Marrying My Father (Review)
By BernaMiraYu
Simulan natin sa title. Catchy siya kumbaga pagkakita mo palang sa title mapapa-’What? Marrying My Father? Father talaga?’Kaya nga noong nabasa ko ‘yung title nakuha nito ang atensyon ko gusto agad siyang basahin dahil sobrang nacurious ako kung ano ang kwento nito.
Sa Characters. Focus sa main characters kahit ilan lang ang characters nabigyang buhay sila.
Ang Point of View ng kwento ay third person lang pero makukuha mo ang gustong ipahayag ng bawat character hindi siya nakakalito.
‘Yung emotion madadala ka talaga sa bawat eksena tagos sa puso lalo na kapag focus ka sa pagbabasa mararamdaman mo ‘yung bigat ng emosyon, kikilabutan ka at minsan pa’y may magbabadyang luha.
At ang plot. Unique plot lalo na noong nabasa ko ito matagal narin kahit na ngayon wala pa akong naeencounter na ‘yung tatay papakasal sa anak niya kahit na sabihin nating hindi naman niya talaga anak ito.’Yun nga lang ‘yung twist ng kwento para sa’kin maganda sana kung ‘yung ibang details hindi nabanggit para mag-isip ang reader example ay ‘yung sa pagiging magkamag-anak ni Charmaine at Rex. Pero ayos lang kasi habang nagbabasa ka nito mapapasabi ka nalang ng ‘Hay Charmaine kung alam mo lang kamag-anak mo ‘yan, tito mo ‘yan tsk tsk.’ Mas nabigyan ng excitement ang mambabasa kung anong mangyayari sa susunod na kabanata. Anong magiging reaksyon ng character kapag nalaman niya ang katotohanan.
Overall, Hindi siya mahaba pero hindi rin maikli tama lang kada kabanata isama mo pa ang special chapter.
Pero hindi dapat nilalaktawan kahit isang kabanata dahil lahat importante. Ang ending nito ay tama lang hindi siya bitin. Hindi man ito sobrang habang kwento nabigyang hustisya naman at may mapupulot kang aral.
BINABASA MO ANG
Marrying My Father by TrinieFangs [Review]
RandomMarrying My Father (Review) i wrote this long time ago... i dunno when.