CHAPTER 1

214 10 0
                                    


CHAPTER 1

Agad akong napabalikwas ng bangon pagkatapos kong mapanaginipan ulit yun.

Lagi kong napapanaginipan  ang pagtakabo namin ni mama sa kagubatan noong bata pa ako. At ang istrangherong lalaki na humahabol saamin.

Blurred sa panaginip ko ang mukha ng lalaki pero isa lang ang sigurado ako, delikado sya.

Napatingin ulit ako sa bintana ng kwarto ko, hindi na ako nagtataka kung bukas ito sa tuwing napapanaginipan ko iyun, lagi ko naman ito sinisira bago ako matulog pero nagigisingan ko ito na bukas na.

Hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa buhay ko, mag isa nalang ako simula ng mangyari iyun kay mama. Hanggang ngayun wala na akong balita dito.

Agad na akong bumangon ay nag handa na para sa klase. Ito ang unang araw ng pasukan ng pagiging senior high ko. Kaya kailangan ko ng maghanda.

Agad na akong naligo at nagbihis, at bumaba na para mag almusal. Pagkatapos ay lumabas na sa nirerentahan kong maliit na bahay na kasya lamang para saakin.

Kailangan kong magsumikap lalo na ako nalang mag isa sa buhay.

Nagsimula na akong maglakad pa puntang paaralan. Malapit lang naman kasi ito sa nirerentahan ko.

At habang naglalakad ay naramdaman kong may sumusunod ulit saakin, kaya binilisan ko ang paglalakad. Hindi na saakin ito bago pero hindi ko pa rin maiwasan na matakot.

Agad na akong nakarating sa paaralan at nakita si Bea na kumakaway saakin kaya agad ko na itong nilapitan. Si Bea ang matalik kong kaibigan at itinuring ko na ring pamilya.

"Uy kamusta?" tanong nito habang nakangiti pagkalapit ko dito.

"Okay lang, ikaw ba? ngiting sagot ko rito.

"Okay lang naman, alam mo ba na meron gwapong transferee ngayon?" kinikilig na saad nito. Tinawanan ko lang ito at pumasok na sa classroom.

Magkahiwalay kami ng upuan ni Bea kaya hindi na kami nakapag usap pa.

"Good morning class, alam nyo naman na meron tayong transferee diba?" tanong ng professor namin dahilan para magtilian ang mga kaklase ko.

May isinenyas si maam sa may pinto bago pumasok ang isang gwapo at matipunong lalaki, dahilan para lumakas pa ang mga tili ng mga kaklase ko sa loob kasama na si Bea.

May sinabi pa ang professor namin pero hindi ko na ito nadinig dahil na focus na ang tingin ko sa transferee. At mas lalong hindi ko na ito maiiwasan ng tumingin din ito saakin.

Parang nakita ko na sya dati.

The Vampire Prince ObsessionWhere stories live. Discover now