Chapter 26
~♥~ANDREA HELL LEE//~♥~
Nandito kami ngayun papalabas ng academy at hindi mapigilan mga tilian dahil sa mga kasamahan ko tsk, at ang mga kasama ko kanina pang nag tatawanan dahil kay gabriel na kanina pa reklamo ng reklamo dahil daw ayaw niyang pinagtitilian siya ng mga babae gusto daw niya mga lalaki nanaman ang mag tilian sa kaniya,hayst napa iling iling nlang ako
"ehh gwapo ka ehh" pang aasar nman ni mark sa kaniya
"yuck!! Maganda ako" sabi niya pero mahina lang na kami lang ang nakakarinig hahaha
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila,at kanina ko parin na papansin na kanina pakami lakad ng lakad dito hindi naman namin alam kung san kami pupunta hayst bwesit kasi my pa back out back out pakasi akong nalalaman tsk
"tika nga lang san bah tayo pupunta" tanong ko sakanila
"ehh iwan namin sayo queen, sayo lang kami sumusunod" sabay na sabi nila
"tsk" yan nlang ang nasabi ko pero may naalala ako
"bakit nga pala kayo nandito" tanong ko sakanila, bigla nman nanlaki
"hala patay nakalimutan natin na pupunta pala tayo sa dean office para kunin ang schedule natin" sabi ni mark sa apat
"ahm dito nakasi kami mag aaral queen,para makasama ka namin queen" sagot nman saakin ni jerome
Tumango lang ako
"wag na kayo mag alala, dun kayo sa section kung saan ako,ako na ang kumausap kay dean carseo" sabi ko,ng biglang tumunog ang tiyan ko
Krruukk krrukk
Napatingin naman saakin ang lima
"queen kumain nalang kaya muna tayo?" tanong ni jerome,tumango nman ako lunch break nanaman ngayun
"tara,bumalik nlang tayo sa cafeteria" sabi ko
"sige gutom narin ako" sabi nman ni gab
Naglakad na kami papuntang cafeteria marami naring mga estudyante ang nagsilabasan, habang papalapit kami sa cafeteria ng biglang may tumabi saakin at umakbay mag bigla ko nman to tinignan ng masama
"queen wagkang magalit palabas lang to baka nandiyan yung gago,dibah girlfriend kita sa pagkakaalam nila"sabi ni jerome na nakangiti tsk
"ehh pwede naman na magkasabay na lumakad ehh no, ehh bakit may pa akbay akbay ka pa" sabi ko sabay tanggal ng kamay niya na nka akbay saakin tsk
Ng makarating na kami sa tapat ng cafeteria pumasok na kami agad,nang nka pasok na kami nakita ko sila kuya na kumakain napatigil naman sila at tumingin sa gawi namin,nabaling nman ang tingin ko kila ezekiel at sofia na naghaharutan tsk
Bigla ko naman hinigit si jerome at pinulupot ko ang braso ko sa braso niya na tatawa nman siya,sinamaan ko nman siya
"haha..queen akala ko bah wa...."
"tsk tumahimik ka diyan" putol ko sa bulong niya saakin, tinawanan lang niya ako
Nagulat nman ako ng tinanggal niya yung kamay ko na nakahawak sa braso niya at hinapit yung biwang ko,sinamaan ko nman siya ng tingin pero nginitian niya lang ako tsk
"tara na babe,dun tayo ouh sa bakanting lamesa"sabi niya at sabay turo dun sa bakanting lamisa na katabi sa mga kings tsk
Hindi nlang ako sumagot,lumakad na kami papunta dun tumingin nman ako sa gawi ng mga kings nakita ko nman na masamang tumingin sila kuya kay jerome na ngayun ayy nakangiti lang, nabaling nman ang tingin ko kay ezekiel na naka kunot ang noo na tumingin sa kamay ni jerome na naka hawak sa bewang ko,inangat naman niya ang tingin saakin ng masama, inirapan ko lang siya hanggan sa nabaling ang tingin ko kay sofia na masama din na tumingin saakin, nag smirk lang ako sa kaniya mukang natakot nman siya dahil umiwas siya ng tingin tsk
Ng makarating kami umupo na agad ako,tatayo sana ulit ako para mag order nang pigilan ako ni jerome na nasa tabi ko tsk
"hey babe just wait here ok, ako na ang bibili ng pagkain natin, mark,top, raven samahan niyo ako" sabi niya nagsitayuan nman ang tatlo kaya kami nlang ang dalawa ni gab ang naiwan dito
Nang makarating na sila jerome na may dalang mga pagkain, lumapit siya saakin at binigay yung akin na binili niya,nag simula na kaming kumain, habang kumakain kami naramdam ko nman na may masaman tumingin saamin pero hindi ko nlang pinansin at nag patuloy lang akong kumain hanggang sa natapos kami , nang biglang kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko, nagulat naman ako sa ginawa niya kaya kinuha ko yung tisue na pinunas niya saakin,may narinig naman kaming parang pinalo ng malakas ang lamesa,pero sinawalang bahala ko nlang
"a ako n na" nauutal kong sabi
Pinabayaan naman niya ako at nagpatuloy siyang kumain,tumayo nman ako para mag cr
"cr lang ako" sabi ko
"sige queen,ilabas mo lang yan" sabi ni gab sinamaan ko naman siya ng tingin
"ito nman si queen joke lang naman, sige na gora ka na" sabi niya tumawa nman ang apat tsk
Tumalikod nlang ako at lumakad paputang cr
Ng mkalabas na ako ng cubicle dumiretso nman ako sa tapat ng salamin at nag hugas ng kamay nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si sofia at nakangising tumingin saakin
"ouh hi andrea" sabi niya
"correction its HELL" sabi ko din at diniinan yung hell na pangalan ko
"tsk what ever" sabi niya at pumunta sa tabi ko at nag hugas din ng kamay
"ohw by the way hindi ko na pala kailangan ng invest mo kasi tinulongan ako ni ezekiel at ng dad niya" sabi niya
"then good to you" pang aasar ko nman
Natapos naman siyang nagkuhat ng kamay at winaksi ang kamay niyang basa sa harap ng mukha ko kaya natalsikan yung mukha ko,nanadya bato pero sinawalang bahala ko nlang at kinuha yun panyo ako at pinunasan ang muka ko
Lalakad na sana ako papalabas ng bigla niya akong hinila sa braso kaya walang sabi sabing hinawakan ko ang leeg niya gamit ang kaliwa kong kamay kaya napahawak siya nito isinandal ko siya sa pader habang hawak hawak ang leeg niya,nag pupumiglas naman siya
"hindi kaparin natuto ehh no" walang emosyon kong sabi
"a ano b bah!!! B bitawan m mo a ako!!!ano bah h hindi a ako m makah hinga" nahihirapan niyang sabi
"wala akong pakialam" madiin kong sabi at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg niya,nakita ko nman na namumula na siya at hirap ng huminga kay binitawan ko siya napa upo nman siya habang hawak hawak ang leeg niya at hinahabol ang sariling hininga tsk
"tsk" tanging sabi ko lang at lalakad ulit ng mag salita siya
"may araw karin saakin andrea" sabi niya
"hihintayin ko yang araw nayan sofia,hihintayin ko ang araw ng kamatayan mo" sabi ko at lumabas
Lumakad naman ako papalapit sa pwesto namin
"tayo na" malamig kong sabi sa mga kasama ko
Napansin nman nila na wala ako sa mood kaya agad silang nagsitayuan at sumunod saakin naguguluhang tumingin naman saakin ang mga kings
"tsk" tsk ko sa kanila
Bago sila nilagpasan at lumabas ng cafeteria
BINABASA MO ANG
SILENT BUT DANGEROUS NERD (COMPLETED)
ActionMay isang nerd na subrang tahimik at walang ka imik imik walang pakialam sa kanyang paligid,palagi lang siyang nasa library pero kadalasan sa garden,siya ay may angking talino palaging number one sa mga brain storming contest,at mahilig din siya sa...