Switch 1

52 0 1
                                    

"Oy Cris asang part ka na ba? Baka di mo na pinag-aaralan yan. Sayang naman yung tinuro ko sayo. Aba mahal kaya bayad sa mga tulad ko"

"Teka nag-coconcentrate ako dito."

"Antagal naman....Tss!!"

"Kelan ba kasi natin itutuloy yung plano?"

"Kung pwede nga lang na kaso antagal mo eh"

"Agad-agad? Di pa ako masyadong ready"

"Ako nga isang gabi ko lang mi-naster yun eh"

"Ikaw yun, hindi ako"

"Ah basta"

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Andito kami sa kwarto ko. Si Cris nagkakabisado, ako nag papractice.

Para saan? edi para sa pangarap namin. Ang maging isang IDOL STAR.

Yeah that's right, pero parang medyo imposible kasi yung gusto namin. 

Sa South Korea lang naman namin gusto magpasikat. Alam naman nating mejo mahirap talaga makapasa at makapasok sa mga naglalakihang kompanya dun.

Pangarap ko talaga ito simula bata pa. Nag-aral din ako ng ballet, jazz, hiphop at hawaiian. Nag take din ako ng voice lesson.

Pinag-aral talaga ako ni mommy ng mga ganun hindi dahil sa gusto ko kundi dahil trip lang nya. Malakas kasi trip ni mommy dati siguro nadala lang kay ate.

Habang na eenjoy ko na ang iba't ibang trip ni mommy saka naman nila ako pinatigil. Hindi na kasi nakasakay ng barko si daddy kaya kelangan namin magtipid para daw makapag-aral pa din

kami ni ate. Si kuya may sarili ng pamilya, si ate naman nasa kolehiyo, at ako elementary pa lang. Kaya nagdecide ako na ibahin nalang yung gusto ko. Hindi rin nagtagal at nauna na si mama sa langit

Masakit tanggapin lalo pa at gagraduate na ako ng elementary at magsisimula ng bumuo ng pangarap.

Hanggang sa eto ako, isa graduating student ng HighSchool department, narealize ang tunay na pangarap, ang maging isang sikat na artist.

"Dally ano nga ba ulit basa dito?"

"Hanggang ngayon ba naman anjan ka pa rin? Paulit ulit ko na kaya sinabi sayo yan. Tss!"

"Dally, Cris baka gusto nyo namang lumabas jan sa kawarto at maghain na dito? Tama na yang kpop kpop na yan wala naman kayong mapapala jan" 

Tss, si ate Lara naman oh. Bitin tuloy yung practice ko. At sinong nagsabi na wala kaming mapapala dito sa kpop. Hindi lang nila alam

Si ate Lara, sya yung asawa ni kuya. Siya na rin yung nag-alaga sakin simula nung mawala si mama. Sobrang laki ng utang na loob ko jan. at sa sobrang laki hindi ko na alam kung pano babayaran.

"Sige na te, kami na bahala jan."

Magkakasama lang kami nina Cris, Ate Lara, Andrea, at Alesandra sa iisang bahay. Si Cris ang pamangkin ni ate Lara. Pagpinapakilala ko sya sa mga classmate ko

lagi ko lang sinasabi na kaibigan ko na nakatira sa bahay namin. Hindi ko kasi alam kung pano ipapaliwanag sa kanila. Lagi nalang nila tinatanong kung pinsan ko daw ba tong

si Cris kasi daw magkasama lang kami sa iisang bahay. Si Andrea naman at Alesandra yung dalawa kong pamangkin. O diba, ansaya sa bahay namin puro kami babae.

Minsan lang kasi umuwi sina daddy at kuya. Pareho na kasi silang nag-aabroad. Pati rin si ate nasa abroad din, land base nga lang. Di tulad nina daddy nasa dagat.

*FastForward*

Paalis na kami ni Cris ng bahay. Ngayon na kasi kami magrerecord ng voice namin saka magvivideo ng sayaw para mapasa na namin sa online audition. Yun kasi ang uso pag hindi ka directly sa korea mag aaudtion.

Hindi namin sinabi yung talagang dahilan namin. Ayaw na ayaw talaga kasi nina ate yang kpop. Hindi daw kasi nila maintindihan. Sus, As if naman eh mas adik sakin tong si ate Lara sa mga korean drama. Lalo na kay Lee Min Ho.

Ano ba kasing meron kay Lee Min Ho. Ma-appeal lang. Tss!! Bahala na nga yang si Lee Min Ho sa buhay nya. Wala naman akong interest dun ihh.

Nagsisimula na kaming magrecord ngayon at magvideo. Sana talaga maging successful lahat ng palusot at paghihirap namin. Mejo nakakakaba talaga pag mag-aaudition.

Hindi mo kasi alam yung takbo ng mga utak ng judges. Baka hindi nila magustuhan yung performance namin. Talagang pinaghandaan namin tong BIG DAY nato.

Na-upload na namin yung recordings namin pati video. Eto na, eto-eto na talaga at iki-click ko na ang send at kelangan na lang naming mag hintay.

Oh!My!Gosh! ano ba tong pakiramdam nato. Naka aircon naman kami pero bakit parang pinagpapawisan ata ako. Ambilis ng tibok ng puso ko. 

Sobrang kabang-kaba nako. 

(-_-)<--Ako!

(-_-)

Naghihintay ng result...

___________________________________________________________

Maging okay kaya yung audition?

Hanggang kailan kaya yung paghihintay?

Makapasa kaya?

(Unknown: Read, Vote and comment para malaman ko kung ok lang ba yung story. sana talaga magustuhan nyo. Matagal ko na kasi gustong ilagay to sa wattpad. Buti nalang at tanda ko pa yung ibang parts. Sana at sana talaga at magustuhan nyo toh!!!) =D

SwitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon