Kapag tapos na,
dapat kalimutan na?
Nakakatawa.
Ibinabalik mo nanaman,
wala namang halaga.
Ay teka, teka.
Wala ba talagang halaga?
Eh yung nararamdaman ng isa?
Hindi mahalaga?

Mahal kita,
totoo.
Mahal mo ako,
pero bakit ganon?
Nakakatakot,
nakakapagod.
Isang talang para sa atin lamang,
inuulat pa sa iba.
Wala pa tayo sa gitna ng hangganan
pero ako, alam ko kung ano ang nandoon.
Hindi kayang sulusyunan ang sariling ulat?
Nakakaawa ka naman kung ganoon.

Nagbago?
Bakit nagbago?
Isipin mo, bakit nagbago?
Uulitin ko ha? Bakit?
Bakit nagbago?
Hindi ka ganyan noon.
Oo, hindi nga ganyan noon.
Pero bakit nagbago?
Nakakatawa.

Bakit ganyan!
Hindi ganyan!
Bakit ka ganyan!
Bakit ako ganito?
Eh natanong mo na ba ikaw?
Bakit ka ganyan?
Bakit puro hindi ikaw?
Bakit puro bakit?

Ikaw ang nasa isip,
pati sariling damdamin ay binabalewala.
Baka masaktan s'ya,
o baka hindi ito angkop.
Wag na.
Pero ngayon,
ako naman,
sarili ko naman...
Bakit ganon?
Parang hindi tama?
Parang maling sarili ko naman?
Mali ba?

Nandito pa ang paro paro,
pero ang tamis
wala na.

Pasensya.

HULING TULA NA PARA SA'YOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon